Kabanata 11

285 34 4
                                    

Jamie POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jamie POV

Kinabukasan hindi ako nakapasok, feeling ko kasi hindi ko kayang makiharap sa kahit na sino. I feel so weak and numb! Sobrang sakit ng ulo ko pero higit sa lahat sobrang sakit ng puso ko.

Ang masakit dito is that I can't change anything right now. Kahit anong gawin ko is wala naman ako magagawa dahil eto na yung buhay ko!

All I can do right now is cry!

After a day na hindi ako nakapasok, I realized na I need to calm myself and be okay again kasi naisip ko na wala naman mangyayari if magpapakalugmok ako sa lahat nang nagyari. Need ko nang pumasok and get over what happened to me. I can't sacrifice my studies because of this.

I must stand up and live again. Even though nahihirapan parin ako, I really tried my best to look okay again. Pagdating ko sa labas ng gate ng lugar namin para sana mag intay ng jeep na masasakyan on the way sa university.

Nagulat ako ng makita ko agad si Cid na mukhang hindi mapakali! Palakad lakad kasi sya na mukhang aligagang nagiintay sa kung ano or sino.

I decided na tawagin sya kaya agad agad nya din akong nakita. Makikita sa mga mata nya yung gulat nung makita nya ko. Tumakbo agad sya sakin at niyakap ako sobrang higpit.

Ramdam ko sa yakap nya kung gaano sya kasabik sakin. Di ko maexplain pero halata sa yakap at kilos nya yung takot. Ang lakas ng paghinga nya, rinig na rinig ko ang bawat paghinga na nilalabas nya habang magkayakap kami. Halatang ring sobra nagalala sya para sakin.

Oo nga pala, di ko nga pala nasabi sa kanya yung nangyari nung isang araw, at di ako nakapasok kahapon kaya siguro nagaalala sya.

Alam nya kaya?

Ewan ko pero habang magkayakap kami. Hindi ko mapigilan hind maging masaya kahit paaano. Yung yakap nya na sobrang higpit! Yung pagkakayakap na parang nagpapahiwatig sa akin na nadito na sya at wala na akong dapat ipagaalala. Yung comfort na never kong naramdaman sa ibang tao pwera sa yakap ng mama ko at nararamdaman ko sa kanya ngayon.

For the first time, walang memories na bumalik sakin dahil sa yakap na ito. Kaya nagawa kong sagutin yung yakap nya. I feel like, I needed this hug. I felt like sasabog ako sa sobrang sakit na pinipilit kong itagost wag ipakita sa iba. I don't want other to see how weak I am. I don't want them to see na umiiyak at nasasaktan ako kasi feeling ko kakaawaan lang nila ko and I hate that!

Dahil narin siguro sa sobrang comportable nung nararamdam ko ngayon habang niyayakap nya ko nagawa kong umiiyak ng umiyak sa bisig nya.

Akala ko okay na ko! Akala ko kaya na ulit makiharap sa ibang tao! Akala ko wala na kong masyadong sakin na nararamdaman at kung meron man, akala ko kaya ko na itong tiisin at itagi sa aking sarili pero mali pala ako.

Masakit pa rin pala! Sya naman ayun, hinahagod lang yung likod. Isa ito sa mga qualities ni Cid na sobrang gusto ko. He understands me! Na kahit hindi ako magsalita alam na nya yung mga kailangan ko. At ng time na ito, he knows that this hug is what I needed the most!

Kailangan ko ng taong magpaparamdam sakin na magiging okay ang lahat. Yung magpaparamdam sakin na safe ako!

After ng ilang saglit, He guided me at sinakay nya ko sa kotse nya ng mapansin nyang pinagtitinginan na kami ng mga tao and para na rin siguro mas maging comportable ako.

I continued to cry until mahimasmasan tsaka ako nakapagsalita. He's still holding me so tightly. I let go myself from him. Hinawakan nya yung mga kamay ko at hinarap ako sa kanya. We are just looking at each other eyes before ko nagawang magsalita ulit.

"Thank you, Cid! For comforting me! I didn't know how much I need this until you came and give it to me. Thank you talaga!"

"My love, you don't have to thank me. Actually, feeling ko kasalanan ko lahat kasi dahil sakin nasaktan ka. Kung alam mo lang kung gaano ako nagalala sayo. Agad agad akong pumunta sayo, after ko malaman ko yung nangyari. Pero to my disappointment pagdating ko sa room nyo wala ka na daw. I tried na puntahan ka sa bahay mo pero di ko naman alam kung san ka nakatira. I tried na magtanong sa mga tao dito sa lugar nyo pero di ka daw nila kilala. God! Jamie! kung alam mo lang yung kabang naramdaman ko lalo na kahapon na di ka pumasok. Gusto ko na nang halughugin yung lugar na ito, kaya lang pinigilan ako nila Andy" Sabi nya sabi sakin habang hawak hawak yung kamay ko.

Alam pala nya pero paano?

Tapos ano kamo? Andy? Okay na pala sila Andy at Cid.

Actually, nagtataka ako kasi di na ako inaaway ni Andy simula nung nagusap ata sila. Nagusap daw si Cid and Andy, pero kung ano yung pinagusapan nila? Ay nako yun ang hindi ko alam!

"Kaya ayun nagintay nalang ako dito sa labasan nyo maghapon kahapon!"

Medyo nagulat naman ako sa mga sinabi nya? Nagintay sya dito maghapon.

"Naghintay ka dito?" tanong ko.

"Yes, pero di ka naman lumabas kaya sobrang kinakabahan na talaga ako. Buti nalang pumasok ka na ngayon kasi kung hindi, ipapahalughog ko na talaga yung buong lugar na ito wala akong pakialam paano pero I swear, Jamie! I will do it!"

Medyo natawa naman ako sa sinabi nya. Minsan talaga OA mag react si Cid!

"Oh, bakit ka tumatawa! I swear Jamie! Gagawin ko talaga yun!" Sabi nya with matching raising of his right-hand pa to act like he is swearing to me.

"OA ka din minsan noh?" Tanong ko sa kanya then hindi ko napigilang hindi na matawa.. Isa pa ito sa gusto ko sa kanya. Yung way kung paano sya mag salita sakin, walang filter kaya alam kong totoo.

Sya lang din yung nakakapag patawa sakin ng ganito pwera sa mga kapatid ko at si Mama.

"My love! I'm not OA! Ganito talaga ko sa mga taong mahalaga at mahal ko. Mahal na mahal lang talaga kita!" Sabay hawak pa sa dibdib nya. I just rolled my eyes on him as my response.

"Pero seryoso, Jamie! I'm so sorry for what happened yesterday, and I swear to you that it will never happen again!"

"Paano mo naman masisigurado, di naman salahat ng oras magkasama tayo tsaka hindi mo naman ako obligasyon para bantayan oras oras"Sagot ko sa kanya. Totoo naman, may sarili din syang buhay. Hindi naman pwedeng oras oras ako lang ang inaasikaso nya. Hindi naman pwede un!

Nagulat ako nung bigla nya kong iharap sa kanya. Napansin nya kasing nakayoko at malungkot na naman ako.

"Jamie, please watch my game later and I will prove it to you. No one can hurt you again. Not ever! Lalo na't nandito na ako for you. Baka makapanakit ulit ako gaya ng ginawa ko kay Andy noon. Wala akong pake kahit babae o lalake pa sya. Basta mahal ko ang kinanti nila. Maghahalo ang balat sa tinalupan." Sabi pa nya. with matching hand gestures na nagsasabing he promise.

Ewan ko pero I felt secured with his words talaga! Di na ko sumagot at nginitian ko nalang sya. Ayoko ng sumagot baka may masabi akong di ko kayang panindigan.

Sinagot naman ako ng matamis na ngiti ni Cid and niyakap nya ko ulit.

Ngayon, I feel so secured! Whenever I'm with him, I know na no one will ever hurt me again. Not again as long as I have him!

Sana lang hinding hindi sya magbago gaya ng lagi nyang sinasabi at ipinapangako sakin dahil ang totoo?

If mangyari yun at magbago sya towards me?

I think sobrang masasaktan ako!

Yun ang sigurado ako!

TO BE CONTINUED
WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon