Three months after
Jamie POV
Kakatapos ko lang online class ko, feeling ko na drain utak ko dun ah. Grabe naman kasi yung exam na yon napaka tricky. Kung pwede ko lang hindi kunin yun ginawa ko na, pero ano pa nga bang magagawa ko. Alternative kasi yun ng OJT ko. I need to attend trainings then pass the exam para magkaroon ako grade.
Buti nga pinayagaan ako ng mga professor ko. Nagoonline class na ko, pati ba naman OJT hindi ko nacomply. Pero wala eh, iba din talaga yung may boyfriend kang Cedric Alonzo. I don't know paano nya nagawang mapapayag mga prof ko kasi nagulat nalang ako ng sabihan nya kong
"Love! No need to do your on the job training. I already enrolled you on some trainings and certification program. Yun nalang ang kapalit na need mo gawin kapalit sa OJT grades mo." He said that like he was just informing me. Walang halong pagtatanong kung payag ba ako or okay lang ba sakin.
Naiintindihan ko naman siya, kasi alam kong kapakanan ko lang yung iniisip nya. Cid is always like that. Who I am to say No, right? Sa tagal na namin ni Cid. Mag tatatlong taon na kasi so medyo nakakapa ko na kung paano maging mabuting boyfriend sa kanya.
Compromise! Yan ang isa sa natutuhan ko simula nung sinagot ko si Cid. Nagsasanay pa ko pero paunti unti, alam ko makukuha ko din.
Speaking of Cid! Asan na ba yun? Andito kasi ako sa study room nya, which is naging study room ko na rin simula nung nag stay ako dito.
Kanina pa hindi nagpaparamdam sakin yung lokong yun ah. Lumabas na ko ng room para hanapin sya. Nakakalakad naman na ko kahit paaano without the need of saklay pero hindi ko parin kaya yung tumakbo. Paika ika parin ako.
Naabutan ko si Mama, kasalukuyang inaayusan sila Liza and Joshua.
Wait! Bakit ganyan yung ayos nila? Nakapanglakad? Aalis ba sila? Bakit wala naman akobg matandaan na nakwento ni mama na pupuntahan nila.
"Ma? Bakit nakapang lakad sila Joshua? May pupuntahan ba kayo?" I asked them. Bakas kay mama yung pagkagulat, na pinagtaka ko naman.
"O! Jamie! Tapos ka na? Bakit ang ang bilis mo naman?" Mama said, she sounded like kinakabahan or hindi mapakali. Hindi rin sya sakin makatingin ng diretso
"Anong mabilis ma? Kanina pa nga ako nasa loob eh!" I told her. Siguro inabot ako 2 hours sa exam na yun.
"Ahh, ganun ba! Hala patay, paano toh!" Sabi ni mama na mas lalong nagpataka sakin.
Ang weird ng mga kilos nya ngayon ah!
"Ma? Ang weird mo ngayon? May ganap ba? Hindi mo sinagot yung tanong ko? Bakit nakapangalis sila Liza at Joshua! Aalis ba kayo? Bakit hindi ko ata alam yan? Kasama ba ko? Wait? Nakita mo ba ma si Cid? Kanina pa sya hindi nagpapakita sakin. Bago yun eh, walang Cid na kanina pa dapat tanong ng tanong sakin kung kamusta ako." I told my mom pero wala akong sagot na natanggap sa kanya. Mukha syang kinakabahan na ewan.
BINABASA MO ANG
Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡
RomanceJamie's Nagbago ang lahat until makilala ko sya!Kakayanin ko ba pag nawala sya sa buhay ko? Kakayanin ko pa nga ba? Kakayanin ko bang magpatawad at tanggapin sya ulit? Paano kung may mga bagay na gusto ko pero never nyang maibibigay sakin?/Kakayanin...