Kabanata 49

145 21 2
                                    

Jamie POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jamie POV

After ko makita sila Liza, kumain lang kami sa labas. Grabe yung itsura nila habang kumakain kami, para silang gutom na gutom. Awang awa ako sa mga kapatid ko. Sobrang saya nila habang kumakain sila ng paborito nilang chicken Joy. Buti nalang at hindi nagalaw yung pinagipunan kong pera noon na tinago ko pa sa isang tagong lugar sa bahay. Sobrang saya nila, muntik pa nga ako makipagaway kasi pinapaalis sila nung isang babae, akala siguro nya mamalimos sila Liza sa loob.

After naming kumain sa labas, umuwi na kami. Nang makarating kami sa bahay, pinaliguan ko lang sila at agad agad narin silang nakatulog na para silang pagod na pagod. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nakauwi na ko. Wala na si John! Iniwan nya na ko kasi siguro nagsawa na sya sakin at kaya ayun naghanap na ng bagong pagsasawahan. Umiiyak ako habang pinagmamasdan ko yung mga kapatid ko. Pakiramdam ko kasi walang nangyari sa mga sinakripisyo ko para protektahan sila! Yung mga pambababoy, pananakit na pati buhay ko muntik nang mawala! Mabuti nang ako nalang pero yung pati sila mahihirapan ng ganito. Hinding hindi ko kakayanin yung ganito na pati sila nasasaktan at nagdudusa.


Bakit ba nagkakaganito ang lahat? Bakit ba namin dinadanas ang mga ganitong pangyayari sa buhay namin? Naging Mabuti tao naman ako! Never akong gumawa ng isang bagay na makakasakit sa kapwa pero bakit ganito! Bakit ganito ang mga nararanasan ko! Bakit! Hindi ko maintindihan!

Pakiramdam ko gumuguho isa isa yung bloke ng buhay ko! Hindi ko maiwasang hindi maalala si mama.

"Ma! Asan ka na ba! Please bumalik ka na! Kailangan kita Ma! Please bumalik ka na! Kailangan namin ng tulong mo."

Tsaka ako umiyak ng umiyak! Buong gabi siguro ay umiiyak lang ako. Awang awa sa sarili ko, ni hindi ko magawang tingnan ang sarili ko sa salamin. Yung katawan ko na puno ng pasa! Yung butas kong sobrang sakit pero higit sa sakit ng katawan ang sakit ng aking nadarama sa aking kalooban! Sobrang bigat! Sobrang sakit!

Dalawang buwan na yung nakakalipas simula nung mahanap ko sila liza, nagpatuloy na rin ako sa pag-aaral. Mabuti nalang mababait yung mga kapitbahay namin at pumapayag sila na iwanan ko muna sa kanila sila Liza. Pinapasok ko din yung mga bagay na pwede ko pagkakitaan. Like pagkukumpuni ng kung ano ano, paglalabada at paglilinis sa aming mga kapitbahay. Naranasan ko pang magiwan ng plastic sa kung saan saan bahay, umaasa na baka maawa sila sakin at maglagay sila kahit kakarampot na makakakin. Lahat ng pwede maibenta para may ipang tawid gutom ako sa mga kapatid ko, pinapatos ko na. Kumalkal ng basura! Makipagagawan sa mga boto ng plastic na aking nakikita.

Hindi ko alam paano ba ko napunta dito, sa ganitong edad ko na 16 pero napakarami ko nang paghihirap na pinagdaanan. Gusto ko mang sumuko na pero hindi ko pwedeng gawin yun dahil may mga kapatid akong umaasa sakin.

Lord! Kelan po ba matatapos toh! Pagod na pagod na po ako.

Time check Alas syete na ng gabi.

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon