1

94 5 0
                                    

Dear Rio,

Hello! I'm Kirstine, 22-years old. I've been a fan of you for five long years. Oo nagsimula ako noong first project mo pa five years ago. 'Yong side kick role mo sa romcom serye ni Ms. Alex.

Noon pa, fan na fan mo na ako. Naitabi ko pa 'yong mga poster at notebook ko noon. College na ko pero 'yong spiral notebook ko, may mukha mo. Pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko noon, sabi nila ang tanda ko na para sa ganoon. At sa dami daw ng susuportahan, bakit ikaw pa na extra lang kung marami namang iba dyan? Tandang-tanda ko pa ang sinagot ko sa kanila, “Balang araw, magiging bida ka rin. Hindi ka habang buhay na extra.” Kaya naman noong una kang magkaroon ng lead role, naghanda ako. Bumili ako ng cake at ice cream para mag-celebrate. Pakiramdam ko, ako ang nagkaroon ng malaking achievement sa bago mong project. Pakiramdam ko ako 'yong nabigyan ng opportunity para mapatunayan ang galing ko.

Five years later, nandito ako para sumali sa Date Your Idol contest ng network mo. Alam kong 1% lang ang tsansa na mapili ako dito. Alam kong imposible na mabasa mo itong sulat ko o makarating man lang ang kwento ko sa 'yo. Manalo man ako, o matalo, sa kumpetisyon na ito, gusto kong malaman mo na nandito lang ako. Nandito ako at tahimik na susuporta pa rin sa iyo.

Sa lahat ng tagumpay at dagok sa buhay na pagdadaanan mo, nandito lang ako Victorio V. May isang Kirstine na patuloy lalaban at magdadasal na malampasan mo ang lahat. I will always cheer for you, Rio!

Forever Silent Fan and Lover,
Kirstine Deloy

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon