Kirstine Deloy
04:32 PM
Kirstine: Thank you, Miggy. Hanggang ngayon nahihiya pa rin akong tawagin kang Miggy. Hahahaha!
Bakit naman?
Kirstine: Syempre, sino ba naman ako? Fan mo lang ako.
Fan kita. Walang lang.
I am where I am today because of fans like you. Kaya wag mong minamaliit ang sarili mo.
Yang minamaliit mo ang nagpalawak ng talento ko. Ang nagpalaki sa akin. Ang nagpaganda sa buhay ko. Kaya wag mo i-lang ang pagiging fan ko.
Kirstine: Alam mo sa ibang tao, pag-aaksaya lang ng oras itong pagfa-fangirl ko. Pero ikaw, kung itrato mo ko, parang napakaimportante ko sayo.
Syempre naman. Sabi ko nga di ba, hindi ko mararating kung nasaan man ako ngayon kung hindi dahil sa inyo na fans ko.
Kayo ang lakas ko. Kayo ang nagbibigay sa akin ng tapang at lakas ng loob para mas pagbutihin pa ang trabaho ko.
Kirstine: Salamat, Rio.
Bakit Rio na naman? Haha.
Kirstine: Ang hirap naman kasi. Sanay akong tawagin kang Rio. Ilang years na kitang idol, tapos bigla kitang makikita ngayon, papakilala ka na ibang pangalan.
Pangalan ko pa rin naman yung Miggy.
Kirstine: Pero mas sanay kami sa Rio.
Haha.
Kirstine: Thank you ulit sa hinanda mo para sa akin. Hindi ko in-expect na ganung klase ng date ang gagawin natin. Para talaga tayong nag-date. Hahahaha!
Have you ever dated or been in a relationship before?
Kirstine: Wala, never pa kong nakipag-date. Date nga hindi pa, bf pa kaya?
Why?
Kirstine: Tinanong mo na yan.
I know.
I'm still curious.
Kirstine: Bakit ka curious?
You're beautiful.
Kirstine: Hala! Ulol.
What? Haha.
Kirstine: Eh sa wala nga kasi
Mapili ka ba?
Kirstine: Hindi nga.
Then why?
Kirstine: Ang kulit, Rio!
Siguro bulag mga nakasalamuha mo. Di nila makita yung ganda mo.