32

24 1 1
                                    

Kirstine Deloy

12:02 AM


Kirstine: Miggy, gusto kita. Gusto kita sa paraang hindi na dapat. Alam ko na mali. Alam ko na hindi ko dapat bigyan ng kahulugan. Alam ko na dapat pinigilan ko ang sarili ko na mahulog sayo. Kaso hindi ko magawa. Hindi ko nagawa, Miggy, kasi kahit sino mahuhulog talaga sa iyo. Kahit sino mapapamahal talaga sayo.
(Kirstine unsent a message)

Kirstine: Bakit kasi ganyan ka? Bakit ang bait bait mo sa akin? Pinaparamdam mo na iba ako sa lahat. Espesyal ako sayo at ganoon ka rin naman sa akin. Pero mali, eh. Mali na to kasi hulog na hulog na ko sayo. Mas lalo pang mali dahil kay Sandra. Alam ko ang nakaraan niyo ni Sandra. Alam ko kung bakit naging ganyan ka. Pinagkatiwalaan mo ko pero ako mismo ang sisira ng tiwala mo.
(Kirstine unsent a message)

Kirstine: Kaya kanina nung kinompronta ko ni Yuugi, hindi ako nakapalag. Totoo kasi lahat ng sinabi niya. Masasaktan lang ako. Masasaktan lang kita. Ibinigay mo ang tiwala mo sa akin, inihain mo ang puso mo sa akin tapos ako lang pala yung sisira ulit sayo. At ayaw kong dumating pa tayo sa puntong yun. Ayaw kong dumating ang araw na pagsisisihan mong pinagkatiwalaan mo ko. Ayaw kong dumating yung araw na pagsisisihan mong nakilala mo ko. Ayaw kong dumating yung araw na masisira ka ulit dahil alam ko kung anong mga pinagdaanan mo, pinaghirapan mo para mabuo mo ulit ang sarili mo.
(Kirstine unsent a message)

Kirstine: Bwisit kasi na Yuugi yan! Nagwapuhan pa naman ako. Akala ko pa naman type ko na. Hindi pala. Ayaw ko na sa kanya. Siya humahadlang sa ating dalawa. Joke! Haha.
(Kirstine unsent a message)

Seen. 12:22 am

12:23 AM

Sorry, I was asleep.

Ano yan?

Bakit ang daming unsent?

Kirstine: Ah, wala. Naghang kasi phone ko. Kung ano ano napindot.

Ah.

Kirstine: Sorry, nagising ba kita?

No. Tumawag si Yuugi, aalis daw kami.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ngayon namin kailangan umalis, bakit hindi na lang bukas ng umaga di ba?

Kirstine: Sundin mo na lang siya.

Huh?

Kirstine: Alam naman siguro niya kung anong makakabuti sayo di ba?

Yeah, but...

You don't know Yuugi.

Paano mo nasabi na alam niya kung anong makakabuti sa akin?

Kirstine: Ano ka ba? Syempre hindi mo na kailangan sabihin. Alam ko naman na kaibigan mo yun.

Nabanggit ko ba siya sayo?

Alam ko, hindi natin napag-uusapan mga kaibigan ko.

Kirstine: At konti lang ang mga kaibigan mo. Natural na kung sino man ang babanggitin mo ay kaibigan mo dahil iilan lang kami. Tsaka hindi mo naman makukwento ng casual yung tao kung hindi siya malapit sayo.

Yeah, maybe you're right.

Bakit gising ka pa?

Kirstine: Kasi papalayain na kita.
(Kirstine unsent a message)

Kirstine: Kasi papalabas si papa ng pinto, naalimpungatan lang ako.


Go back to sleep now.

Kirstine: Ikaw din.

Good night, Kirstine.

I'll text you when we arrive at our destination. Wherever it is.

Kirstine: Okay. Ingat!

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon