6

72 3 0
                                    

+63 917 xxx xxxx

Kirstine, hindi na tayo nagkaroon ng time masyado kanina na makapag-usap. Nung ihatid ka kasi ng staff sa akin, pre-interview ko na. Sorry ha?

O, Miguel? Ikaw na naman?

Sino pa ba?

Sabihin na lang natin na kunyari ikaw si Rio. Thank you pa rin! Sobrang napasaya niyo ko. Yung maka-shake hands ko lang siya, kinikilig na ko. Ang tagal ko na siyang idol. Simple man para sa inyo yung makasama ko si Rio at makita siya ng malapitan, sobra sobra na yun para sa akin as a fan.

Tsaka yung pinapakita niya sa inyo off cam, grabe sobrang totoo. Hindi ako nagsisisi na sinuportahan ko siya. Ganun ang naiisip kong ugali niya tapos ganun talaga siya. Kumbaga yung mga arte niya sa mga show niya, siya rin. Sobrang totoo. Tapos ang pogi pogi pa ng bebe ko.

Thanks!

Sabi ko sabihin lang natin na ikaw si Rio pero hindi ko sinabing ikaw si Rio.

Thanks pa rin! Kahit ayaw mo maniwala na ako si Rio, sabi mo kunyari ako siya di ba? As Rio, gusto kong magpasalamat sayo.

Okay lang Rio. Grabe kilig na kilig talaga ko kanina. Ang bango bango mo pa! Parang ayaw ko maligo ng one week!

HAHAHAHAHA

Kita tayo. Kung saan mas malapit sayo.

Gabi na po, Miguel. Gising ka na. Di ikaw si Rio!

Tara nga! Drive thru lang kung gusto mo para di hassle.

At sino naman may sabi sayo na sasama ko sayo?

May pag-uusapan tayo para sa date natin.

Date natin??? Uy feeling ka kuya?

Date Your Idol, si Rio. Ano game?

Bakit kailangan magkita pa?

Dali na! Kahit saan, yung malapit sayo.

Sige, puntahan mo ko sa coffee shop sa may EDSA. Malapit ako doon.

Bakit sa coffee shop pa?

Ayaw mo kasi sa coffee shop, Rio. Kaya doon mo ko i-meet.

Kapag nagpunta ba ko dun, papayag ka na sumama sakin?

Call! Basta doon mo ko i-meet, Miguel. Ano game?

Kailangan mo bumawi sakin ha? Papasok ako ng coffee shop para sayo.

Grabe naman. Pero kung si Rio ka talaga, ako pa manlilibre sayo.

Okay 😌

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon