Fleur Ysabela Marte
02:02 PM
Fleur Ysabela: Anong kaartehan ba to teh?
Fleur Ysabela: Siguraduhin mong mapapasaya ako ng chismis mo kasi nag-PM pa ko para dito.
Tigilan mo ko Ysa
Nag-pm ka kasi chismosa ka
Fleur Ysabela: HAHAHAHAHAHA
Fleur Ysabela: Di ko naman itatanggi so ano na
Fleur Ysabela: Anong chismis? At bakit doon mo pa sa secret account mo pinost? Bakit di na lang dito sa main acc mo?
Ikaw nga nakilala mo si Rio eh
Fleur Ysabela: Okay??? Syempre nakilala ko bumili ako ng merch nun eh. Tsaka under siya ng RMS kaya alam ko. Lahat yata ng hawak ng RMS sinusuportahan ko lol
Puro ka ganyan di ka naman nagpapakilala kay Boss RM
Fleur Ysabela: Sabing ibang kwento nga yung sa amin. Mag-focus tayo kay Rio. Picture niya ba yun nung date niyo?
Oo
Fleur Ysabela: Holding hands?
Oo
Fleur Ysabela: Shet o tapos? Pota pabitin ka naman Tin pwede mo naman i-kwento na lang di yung nagtatanong pa ko
In love na yata ako kay Miggy
Fleur Ysabela: Ha? Sino si Miggy?
Si Rio
Fleur Ysabela: Ah ok bakit Miggy?
Victorio Miguel?
Fleur Ysabela: Wow. Sosyal ng pangalan.
Jose Victorio Miguel Teung V
Fleur Ysabela: What?! HAHAHAHAHA ayan buong pangalan niya?
Oo
Fleur Ysabela: Pota! The fifth pa! HAHAHAHAHA
Oo nga eh
Fleur Ysabela: So ano na? In love ka??? Di ba dati pa naman?
Hindi
Iba na to
Fleur Ysabela: Matagal ka ng hibang
Fleur Ysabela: Ay hahahahaha matagal ng kakaiba yung pag-idol mo dyan kay Rio lol ngayon mo lang ba napansin?
Ysa! 😭😭😭
Fleur Ysabela: Bakit?
Ysa ang dali niyang mahalin!
Fleur Ysabela: HAHAHAHAHAHA
Fleur Ysabela: Okay ka pa ba?