JASH POV
PAPUNTA na kami sa classroom tapos na kaming magsnack. Papasok na sana kami sa classroom ng biglang pumasok 'yung isang classmate namin na Nerd.
Nakayuko s'yang pumasok at nakita ko si Kyline na titisurin s'ya. Kilala niyo naman na siguro si Kyline sa daldal ba naman ni Maxx.
"Jhane! Stop!" Sigaw ko sakan'ya. Bigla siyang tumigil at tumingin sa'kin umiling ako sakan'ya at bumaling kay Kyline na ngayon nakatingin na sa'kin ng masama.
Wala namang bago 'lagi naman mainit dugo niyan sa'kin.
"Kyline? May plano kabang tisurin si Jhane?" Tanong ko. Nanlaki ang mata n'ya at tumingin kay Jhane. Nakakunot noo namang napatingin si Jhane sakan'ya.
"Is that true, Kyline?" Tanong ni Jhane sakan'ya. 'Diko nababanggit Bff yan ni Kyline 'Dati'. 'Diko alam kung bakit nasira ang pagkakaibigan nila.
"Uhhh... N-no Jash is lying! Pa'no mo nasabi na titisurin ko si Jhane?!" Baling sa'kin ni Kyline. Bigla namang nagsalita si Maxx na nasa likod ko.
"Ang paa mo oh! 'Di halata na may plano alam mong may dadaan nakabalandra d'yan" Saad ni Maxx. Napatingin si Jhane sa baba at saktong umayos ng upo si Kyline.
Tsk. Painosente pa ang kumag.
"Why are you doing this stupid things Kyline?! Anong mapapala mo d'yan?!
'Di kana talaga magbabago sana 'di nalang kita naging kaibigan!" Sigaw ni Jhane sakan'ya at dumiretso sa kaniyang upuan.Napailing nalang lang ako.
Di'ko gusto ang gan'tong mga drama minsan talaga may sariling isip din 'ata ang katawan ko at bigla nalang nagalaw kaya nadadawit ako sa buhay ng iba.
Kahit hindi naman dapat, pero nakakahinayang lang ang pagkaka- ibigan nilang dalawa nakita ko kung pa'no sila naging malapit sa isa't isa.
Ewan bahala nga sila.
Tuluyan na'kong pumasok at mauupo na sana nang sugurin ako ni Kyline.
"You b*tch! Wala ka talagang magawang tama!" Sigaw ni Kyline at sasabunutan sana ako pero tiningnan kolang siya.
"Sige ituloy mo" May diin na sabi ko sakan'ya.
Dahil sa inasal nakita ko kung pa'no pumikit-pikit ang mata n'ya na parang nag- a-alinlangan.
Napa-arko naman ang labi ko at tumingin sa mata n'ya.
"A-ang kapal mo! Anong gagawin mo ha?! Sasampalin morin ako?! Huh! Baka nakakalimtan mo? Pinsan ko ang may-ari ng school na pinapasukan mo?! Pwede kitang-" Pinutol ko ang sasabihin n'ya ang daming sinasabi. Sinagot kolang nabahag agad?
"Try me Kyline, wala akong pakialam kung pinsan o anak kaman ng may-ari ng eskwelahan na'to. Nag-aaral kaba talaga o puro katarantaduhan lang pinaggagagawa mo? Naturingang Top 1 kung maka-asta ka mukha kang walang pinag aralan" Diretsong sabi ko.
Nanlaki ang mata n'ya at napansin kong kumuyom ang kamao n'ya.
"'Di dahil 'di kita pinapatulan 'di ibig sabihin n'un pababayaan nalang kitang maliitin at tapakan ako. Dahil sa'ting dalawa sa tingin mo sino ang mas kagalang-galang? Alam ko kung ano at sino ka Kyline.
Alam ko ang baho mo. At ito ang sasabihin ko sa'yo hindi ako nananampal, kung dadapo ang kamay ko sayo siguradong hindi kana mabibisto." Malamig na sabi ko at nilagpasan na s'ya. Dumiretso ako sa upuan ko at naupo.Wew! Haba n'on ah?
Nagspeech ba'ko?
Tss.
Napupuno na'ko sa babaeng 'yon sa buong dalawang taon ko rito hindi na natahimik ang buhay ko dahil sa babaeng 'yon.
'Dipa umiinit ang p'wet ko sa pagkakaupo nang may babaeng madaldal na namang tumabi sa'kin.
Kailan ba tatahimik ang buhay ko?
"Woahhh! Ano 'yon Jash?! Kilala mo s'ya? At grabe ang cool n'on ah! Di'pa talaga kita kilala Haha!" Baliw tawanan ang sariling sinabi.
Di'pa kame nagkaka ayos nito kung maka-usap sa'kin.
Umupo na s'ya sa upuan n'ya at napansin ko si Kyline na ang sama ng tingin sa'kin.
'Di n'yo pa nga ako kilala kahit dalawang taon n'yo na akong kasama.
Maliban kay Maxx, sampong taon na kaming magkakilala niyan talagang hindi niya lang siguro makuha ugali ko.
Sa dalawang taon ko dito iisang pagkatao kolang ang pinapakita ko. 'Yong palangiti at palakaibigan.
Pero minsan bumabalik 'yong tunay na ako.
Tss.
Gusto kodin maranasan mabuhay ng normal at walang iniisip na iba.
Dalawang-taon din na pagtitimpi at pagtitiis ang ginawa ko dahil sa kagustuhan kong makapag-tapos.
Gusto kong maging proud sila sa'kin.
Napangiti ako ng mapait.
It's been 2 years since I lost them...
BINABASA MO ANG
LOVING HER LIKE HELL
RandomThere was a boy who fallen love with HER. But can he accept HER real world? A world like HELL. He will love HER even if like HELL?