JASH POV
HALOS hindi kame makalabas ni Maxx sa classroom dahil pagkatapos ng klase ay pinagkaguluhan iyong limang bago naming classmates.
"Teka lang naman Jash magpapapicture pa'ko sakanila eh" Reklamo ni Maxx habang naglalakad kame sa hallway.
Magpapapicture?
Kinginang yan boi nakita mona magpapapicture kapa?
"Balik na don. Mauuna na ako may pupuntahan pa'ko" Sabi ko rito at mauuna na sana ng pigilan niya ako. Ayaw ko nalang makipagtalo at baka samain na sa'kin 'to.
"Saan ka pupunta? 'Diba sabi ko sa'yo 'wag ka nang magtatrabaho-" Pinitik ko ang noo nito kaya napatigil ito sa pagsasalita.
"Aray ko Jash! Inaano ba kita?!" Bulyaw nito sa'kin habang hinihimas ang noo niya.
"Ang O.A mo Maxx. Pupunta lang akong locker bawal nabang pumunta doon?" Sabi ko rito at napakamot naman siya sa batok niya sabay peace sign sa'kin.
Tss. Praning.
"Ah gan'un ba? Sige samahan na kita" Sabi nito at naunang maglakad.
Pahiya ka nuh? Ang O.A kase hindi nagtatanong react agad.
NANDITO na kame sa locker at nag a-ayos ng gamit namin. Iiwan ko ang ibang libro na dala namin kanina upang makabawas sa dala-dala namin.
Si Maxx naman ay may kinakalikot sa locker niya.
"Sino kaya itong padala ng padala nang letter sa'kin?" Sabi nito habang may hawak na mga letter o sabihin na nating love letter?
"Tanungin mo 'yang locker mo baka sumagot" Pabalang na sagot ko rito at aalis na sana nang may marinig ako.
"Ano ito lang?!" Sigaw nang kung sino na malapit lang sa locker namin.
Kumunot ang noo ko at tumingin-tingin sa paligid, nagbabaka-sakaling makita iyong narinig kung sumigaw ngunit wala naman akong makita.
Napansin korin na hindi naman napansin ni Maxx iyon dahil patuloy lang siya sa pagkalkal sa locker niya.
Hindi ko nalang sana ito papansinin nang may sumigaw ulit ngunit, alam kung narinig na'to ni Maxx dahil napatingin siya sa kung saan man iyon nanggaling.
Bumaling ang tingin sa'kin ni Maxx at parang may sinasabi ang tingin nito. Parang alam niya na ang susunod na gagawin ko.
"Stay here" Sabi ko at pupunta na sana sa direks'yon kung saan ko narinig iyong sigaw nang hawakan niya ako sa kamay.
"Jash! Ano kaba 'wag ka nang mangialam d'yan baka nag-aaway lang iyan!" Saway nito sa'kin ngunit, pabulong.
Sasagot na sana ako ng may marinig kaming kalabog malapit sa'min.
"Titingnan kolang" Sagot ko rito at sinenyasan siyang huwag sumunod.
Naglakad ako sa isang hilera ng mga locker na malapit sa locker namin at maingat na naglakad.
Pinapakiramdaman korin ang paligid, nasa pangatlong hilera na'ko at ito narin ang panghuling locker nang may makita akong mga estudyante.
Napatago ako sa likod ng locker nang makita silang parang may kinakausap.
"Asan na?! Alam kung me'ron kapang tinatagong pera d'yan ilabas mona!" Sigaw nung lalaking nakatayo sa harap nang lalaki na nakaupo sa lapag.
Nakita korin na may kasama siyang dalawa pang estudyante na nakasandal sa locker at nakatingin sakanila.
BINABASA MO ANG
LOVING HER LIKE HELL
AléatoireThere was a boy who fallen love with HER. But can he accept HER real world? A world like HELL. He will love HER even if like HELL?