A/N: I dedicated this chapter to PurpleMoon_18 Thank You, Thea sa support. Enjoy reading! Mwaps!
SOMEONE's POV
"Yes? You found her?" Tanong ko sa sa kabilang linya.
"Yes Boss, sinusubaybayan namin s'ya. Lumabas s'ya ng paaralan nila at napansin kung wala rin s'yang kasama" Anas nito sa kabilang linya.
Napangisi ako sa sinabi niya at naupo sa swivel chair ko.
"Catch her... Mag iingat kayo 'di s'ya basta-basta" Sabi ko.
Pinutol kona ang tawag at inasikaso ang mga papeles na nasa harap ko.
"Busy?" Biglang pumasok ang anak ko.
'Diko s'ya tiningnan at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Yes. What are you doing here?" Tanong ko sakan'ya. Umupo s'ya sa harap ko sa may swivel chair.
"I just want to ask about her?" Tumingin ako sakan'ya at ngumisi. Nanlaki ang mata n'ya at halata sa kilos nito ang pagkasabik, lumapit ito sa'kin.
"You found her already?!" Gulat na tanong n'ya at mahahalata mo ang excitement dito.
Tumango ako at isinara ang papeles na pinipirmahan ko.
"Yeah. Kanina lang, ang galing din magtago nu'n" Natawa ang anak ko sa sinabi ko.
Tiningnan ko s'ya at kinunotan ng noo dahil sa inasal nito.
"Dad... Baka nakakalimutan mo? Tayo ang nagtago, hindi s'ya?" Nakangising sabi niya.
Umiling ako at tumayo, kumuha ako ng wine sa mini ref. kumuha ng baso at nagsalin doon. Pumunta ako sa bintana at tiningnan ang mga sasakyan na parang mga laruan mula dito sa p'westo ko.
"Kailangan natin ng panahon bago tayo humarap sakan'ya" Sabi ko at sumimsim sa wine na hawak ko.
Kailangan ng panahon at pagpaplano dahil tuso ang isang 'to.
"Bakit Dad ano bang me'ron sakan'ya? At'saka kung magandang babae lang naman ang kailangan mo marami akong kilala" Sabi n'ya.
Napasinghal ako at umiling, bago humarap sakan'ya.
"Sa tingin mo ga'non ako kababaw at hahabulin ko s'ya ng ilang taon? Kahit lahat pang magagandang babae sa buong mundo ang iharap mo sa'kin walang makakapantay sa babaeng 'yun. Hindi lang ganda ang meron siya 'LAHAT' nasakan'ya kaya makikipagpatayan ako para lang mapasanib s'ya sa'tin" Iiling-iling na sabi ko rito na may halong inis sa tono ng aking boses.
Inubos ko ang wine at inilapag sa glass table at bumalik sa upuan ko.
Sa lahat ng tao siya ang pinaka-alas ko kahit sino binabangga, walang sinasanto kahit ano pa ang estado mo.
Kahit na babae 'yun ang lakas n'on 'di maikokompara sa ordinaryong lalaki lang.
'Marami' siyang 'kaya' kahit na isang tulad kong milyonaryo walang panama sakan'ya.
"Ano ngang me'ron sa babaeng iyon?" Tumingin ako sakan'ya at ngumisi.
Tss. Wala talagang kaalam-alam 'tong anak ko sa babaeng 'yun. Sabagay hindi niya pa nga pala nakikita 'yun.
BINABASA MO ANG
LOVING HER LIKE HELL
RandomThere was a boy who fallen love with HER. But can he accept HER real world? A world like HELL. He will love HER even if like HELL?