CHAPTER 7

18 5 1
                                    

JASH POV

           PAGKALABAS ko nang building dumiretso ako sa sakayan nang jeep.

Bago sumakay ay tumigil ako at napasulyap sa kanan ko. Napa-arko ang labi ko at napailing.

Ito nanaman sila.

Pagdating ko sa pupuntahan ko nakita ko s'ya kaya tipid akong ngumiti.

"Ate?! Ate?! Ikaw nga!" Sigaw ni Celestyien, kasalukuyan siyang naglalaro sa balkonahe ng mapansin ako.

Tumakbo s'ya papunta sa'kin at yumakap sa binti ko.

"Ate! I miss you na bihira ka nalang pumunta dito" Mahihimigan ang lungkot sa boses nito.

Hinawakan ko ang kamay n'ya at pinatayo. Kinarga ko s'ya at nginitian ng tipid.

"I miss you too. Marami lang ginagawa si Ate" Sabi ko sakan'ya. Yumakap s'ya sa leeg ko kaya hinayaan ko nalang.

"Cel?! Cel?! Tara na kakain na tay-- Jash?!" Tawag ni Jason sa anak niya ng mapansin ako.

Dali-dali s'yang lumapit sa'kin at gagawin sana ang ginagawa niya dati pero pinigilan kona s'ya.

" 'Wag mona ulit gagawin 'yan. Mas matanda ka sa'kin Jason at wala tayo d'on para gawin 'yan" Malamig na sabi ko sakan'ya.

Tumango s'ya at kukunin sana sa'kin si Celestyien pero ayaw bumitaw kaya sinabihan ko s'yang 'wag nang kunin hayaan nalang.

"Pasok ka sa loob X- sorry I mean Jash..." Tumingin ako sakan'ya at sa bahay n'ya. Huminga ako ng malalim at umiling.

"Ate... Pasok kana sa loob 'dika na naman ba papasok? Ayaw moba sa bahay namin kaya ayaw mong pumasok?" Malumanay na sabi ni Celestyien. Napangiti nalang ako.

"Cel... 'Wag kang magtanong ng gan'yan sa Ate-" Inilingan ko si Jason.

Wala s'yang alam at lalong hindi ko hahayaang magkaroon siya ng kaalaman tungkol dito.

"Hayaan mona, Jason" Ibinaba ko si Celestyien at lumuhod sa harap n'ya. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso.

"Sa sunod na punta ko dito papasok na'ko sa bahay n'yo sa ngayon, kailangan na ni Ateng umalis. I promise, babalik ako" Sabi ko at niyakap s'ya. Yumakap din s'ya sa leeg ko.

Kumalas na'ko at tumayo, tumingin ako kay Jason at tinanguan s'ya.

"Sigurado kaba Jash?" Tanong n'ya. Tumango lang ulit ako at tumalikod na. Inilagay ko sa magkabilang bulsa ng pantalon ko ang kamay ko, habit kona ang ganito.

"Alis na'ko mag-iingat kayo, babalik ako" Sabi ko bago nilisan ang lugar.

Dumiretso ako sa isang shop na hindi kalayuan sa school mga kinse-minutos na lakad galing school.

"Yes? Ma'am? Any order?" Tanong ng isang babae sa'kin.

"Nand'yan ba si Mrs. Tolentino?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo n'ya.

LOVING HER LIKE HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon