JASH POV
NATAPOS na ang klase namin kaya lumabas na kami ni Maxx.
Malapit na kame sa labasan ng school nang may humarang sa'min. Tsk! Again?
"'Di'pa tayo tapos Jash..." As usual sino paba walang iba kun'di si Kyline na naman.
Lalampasan na sana namin s'ya kaso ang gaga humarang may kasama pa namang dalawang alipores.
Hindi ba 'to napapagod kaka- dada?
Ano ba talagang problema nito sa'kin?
" 'Wag mo'kong tatalikuran kapag kinakausap kita!" Sigaw n'ya at hinila ang buhok ko.
Aba gag* 'to ah?
'Di'ba talaga s'ya natakot sa sinabi ko?
At sa lahat ng mahihila buhok kopa talaga?!
Nakakapang -init na ng dugo 'tong babaeng 'to k'unti nalang talaga.
"Ano ba Kyline?!" Sigaw ni Maxx at tinanggal ang kamay ni Kyline na nasa buhok ko.
Nabitawan n'ya ang buhok ko ngunit, bumaling s'ya kay Maxx.
" 'Wag kang mangialam Maxx!" Sigaw sakan'ya ni Kyline at sinampal ito na lalong nagpakulo sa dugo ko.
Sumosubra na ang babaeng 'to, namimisikal na.
"Kyline..." Mahinahon kong sabi, nagtitimpi.
Pasalamat ka babae ka kung hindi nasa ospital kana kanina pa.
Tumingin s'ya sa'kin at ngumisi.
'Wag mo akong ngisihan ng gan'yan baka mahambalos kita ng wala sa oras.
"Yes? Jash?" Nakangisi n'yang tanong.
Feel na feel?
Huminga ako ng malalim.
Jash magtimpi ka.
"Please... Stop. Stop bullying me." Sabi ko at tumingin ng diretso sakan'ya.
Nagulat s'ya pero 'agad na ngumisi.
Akala mo ikinaganda mo 'yan?
Mukha kang asong ul*l.
"Jash! What are you doing?!" Singhal sa'kin ni Maxx na hindi ko pinansin.
Nakatingin lang ako kay Kyline na ngayon ngiting tagumpay.
"Himala at nawala ang tapang mo, kanina para kang bayani kung i-tanggol si Jhane. Ang dami mopang sinabi haha!" Nang-iinis na sabi n'ya.
'Di nalang ako sumagot at nanatiling walang imik.
"Napipi kana? Ok you say, Oh crop that, your 'begging' me to stop bullying you? Right? Well... I will stop if..." Nakangisi s'yang tumingin sa'kin habang umiikot pa?
Ipinagdiinan pa talaga 'yung 'begging'?
Lakas ng trip nito ah?
Ano na naman kayang kalokohan ang naiisip nito?
"You will kneel in my knees..." Nakangisi n'ya paring sabi. Sabi ko na nga ba.
Tsk! walanghiya! Wala na talaga 'tong magawang matino sa buhay ibaon kona kaya 'to ng buhay ng mabawasan mga pahirap sa buhay ko?
BINABASA MO ANG
LOVING HER LIKE HELL
RandomThere was a boy who fallen love with HER. But can he accept HER real world? A world like HELL. He will love HER even if like HELL?