MAXX POV
TININGNAN ko sila at tutok na tutok sila sa sasabihin ko.
Natawa ako sa mga itsura nila nang 'di'ko kasi tinuloy ang k'wento ko.
Nakakunot pa ang noo nila at hinihintay talaga kung ano ang susunod kong sasabihin.
Nagk'wento ako sakanila ng ilang background ng buhay kong taglay.
"Maghuhugas mona ako ng pinggan dahil nanunuyo na ang pinagkainan natin haha!" Bigla namang nagpapadyak ng paa si Baekhyun.
Luh? Parang tanga lang eh.
"Pabitin ka naman eh. Ang ganda na sana ng k'wento mo-" Bigla namang natigil ito sa pagsasalita nang sumingit si D.O.
"Ikaw kaya maghugas nang plato para makapag patuloy s'ya sa pagkukwento?" Saad nito.
Bigla namang natigilan si Baekhyun.
"Maxx gusto mo tulungan na kita maghugas dapat kanina pa ito nahugasan. Naku, titigas 'yung mga sauce dito. Tsk." Natawa kame kay Baekhyun. Ang sarap kapag may kasamang kagaya ni Baekhyun.
Tumayo ako at gan'un din sila.
"Tulungan kana namin para madaling matapos 'di'ka pa tapos magk'wento" Sabi naman ni Chen.
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
'Yung kanina na sinabi ni Baekhyun 'di'ko pinaniwalaan dahil alam kong nagbibiro lang s'ya pero alam kong 'di nagbibiro si Chen.
"Oo. Tulungan kana namin, kame na bahala maghugas" Sabi naman ni D.O.
Nagsimula na silang kumilos pero ako nakatulala parin.
Natauhan naman ako at pinigilan sila.
Naku mga artista sila at iniingatan ng milyon milyong tagahanga nila tapos paghuhugasin kolang?!
No no no!
"T-teka 'wag na ako na, maupo nalang kayo d'un naku pag nalaman ng mga ng mga co-l's ko na pinaghuhugas kolang kayo baka sugurin ako ng mga 'yun" Sabi ko naman sakanila. Natawa naman sila sa sinabi ko.
Ay! Bakit?
May nakakatawa sa sinabi ko?
" 'Wag kang mag-alala sanay kame sa ganito atsaka, wala namang makakaalam nito kung 'di'mo sasabihin sa iba di'ba?" Sabi naman ni SuHo.
Tumango naman ako at ngumiti sakan'ya napatingin ako kay SeHun at saktong nakatingin din s'ya sa'kin. Napatalikod ako at napapikit.
Sh*t! Nakatingin s'ya sa'kin OMG!
Kinikilig ako ang bias ko. Hehe.
Okay tama na ang pagpapantasya at tumulong kana nakakahiya 'yung mga bisita pa ang pinaghugas mo.
Tumulong narin ako, si D.O ang naghuhugas ng plato sila Kai, Lay, at Sehun naman inaayos ang mesa.
Si Baekhyun at Chanyeol nagwawalis ng sahig pero dahil si Baekhyun ay si Baekhyun 'di mawawala ang kakulitan n'ya pa'no ba naman ginawang arnis 'yung walis tambo. Iba talaga utak nito at ito namang dambuhalang Chanyeol nakisali din kay Baekhyun.
BINABASA MO ANG
LOVING HER LIKE HELL
De TodoThere was a boy who fallen love with HER. But can he accept HER real world? A world like HELL. He will love HER even if like HELL?