MAXX POV
PAGKAUWI ko sinunod ko ang mga sinabi ni Jash.
Isinara ko ang mga bintana at pinto.
Kasalukuyan kong sinasara ang pinto sa likod nang may marinig akong pumaradang sasakyan sa tapat namin.
Dali-dali kong isinara ang pinto sa likod at tumakbo papunta sa main door namin, isinara ko ito at sumandal, sumilip ako sa maliit na siwang nang bintana.
May nakita akong mga lalaki sa labas na ikinabahala ko.
Geez!
Baka 'yan yung mga lalaking nakaharap ni Jash.
Lumapit sila sa gate namin, naghuhurumintado na ang puso ko sa kaba.
Wala pa naman dito si Jash.
Nas'an kana ba anong oras na ah?
Tumingin ako sa relo ko at mag aalas- sais na nang gabi pero bakit wala pa s'ya kung nalalate man 'yun hanggang 5 pm lang 'dina lumalampas.
Sa sobrang pag iisip ko 'diko namalayang may kumakatok kaya nabigla ako at napaupo.
Sh*t! Nagulat ako dun ah!
"Tao po?!" Sabi ng kung sino sa labas
Teka? Pamilyar ang boses niya.
Huminga ako ng malalim at lumapit sa pinto.
Kaya mo'yan Maxx, isipin mo nalang nakita mona ang babylabs mo kaya ready kana mama--teka nga bakit ko ba iniisip 'yan?!
"Sino 'yan?" Tanong ko syempre 'diko mona bubuksan mamaya pag bukas ko may sumalubong sa'king baril o kutsilyo.
"Uh... Si Sehun 'to"
Huh?! Sino?!
S-si SeHun?!
What the hell?! Anong ginagawa n'ya dito?!
"S-SeHun? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pero 'diko pa binubuksan ang pinto.
"Umm... 'Di ako mag-isa kasama ko sila Hyung" Sagot n'ya.
Ano?! Ang EXO na'ndito sa bahay namin?!
Waaahhh! My God! Panaginip ba ito?
Please 'wag n'yo na akong gisingin hehe.
Binuksan ko nang dahan-dahan ang pinto at sumilip, muntik na'kong mapatalon nang pagkabukas ko nang pinto nasa harap ko s'ya mismo.
Tumingin ako sa gate at nakita ko nga sila sa labas pero wala na 'yung sasakyan nila. Tumingin ulit ako kay SeHun.
"Anong ginagawa n'yo dito? Bawal kayong pumunta sa mga ganitong lugar alam n'yo namang mga artista kayo" Sabi ko. Umiling s'ya at tumingin sa mga kasama n'ya.
"Ano kasi... Ugh! Hyung?! Ano?!" Tawag n'ya parang may gusto s'yang sabihin.
Tumingin lang sila sa'min at itinuro ang gate.
Ah! Oo nga pala 'yung gate.
Teka pa'no 'to nakapasok isang 'to?
"Umakyat kaba sa gate?" Tanong ko kay SeHun. Tumango lang s'ya.
Ay! Hanep ano 'to palosebo?
Huh? Anong connect n'un sa pag-akyat sa gate Maxx?
Pumunta ako sa gate at pinagbuksan sila.
Bigla silang yumuko pagkabukas ko ng gate.
Hala!
"Teka bakit kayo yumuyuko?" Tanong ko sakanila. Si Kai ang sumagot.
BINABASA MO ANG
LOVING HER LIKE HELL
RandomThere was a boy who fallen love with HER. But can he accept HER real world? A world like HELL. He will love HER even if like HELL?