"Akala ko talaga banda kayo. Tsk! Kahiya!"
Sabay-sabay kaming nag lalakad pauwi. Malapit lang naman kasi dito ang boardinghouse na pinagtutuluyan nila. Except sa'kin. Umuuwi ako sa bahay dahil walang kasama si Nanay. Matanda na siya para iwan mag-isa. At ayoko rin na malayo sakaniya.
Hindi ko alam sa lalaking 'to kung saan siya nakatira, pero sabi niya ay malapit lang naman daw kaya nakisabay na siyang mag pakad sa amin.
Kanina pa rin ako tawa ng tawa. Seryosong-seryoso siya nung sinabi niyang gusto niya sumali sa amin. Akala niya talaga ay banda kami
HAHAHAHAHAHA
"Ang sama talaga ng ugali niyan ni Jezrah. Tatawanan ka niyan hanggang sa makalimutan niya."
Tiningnan ko ng masama si Liam dahil parang ako lang yung tumuwa nung sinabi 'yon ni Trev.
Tumabi sa kaliwa si Trev sa'kin. Nasa kaliwa ko si Reign. Nasa likod naman sila Liam at Josh, at nasa unahan naman si Kylie at Xianna.
"Oo nga. Ang sama ng ugali mo Denise."
"Tumawa lang naman ako. Bakit masama na agad—" Napanganga ako ng maipasok sa utak ko kung anong tinawag niya sa'kin. "Paano mo nalaman second name ko? Napanganga pa ulit ako at huminto sabay takip ng bibig ko. "Feeling ko stalker ka."
"Isa kang feelerist Jezrah Denise. Feeler." Sabat ni Liam na tinawanan naman ni Josh kaya kinutongan ko silang dalawa.
"Hindi ako stalker. Gwapo ko naman para maging stalker mo."
Kaya siguro agad silang nag kasundo ni Liam ay dahil parehas silang mahangin. Iniistock nila yung hangin sa ulo nila.
"Pero seryoso nga saan?"
Tiningnan niya ako ng parang namamanghang mga mata niya. Ako lang ba nakakakita nun? O baka namamalik-mata lang?
"Hindi mo ba alam kung gaano ka kasikat sa school? I mean kayo? Pero mas sikat ka talaga."
"Huh?" Tiningnan ko siya na nagtataka. Anong sikat? Tanga yata 'to si Trev.
"Huh?" Tiningnan ko siya ng masama nang gayahin niya ako. "Bakit hindi mo alam? Bukod sa kilala kita dahil sa music club, ay matalino ka rin. Kahit nga mga teachers ay pinag-uusapan ka. Karindi, kung saan-saan ko nalang naririnig pangalan mo."
Sinaman ko ulit siya ng tingin. "Parang kasalanan ko pa?"
Pumagitna naman si Liam at naki-asar na rin. Narindi na naman yata si Reign sa ingay ni Liam na dinagdagan pa ng Trev na 'to kaya nakisabay siya ng lakad kela Xianna. Kaya naman kay Josh ako sumabay.
—
"Nanay! Kamusta po kayo? May pagkain po jan? Namiss ko po luto mo! Ang ganda niyo parin po hehe."
Napailing nalang ako sa pinagsasabi ni Liam. Halata naman na inuuto na naman nito si Nanay.
Pumasok nalang ako agad ng gate namin pag kamano ko kay Nanay. Una kasing madadaan ang bahay namin sa boarding house na pinagtutuluyan nila.
Dumiretso na ako sa kwarto at nag palit. Nakakapagod ngayon araw. Parang gusto ko nalang matulog.
Humiga ako sa kama ko pag kabihis at tumingin sa kisame. Nakita ko na naman ang mukha ni Papa. Kamusta na kaya siya doon?
Tinigil ko nalang ang pagmumuni-muni ko dahil ayoko umiyak. Bumaba ako at sa inaasahan, hindi pa sila umaalis. Andun sila sa kusina. Tinutulungan si Lola. Pero si Liam syempre nakaupo lang.
"Excuse mo po."
"Anak ka ng— ano ba?! Bakit ka andito?!"
Ngumiti lang siya sa'kin sabay lagay ng mga plato, kutsara, at tinidor sa lamesa.
YOU ARE READING
Hear My Melody
Fanfiction"If music is the only way to express my feelings for you. I will write a song with a thousands words in every sentence, describing how much I love you."