"Jezrah wake up!"

10 mins pa...

"Wake up sleepyheaaaad!"

Naknampucha. Sino ba 'yon?!

"Alis alis, ako ang gigising. JEZRAH! BUNTIS AKO AT IKAW ANG INA!  PANAGUTAN MO'KO!"

TANG—?!

Bigla nalang akong napabangon sabay tingin ng sobrang sama sa pintuan ng kwarto ko. Yung parang akala mo makikita ng nasa labas nun yung galit ko.

Dali-dali akong pumunta sa pintuan at binuksan 'yon ng marahas. Bumungad sa'kin ang mga panget kong kaibigan at si...

TREV!

Agad akong tumakbo papuntang cr at nilock 'yon. Ngayon ko lang na realize kung anong suot ko at itsura ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, at halos mag wala ako ng makita kong mukha akong bruha!

Pero pake ko diba? I mean kung makita niya akong ganito? Wala naman akong pake!

Inayos ko nalang ang sarili ko at dali-daling naligo. May ano ba kasi at ang aga nila?! Kainis.

Bumaba na ako pag katapos kong mag ayos at sinamaan agad si Liam. Oo siya lang. Sa sigaw niya lang yata ako nagising, ang panget pa!

Nag peace sign naman siya sa'kin kaya inirapan ko siya.

"Anong meron? Aga niyo naman? Asan si Nanay?" Tanong ko sakanila habang papuntang kusina. Sumunod naman sila.

"Anong maaga? FYI Madam, 10 na po ng umaga! 10! Aga-aga ka jan, haler!" Ani Kylie.

Eh? 10?!

Tiningnan ko yung wall clock at 10 nga! Bakit parang ang iksi lang ng tulog ko?

"Si Nanay ay andon sa bakuran niyo kasama si Trev. Nag papahangin siya."

Tumango lang ako at tiningnan ang pwedeng kainin. Grabe naman yung tulog ko? Hindi naman ako nag puyat kagabi eh. Tapos hindi rin ako ginising ni Nanay, hindi ko tuloy siya natulungan.

"Oh eh bakit nga kayo andito? Sabado ngayon ah." Sabi ko habang nilalagay ang kinuha kong kanin at ulam sa lamesa. Kakain na ako, ngayon lang ako nakaramdam ng gutom.

"Mami K called me earlier, and she wants us to come." Xia said.

"Bakit daw?"

"I don't know. Wala siyang sinabi. But I think something happened. She sounds sad."

Ano kayang nangyari kay Mami K?

"Kumakain ka lang diyan hindi mo manlang kami niyayaya. Nasaan ang respeto mo Jezrah Denise ha?!"

Inirapan ko lang ang panget na si Liam at tiningnan sila isa-isa. Kulang sila.

"Where's Reign?"

"Uhm..."

Nag tinginan lang silang tatlo. Si Josh naman ay nandon sa sala. Hindi sumunod dito sa kusina, at nanonood lang ng tv.

I looked at them, confused.

"May nangyari ba sakaniya?" Tanong ko.

Hindi sila umimik at yumuko lang. Si Liam naman ay nalulungkot na tumingin sa'kin. Kinabahan ako. Bakit ganito yung mga reaksiyon nila?

"Si Reign kasi..."

"Liam, what? What happened to her?!"

Nag sisimula na akong magalit dahil ang tagal nilang sabihin.

"LIAM!!" sabi ko. Sinigawan ko na siya. Umiwas siya sa'kin ng tingin. Sabay yuko.

"Kanina kasi ay kasama namin siyang pumunta rito. Tapos maya-maya ay nag paalam siyang umalis, parang nag mamadali. Nung tinawagan namin siya, yung ka-boardmate niya ang sumagot. Tapos..." Pambibitin na dagdag ni Liam.

Hear My MelodyWhere stories live. Discover now