Binibilisan ko ang pag lagay ng mga gamit ko sa bag dahil male-late na ako. Tutugtog kasi kami ngayon dun sa Music Beer dahil may nag request na naman na kami ulit. Naiisip ko nga minsan, gawin nalang kaya naming raket ang pag tugtog? Tutal gipit na kami.

"Apo! Hindi ba't aalis ka ngayon? Ang tagal mo naman jan."

Dali-dali na akong lumabas sa kwarto ko, at bumaba dahil sa sigaw ni Nanay. Pag kababa ko ay nakita ko siya sa kusina na nag hahanda ng mga pagkain sa lamesa kaya lumapit ako sakaniya.

"Kumain ka muna. Hindi pwede ang aalis ng gutom aba."

"Doon nalang po ako kakain Nay, late na po kasi ako." Natatawang sabi ko dahil ang sama na naman ng tingin niya sa'kin.

Hinalikan ko lang siya sa pisnge, at tsaka lumarga na. Tumakbo nalang ako, dahil walang dumadaang taxi. Medyo malapit lang naman pero sigurado akong hihingalin ako.

"Ay weh. Dapat 'di kana dumating."

Pagkapasok ko palang sa bar ay sinalubong na ako ng malditang si Reign. Tinawanan ko lang siya sabay upo sa upuan dahil napagod ako kakatakbo. Inabutan naman niya ako ng bottled water kaya inubos ko na 'yon.

"Akala ko late na ako." Tumingin ako sa palagid at swerte nganaman. Kunti pa lang ang mga tao. "Hindi pa pala, dapat sinamahan ko nalang si Nanay mag almusal." Tumayo ako at pumunta dun sa likod ng stage na pagpe-perfomance namin. Sumunod naman sa'kin si Reign.

"Bakit kasi late ka na naman gumising ha? Naku! Doon na talaga ako matutulog lagi sa bahay niyo. Para naman may taga-kain ng mga luto ni Lola mo! Tutal miss ko na din si Nanay hehe."

Wala akong sinagot at kinuha lang ang gitara ko at itotono.

May bigla nalang humila ng buhok ko kaya napatingin ako sa likod ko. Nakita ko naman si Josh na umupo nalang na parang walang ginawa kaya tiningnan ko siya ng masama. Sabay naman na dumating sila Xianna at Kylie.

"Wow Jezrah! Akala ko patay kana, alam ko pa naman na sana ang isusuot ko pag nilamayan ka." Bigla-bigla nalang nag salita ang mokong na si Liam pero hindi siya nakatingin sa'kin. Pero sigurado akong nakangiti siya.

"Bakit may nagsasalitang paa dito?" Tiningnan ko silang lahat nang mag tanong ako sabay turo kay Liam na nakakayamot ang mukha.

Lumingon naman siya sa'kin sabay taas ng gitnang daliri niya. "Gago ka! Sa gwapo kong 'to? Mukhang paa? Kingina mo Jezrah, kingina mo!"

Tinawanan ko lang siya at pinagpapatuloy ang ginagawa ko.

"Oy gago!"

Napatingin kami kay Liam na hawak ang bass guitar niya. Itinotono niya kasi pero sa nakita ko, naputol yung string. Tanga.

"Bonak ka talaga! Hindi kana pwede lumabas dahil mag sisimula na tayo oh!"

Para namang natataranta na sila kaya napasinghap nalang ako. Okay lang naman kahit hindi na siya mag bass. Iibahin nalang namin ang kakantahin tapos si Xianna muna ang papalit pero piano ang tutog-tugin niya.

Ganito kasi 'yan. Ang totoong tumutugtog lang sa'min ay kaming apat nila Reign, Liam at Josh. Pero lahat kami ay marurunong gumamit ng mga instrumento.

Ang totoo din ay kaya lang naman kami tumutogtog dito sa Music Beer dahil nung one time naming tumugtog ay dahil sa hindi nakapunta ang mag peperform sana dahil sa nilagnat "daw" ang kasama nila. Nagustuhan yata ng mga tao ang pag tugtog namin kaya lagi na silang nag rerequest na kami na naman ulit. Ayos lang naman sa'kin kaya umuo nalang din sila pft.

"Guys ready na kayo?" Bigla nalang sumulpot si Mami K kaya bigla silang napaayos. Except kay Josh na parang bored na. Si Mami K ang may ari ng bar na 'to.

Hear My MelodyWhere stories live. Discover now