"Hintayin niyo'ko sa labas!" Sigaw ni Liam.
Cleaners nila ngayon. Silang dalawa ni Josh. Lumabas na kaming apat at dito namin sila hihintayin.
Napabuntong hininga nalang ako habang pinanood sila mula sa labas. Hindi naman kasi naglilinis si Liam. Nakikipaglaro siya sa ibang lalaki na kaklase. Si Josh naman ay inaayos ang mga upuan. Halata rin na nayayamot na siya dahil sa nagsasalubong niyang mga kilay.
Tumalikod ako sa room namin at tinanaw nalang ang soccer field na nakikita rito sa itaas. Tinitignan ko ang mga naglalaro at parang may nahagip akong pamilyar na mukha.
Trev?
Siya nga! Nakangiti niyang iniiwasan ang kalaban nila hanggang sa sipain niya na ang bola papunta sa net na pumasok naman at hindi nahuli ng nagbabantay. Nakipag apir siya sa mga kakampi niya at tatakbo-takbo sa field.
Narinig ko pa ang sigaw ni Liam kaya napalingon ako.
"Hoy! Tumulong ka dito, Joselito. Tatakas ka na naman ha."
Napailing nalang ako dahil akala mo naman naglilinis siya eh puro lang siya laro. Ibinalik ko ang tingin sa field at nagulat nang tumama ang aking tingin kay Trev. Nakatingin din siya sa pwesto ko.
(●__●)
Lumihis agad ako ng tingin at napapikit. Bakit ba sa bawat pagtama ng paningin naming dalawa ay naiilang ako? I'm not like this. I can act normally naman around him kapag magkakasama kaming lahat. So why?!!!
Tinignan ko ulit ang pwesto niya at nakita ko siyang kumaway. Hindi ko 'yon pinansin at iniba ang tuon ng aking paningin.
"Bakit hindi mo pinansin?" It was Reign who asks.
"H-ha? Who?" Pag-aarte ko na hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. She just look at me with her serious face.
—
"Ano sabi ni Nanay pala? Tungkol don sa pagtugtog natin." Tanong ni Kylie.
Andito kami ngayon sa plaza, kumakain ng meryenda.
Liam is playing his phone with the two boys, while us girls are busy talking.
"Hmm.... Pumayag siya. Huwag ko lang daw pabayaan yung pag-aaral ko."
"Edi itutuloy na natin 'yon? Punta tayo maya sa music beer."
"Kayo lang muna siguro ang pumunta at mag sabi kay Mami K tungkol don. Aayusin ko ang mga gamit na dadalhin ni Nanay kela Josh." sabi ko na umiiling.
"Sino kasama mo? Hoy, Josh! Sasamahan mo ba si Jez?" tanong ni Ky sabay hampas sa naglalarong Joshua.
Pinatay niya yung cellphone niya sabay tango.
"Alangan naman ikaw sumama, eh sa'king bahay 'yon." dagdag pa nito ng nakangisi.
Sinabunutan naman siya ni Kylie pero natawa lang ito.
"Gag*, Joshua! Bakit ka umalis? Takte!" sigaw ni Liam.
"Dre, sa bot gago nakapasok na sila sa base! B*bo!" sabi naman ni Trev
"Balik mga y*wa!"
Nang tumunog ang defeat halos itapon na ni Liam ang cellphone niya. Naka pagpigil pa yata ang tanga kaya mahina lang na bumagsak ito sa lamesa. Si Trev maman ay bumusangot at tinago yung cellphone niya, sabay inom nung shake niyang binili.
"Luh ba't ang kunti nalang ng laman?" Isang sipsip nalang kasi ang nagawa niya. Tumingin siya sa'kin kaya nag iwas ako ng tingin.
Ang sarap kasi! (。ŏ﹏ŏ)
Nag peace lang ako at nag offer ng kinakain kong fishball. Kumuha naman siya pero naka simangot pa rin.
"Ano sasakyan niyo papunta don?" biglang tanong ni Reign. "Hindi niyo naman sigurong balak na mag commute kahit malapit lang 'yon diba? Matanda na si Nanay, bawal siyang mapagod."
"I can take them there! I have my own car naman eh." ani Xia habang naka taas pa ang isang kamay.
"Oy sama akooooo!"
"Tanga, pupunta tayo sa music beer para sabihin kay Mami K na tuloy na tayo." Sabi ni Kylie kay Liam.
"Edi kayo pumunta! Sasama ako kela Jez!" Bigla siyang lumapit sa'kin sabay yakap sa leeg ko. Muntik na akong mabilaukan kung hindi lang tinanggal ni Josh yung mga braso niya. "Ako ang aalalay kay Nanay!"
"Kaya na ni Josh 'yon." Mahinhing sabi ni Reign pero naka kunot ang noo.
"Pake ko jan?! Sasamaaaa akooo!!" Ayaw niya talagang patigil dahil tumalon-talon pa siya na parang batang tatantrum dahil hindi nabilhan ng gusto niya.
Bigla nalang tumayo si Trev sabay taas ng kamay niya.
"Ako rin! Sasama rin ako!!"
"Ang titigas ng ulo niyo! Pupunta nga tayo sabi kay Mami K!" sabi ni Kylie na tumayo na rin.
"Edi kayo pumunta don tas sasama kami kela Jez!" sabat pa ni Liam.
Napa buntong hinga nalang ako sa katangahan ng dalawang lalaking 'to.
"Why don't we all go nalang? Kesa nagbabangayan kayo jan. Your voices are too loud. Manners please? We're in public, guys." ani mo Xia na feeling ko ay naiirita na rin sa mga kumag.
"Tama! Lahat nalang tayo sumama kay Jezrah kasi!"
"Eh sinong pupunta nga kay Mami K aber???" naka taas ang kilay na pagkakasabi ni Ky.
"I-text nalang natin siya." sabi ko.
"Yon! Tama! Bakit kasi hindi niyo naisip—"
"May tatama sa'yo pag hindi ka pa tumahimik Liam Ashton."
Parang bigla nalang lumamig ang paligid nang mag salita si Reign. Napaupo naman si Liam at tahimik na kumakain ng fries niya.
Napatawa lang ako dahil halos lahat yata kami ay natatakot kay Reign.
May kumalabit sa'kin kaya tinignan ko kung sino 'yon. Si Trev.
"Pahingi ako fishball, subuan mo'ko." Pabulong niyang sabi kaya napatawa ako. Parang ayaw niyang marinig siya ni Reign at baka siya naman ang pagalitan hahahahaah
Tumusok ako ng isa sabay tapat sa bibig niya. Yumuko naman siya ng kaunti sabay kagat sa fishball na sinusubo ko. At doon ko lang narealize na sinusubuan ko pala siya!
Bigla nalang nag-init ang mga pisnge ko kaya umiwas ako ng tingin. Ginulo niya ang mga buhok ko sabay ngiti ng malaki. May laman pa yata ang bibig niya dahil lumulubo pa ang magkabilaan niyang pisnge.
"Thank you!"
Hindi ko alam kung bakit lagi nalang akong naiilang tuwing may ganitong nangyayari. I mean, I also do this kind of stuffs to Liam and Josh pero hindi ako naaawkward? Do I have a crush on him? Since when? Why?
Aaaargh! It can't be....
________
Next!
YOU ARE READING
Hear My Melody
Fanfiction"If music is the only way to express my feelings for you. I will write a song with a thousands words in every sentence, describing how much I love you."