Andito ako ngayon sa music room. Mag-isa lang ako rito, kaya naman panay gitara lang ang ginagawa ko.

Ang boring kingina.

"Sumakay ako sa jeepney...Ikaw ang nakatabi...'Di makapaniwala...Parang may hiwagang nadama...
Nang tumama sa 'yo... ang aking mga mata."

Kinakanta ko lang siya kasi wala lang. Pumasok lang siya sa utak ko. Maganda naman. Tutal ay bagot na bagot na ako rito, eh kakanta nalang ako.

Hinihintay ko kasi sila Liam na nasa classroom parin. Pinalinis sila ni Ma'am English dahil ang ingay. Hindi ko alam ang name ni Ma'am, kaya Ma'am English nalang. Nadamay tuloy yung tatlo. Si Josh naman ay uuwi raw ngayon sa bahay nila. Siguro ay may importanteng gagawin, hindi niya sinabi sa'min kung ano.

"At nagsiksikan na... Dahil tumigil ang jeepney... Sa tapat ng eskwela." Umayos ako ng upo at nilakasan pa ang pag strum ko. Wala namang magagalit dahil walang makakarinig sa labas. Tapos na ang klase.

"Ayoko nang pumara kahit sa'n mapunta...Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama...Ayoko nang pumara...Ayoko nang pumara...Ayoko na, ahh."

Wala na akong pake. Nasa magandang part na ako ng kanta okay.

"Ayoko nang pumara kahit sa'n pa lumiko..."

"Ay liko!"

Muntik ko ng mabitawan yung gitara ko ng may dumugtong sa susunod na lyrics ng kanta. Kingina! Gusto ba ako neto mamatay dahil sa gulat.

"Kanina pa kita hinahanap! I mean kayo, sasabay ulit ako uuwi hehe."

Si Trev. Oo si Trev. Siya yung biglang pumasok. Naknampucha.

Sinamaan ko siya ng tingin sabay tayo at pulot ng lalagyan ng gitara ko na itinapon ko lang sa sahig. Hinila naman niya yung inupuan ko kanina, at umupo.

"Bakit naman itatago mo na?" Tanong niya.

"Kasi itatago na." Pangpipilosopo ko naman kaya tiningnan niya ako ng masama. Nginisihan ko lang siya.

"Bakit ka andito?" Tanong ko.

Napapaisip nga ako minsan. Ayos lang bang parang sobrang close na ni Trev sa amin? Kasi duh, simula nung nakasama namin siyang kumanta sa music bar ay lagi na siyang sumasama sa lahat ng lakad namin. Pati nga sa bahay ay pumupunta na rin siya doon. Feeling ko nga, mas close na sila ni Nanay kesa sa'kin tss.

"Kasi nga sasabay ulit ako sa inyo. Pumunta ako sa room niyo wala na kayo roon."

"Ha? Andon sila Liam tsaka Kylie. Paanong wala?"

Nagtaka naman siyang tumingin sa'kin. "Oo wala, as in wala. Wala ng tao. Hinanap ko nga kayo eh, sakto namang napadaan ako rito at narinig kita."

"Tss nasan na 'yung mga 'yon?"

Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at inayos ang upuan. Tinawag naman ako ni Trev pero hindi ako sumagot.

"Tara na." Sabi ko at naunang lumabas. Sumunod naman siya kaya sinarado ko na yung room ng club. Nasa akin kasi yung susi dahil ako ang inassign ng president ng club.

Sumunod lang siya sa'kin hangggang makalabas na kami ng campus at nasa field na. Nilabas ko naman ang cellphone ko at tinext si Reign.

To: Grumpy
09*********

HOY! ASAN KAYO?! NAKNAMPUCHA HINDI MANLANG AKO TINEXT.

Send!

Binulsa ko ang cellphone ko at tiningnan ang nasa paligid ko. Nakakunot ang noo ko at masama ang tingin. Tss, nasan na mga 'yon. Hindi ako hinintay, fake.

Hear My MelodyWhere stories live. Discover now