Andito kami sa room at nag-uusap lang ng kung ano-ano dahil break time namin. Tinatamad din kami lumabas.

"Doon talaga ako sa duet nila Jez ako kinilig! Ang ganda ng boses ni Trev. Aaaah!"

Simula sa nangyari kahapon ay puro na si Trev na 'yon ang bukang bibig ni Kylie. Well hindi ko naman siya masisisi. That guy is so good—I can't explain but there's something in him na nag papaexcite sa'kin about music. I'm not like this before, I mean yeah I love music. Pero hindi ako ganito na eexcite sa mga bagay-bagay na hindi ko alam.

"Ikaw Kylie, kanina ka pa puro Trev. Eh kung isungalngal ko siya sa'yo?" Masungit na ani ni Reign. She's always like that. Grumpy.

Xianna sat beside me and touch my arm. "Nakita kitang ngumiti habang nag pe-perform. I mean while you're singing with Trev." I looked at her with a annoying face. Pero nginitian lang ako nito na parang nanunuya.

Narinig ata ng ibang mga mokong kaya nakisabay din.

"Ipagpapalit mo na ba kami ni Josh sa lalaking 'yon? Ha, Jezrah?" Tiningnan ko naman si Liam ng masama dahil sa kung ano-anong sinasabi. Ganon din kay Josh na tumango.

I sat straight and cleared my throat. "FYI XIANNA." Tumingin ako sa babaeng nag simula nito sabay tingin din sa iba. "At pati sa'nyo. Lagi naman akong nakangiti habang nag pe-perform duh. Nilalagyan niyo ng meaning mga loko."

"Oo nga lagi kang nakasmile pag nag pe-perform. Pero iba yung ngiti mo dun Jezrah Denise! Kitang-kita ko 'yon!"

Akala ko pa naman ay si Kylie na ang magiging kakampi ko pero nakisawsaw din. Tumango yung apat at tiningnan ako ng may pang-aasar.

Napatampal nalang ako sa noo sabay upo ulit. Bahala sila kakaasar wew.

"Hay! Bili muna tayo ng palamig bago umuwi."

Uwian na namin, kaya naglalakad na kami ngayon papuntang gate.

Bigla nalang may sumabunot ng buhok ko kaya tumingin ako sa likod ko at ready na sanang sapakin ang gumawa nun, pero nakita ko ang mukha ni Josh. Nag peace sign lang 'to sabay tabi sa'kin. Minsan naiisip ko, bakla 'tong isang 'to. Lagi nalang niyang hinihila yung buhok ko. Baka naiinggit siya? Gusto niya din ba ng mahabang buhok?

Sinuntok ko siya sa braso niya kaya naman napahawak siya dun sabay tingin sa'kin ng masama. Binelatan ko lang siya sabay kawit sa braso niya. Ganito naman lagi kami. Sa aming anim ay si Reign talaga ang pinaka-kaibigan ko. I mean wala akong favorite or mas gusto, pero si Reign talaga yung pinaka-close at may alam sa lahat ng chika ko sa buhay. Si Liam naman ay nakilala ko lang nung elementary kami. Umutot kasi siya nun, tapos yung katabi niyang tahimik ang itinuro. At si Josh 'yon. Mag kaibigan na silang dalawa dati pa. Nakakatawa nga dahil hindi manlang nagalit o umiyak nung itinuro siya ng loko. Si Kylie naman at Xianna ay nung first year lang namin na kilala. Classmate kami.

"Manong 20 nga pong fish ball!"

Sumingit naman ako kay Liam nang bumibili na siya. " Libre mo'ko Liam."

Tiningnan niya ako ng masama. "Asa ulol! Doon ka nga panget mo."

Sinapok ko siya kaya naman sinapok niya din ako. Tarantado 'to!

Binigyan niya ako ng 10 pesos na palamig at isang plastic cup ng kikiam. Kaya naman ngumiti ako ng malapad sakaniya. Dabest!

Tumalikod na ako at hahanap na sana ng upuan sa park ng may mabunggo ako. Nabitawan ko yung palamig at natapon naman ang ibang kikiam.

Yung pagkain ko! Waaaaah!

"Ano ba 'yan Kuya, hindi ka tumitingin. Natapon yung pagkain ko." Naiiyak na sambit ko. Kingina! Libre 'yon eh. Pinulot ko nalang yung plastic ng palamig dahil masama namang hahayaan ko lang 'yon. Itatapon ko nalang sa basurahan huhu.

Hear My MelodyWhere stories live. Discover now