"Lagot ka! Bakit ka late? Aba aba. Ang top achiever natin ay late. OMG!"
Kakapasok ko palang sa classroom namin ay bunganga agad ni Liam ang tumambad sa'kin. Kailan ba titikom ang bibig nito? Nakakairita, ang sarap niyang tirisin.
Tinarayan ko lang at umupo na sa upuan ko. Sinalampak ko lang ang bag ko at folder sa lamesa tsaka ipinatong ang ulo sa desk.
Kingina! Kapagod tumakbo.
"Saan ka galing? Bakit ka late?" Tiningnan ko kung sino ang nagsalita at si Reign 'yon. Nakataas ang isang kilay at masama ang tingin sa'kin. Natawa nalang ako dahil para bang may ginawa akong masama na hindi niya rapat malaman.
Inayos ko ang suot kong eye glasses, bag at folder na sinalampak ko lang kanina. Hindi ko rin alam kung bakit tinanghali ako ng gising. Kumatok din daw nang ilang beses si Nanay pero nung hindi ako sumagot ay pinabayaan niya ako dahil akala niya'y wala talaga akong pasok.
.·´¯'(>▂<)´¯'·.
"Tapos na ba first period?" tanong ko.
"Wala raw si Mr. Alman. Swerte mo today." Sagot ni Kylie na nasang kabilang gilid ko.
Nasa left side si Kylie, sa tapat ng bintana. Ako naman ang sa gitna, at sa kanan naman si Reign. Si Xia ay sa unahan, dahil pag sa likod daw siya ay madi-distract lang siya. Yung dalawang boys naman ay nasa gitna banda. Hindi lang halata pero mga top student din 'yon, lalo na si Liam. Yung kadaldalan niya ay nagagamit niya rin sa recitation, at maganda 'yon tss. Si Trev naman ay... Malay ko? Hindi ko alam kung saan siyang strand....
(ರ_ರ)
Ba't hindi ko tinanong? Ewan ko rin.
"Bakit ka late?" Sulpot ni Liam.
Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagbabasa ng libro ko sa pre cal. Ang swerte ko nga dahil wala si serr, eh paano kung wala? Shet ka Jezrah Denise!
"Hah! Inisnob ako amp. Kinaganda mo ba 'yang glasses mo? Ha, Lola Jez!?"
"Ginagago mo ba ako Liam?"
Nag suot ako ng glasses ko kanina kasi masakit yung mata ko. Hindi ko rin alam kung bakit! Hindi naman ako nag puyat kagabi.
(ತ_ತ)
"Kung ganon ang dating sa'yo edi oo." Humagalpak siya sabay takbo kaya naman hinabol ko rin siya. Hanggang sa corridor ay nag hahabulan na kami. Kahit nakakahiya ay gusto kong mahabol ang mokong na 'yon at masapak manlang siya kahit isa lang.
"TUMAKBO KA LANG LIAM ASHTON! MALILINTIKAN KA SA'KIN!"
"Katakot ka Lola Jezrah! HAHAHAHA."
Inis na inis na ako kaya binilisan ko pa ang takbo ko. One thing about me na hindi niya alam, hindi nila alam. BWAHAHHAAAHAHHA
Runner ako nung elementary ako!
"Pucha! Ang bilis mo! Aaaaaah!" Halos tumabi na yung mga students dahil sa aming dalawa.
"Jezrah! Ayoko na! Pagod na ako, sorry na!" Hinihingal na sabi nito habang tumatakbo pa rin.
"Pasapak ako! Isa lang—"
"Hule!"
Bigla nalang may sumalubong sa'kin kaya naman hindi na ako naka pag-isip kung paano titigil para lang 'di ko siya mabangga. Tuluyan na akong nabunggo sa katawan niya.
Tinignan ko ng masama kung sino 'yon, at nakangiting mukha 'yon ni Trev.
Ang lapit ng mukha niya!
YOU ARE READING
Hear My Melody
Fanfiction"If music is the only way to express my feelings for you. I will write a song with a thousands words in every sentence, describing how much I love you."