"Eh bakit wala?"

"You're not listening are you?" Masungit na tanong ni Xia sa'kin kaya panguso ako.

Eh hindi ko maintindihan yung sinasabi ni Mami K kanina! Tinatanong niya kami kung pwedeng mag trabaho sakaniya kaya tinanong ko kung bakit. Tapos nag explain na siya. Nalulugi na raw kasi ang music beer dahil kakaunti nalang ang pumupunta rito. Pero pag kami raw ang tumutugtog ay marami ang dumadayo. Eh kaya bakit wala? Mukha ba kaming taga hatak nila? Psh.

"Eh nalulugi na pala Mami, eh bakit mo pa kami kukunin? Anong iswe-sweldo mo sa amin?"

Binatukan naman ni Kylie ang katabing walang hiyang si Liam.

"Tanga! Kaya nga nag tatanong si Mami diba! Kung tutulong tayo bilang isang banda sakaniya ng walang kapalit."

"Mas tanga ka! Eh wala naman siyang sinabi!"

"Matik na 'yon duh!"

Nag babangayan lang silang dalawa kung sino raw ang tanga. Hays, kung hindi si Kylie ang kaaway ni Liam minsan si Reign. Nayayamot kasi siya sa ingay ni Liam kaya binabara niya 'to pero hindi nag papatalo ang loko. May sira sa utak.

"I think its okay naman for us. But how about you Jez? I know you're saving money?" Tanong ni Xia.

Napatingin sila sa'kin kaya napaisip ako. Kung sasali kami ay halos gabi-gabi 'yon, kaya sino ang kasama ni Nanay sa bahay? Tapos kagaya nang sinabi ni Xia ay nagiipon ako. Para 'yon kay Nanay dahil may mga gamot siyang kailangan niyang inumin. Medyo masakit pa naman sa bulsa non.

"Ako na ang bahala sa mga gamot ng Lola mo, Jez. Kung ayon ang pinoproblema mo."

Napatingin naman ako kay Mami K. Umiwas ako ng tingin at kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi lang kasi 'yon ang problema ko. Walang makakasama si Nanay sa bahay. Masyado na siyang matanda para iwan mag isa sa gabi. Kahit nga sa umaga ay namomroblema ako, pero pasalamat nalang ay may mga kapit-bahay kami na pwedeng tumingin sakaniya.

"Hanggang anong oras ba dapat kaming tumugtog?" Tanong ko.

"Depende sa schedule niyo dahil mga estudyante palang kayo. Baka marami kayong ginagawa." Sagot ni Mami K

Napabuntong hinga nalang ako. Hindi ko problema 'yon. Kaya kong pag sabayin ang mga ginagawa ko sa school at pagtugtog. Pero ang umuwi ng maaga agad para kay Nanay nang may ganong gagawin ay mukhang imposible.

"Wala kasing makakasama si Nanay sa bahay pag gabi. Hindi ko siya pwedeng iwan." Nakayuko kong sabi.

"Pwede siyang tumuloy sa bahay. Malapit lang naman 'yon dito kaya pwede mo siyang bisitahin pag ganon."

Napatingin ako kay Josh. Bigla nalang yata lumiwanag ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. Dali-dali akong tumulon ng yakap sakaniya na naging dahilan ng pag tumba niya sa upuan.

"Isa kang life-saver! Ang galing mo talaga! HAHAHAHAH" sabi ko habang naka dagan pa rin ng yakap sakaniya.

Tumawa naman siya tsaka ginulo ang buhok ko.

"Tama na 'yan! Sa harapan ko pa talaga kayo nag yayakapan?! Mga walang manners!" Hinila ako ni Liam palayo kay Josh kaya napaupo akong ulit sa inuupuan ko.

"Pag payag nalang ng Lola mo ang problema, Jezrah?" Tanong ni Mami K at sinagot ko naman ng tango. Hindi ako pwedeng mag desisyon ng walang permiso ni Nanay kaya kailangan ko paring mag paalam. 

"Sure ka bang okay lang sa'yo na tumugtog na walang bayad? Bukod sa need mo ng pera, ay nakakapagod din 'yon."

Tumango naman ako habang kumakain ng kikiam na libre ni Trev sa'kin. Hindi naman big deal sa'kin na tumugtog na walang bayad dahil gusto ko rin naman. Pero hindi ko rin maitatangi na mas maganda nga kung makakakita ako ng pera lalo na't kailangan ko nga 'yon para sa gamot ni Nanay.

"Si Reign ba asan? Hindi pa siya magaling?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Ayos na raw siya pero gusto niyang mag pahinga." Sagot ni Ky.

Paano kaya ako mag papaalam kay Nanay? Iniisip ko pa rin kung papayag ba siyang doon muna sa bahay nila Josh. Kahit nahihiya man ako, eh wala na akong magagawa. Humihingi na ng tulong sa amin si Mami K, at tutulungan ko siya dahil siya rin naman ay tumutulong kapag may problema ako. Lalo na pag financially hehe.

"Takaw mo. Saan mo iniipon ang mga kinain mo?"

Napataas ang isa kong kilay nang marinig kong sabihin 'yon ni Trev na nasa kaliwa ko na. Tiningnan ko lang siya ng masama at pinag patuloy ang pagkain ko. Tumawa naman siya.

"Takaw-takaw hindi naman lumalaki."

Doon na ako tumugil sa pagkain. Tumayo ako at nilagay sa magkabilang gilid ng bewang ko ang dalawa kong kamay, at tsaka yumuko kay Trev habang naka taas ang isang kilay na nanlalaki pa ang mga mata.

"EEEXCUSE ME?~ Tinatawag mo ba akong maliit?"

"Uhm, oo."

"G*go 'to ah!"

Inambaan ko siya at pinigilan naman ako ni Liam habang may fishball pa sa loob ng bunganga niya. Tatawa-tawa naman yung isang bugok habang yung iba ay walang pakialam na para bang sanay na sa nakikita nila.

"Gago ka pwre, mashaket manuntok 'yan si eshra." Sabi ni Liam na punong-puno ang bibig.

"HAHAHHAHAAH ang cute niya kasi."

"Cute?! Ano ako aso? Sa ganda kong 'to? Ha!"

"Luh! Hangin ah". Liam

Umupo nalang ako ulit dahil wala namang kwenta na makipag-usap sa dalawang bano na 'yon. Ewan ko ba! Simula nang makilala namin si Trev eh close na silang dalawa. Para silang may iisang utak. Utak ng mga abnormal.

"Shut up, guys. Reign is calling." Ani Xia.

"Shut up nga, Pre. Bobo mo."

"Namo! Ikaw yung maingay dinamay mo pa ako."

Nakita ko nalang na umikot ang mata ni Kylie sa dalawang bano kaya napatawa ako. Ingay-ingay kasi nitong dalawa.

"Wala naman. May sinabi lang si Mami K tapos, ah basta! Pag okay kana, doon nalang namin sasabihin. Mag pahinga ka nalang jan." Tinatamad na sabi ni Kylie.

Kinakain ko lang yung kwek-kwek na hindi naubos ni Josh dahil hindi ko naman marinig ang pinaguusapan nila. Yung dalawang bano naman ay nagbabangayan sa walang kwentang bagay. Nag-aaway sila kung sino mas bobo eh parehas naman sila. Napailing nalang ako.

Hays, ano kaya sasabihin ko kay Nanay?

———–—

Next!

Hear My MelodyWhere stories live. Discover now