CHAPTER 1

17 3 4
                                    

Naglalakad ako sa gitna ng kalsada habang ininda ko ang sakit ng katawan pati na ang puson. Malas pa at nakalimutan kong bumili ng napkin kaya puno na ang suot kong napkin.

Ng makarating ako sa tindahan (convenience store) ay pilit kong pinapatigas ang boses ko pero kahit anong pilit ko ay nahihirapan lang ako, hindi ko magawa. Nanlalabo narin ang paningin ko at hindi kuna alam kung ano ang susunod kong hakbang.

"Miss gising," may hauling boses akong narinig bago mawalan ng malay hindi ko narin naaning ang kanyang muka dahil hindi ko na kayang maimulat ang dalawa kong mata.

....

Naalimpungatan ako sa haplos ng kamay sa aking paa, nakakakiliti ito at nag parang binubuhay nito ang sensasyon sa aking katawan kaya bigla kong iminulat ang mata ko at sa pagbukas ng aking mga mata bumugad agad sa akin ang isang lalaki sa may paanan ng aking hinihigaan. Batid kong hindi ko Ito kwarto. Kaya dali dali akong umupo at tinadyakan siya para makalayo sa akin pero nagdahilan din yon ng pagkalaglag nya sa kama.

Nakadama ako ng pandidiri dahil sa pag hawak n'ya sa akin kanina.


"Sino ka? Anong ginagawa mo sa akin?" Galit kong tanong rito. Narinig ko naman ang daing nya na alam kong dahil yon sa pagkalaglag nya sa kama.

Nakita ko syang tumayo at galit na tumingin sa gawi ko. His face darkened. Nararamdaman ko ang labis nyang galit sa ginawa ko umiigting ang kanyang mga panga bago tuluyang tumingin sa mga mata ko.

"Hoy babae! Ikaw na nga tong tinulungan ikaw pa tong nananakit,"doon ko lang napagtantong nasa ibang kwarto ako teka kaninong kwarto Ito? At nasaan ako? Agad akong tumingin sa estrangherong nasa harapan ko nag pantay ang aming tingin habang matalim ko syang tinitigan sya naman ay mariing nakatitig sa akin, amusement danced in his eyes while I can't read what he's planning to.

"Nasan ba 'ko? At bakit ang panget ng design nitong kwarto? Mukang playground ew," pandidiri kong sabi habang inililibot ang aking tingin sa kabuuan ng kwarto.

Kumunot bigla ang noo nito sa aking sinabi tila nabigla at napaawang ang kanyang bibig.

'Alam kong maganda ako wag mong masyadong titigan'  I mentally said to myself.

"Abay pasalamat ka nga nakapasok ka sa kwarto ko, pasalamat ka rin at tinulungan pa kita alam mo bang ambaho baho mo?" mahahalata mo sa bosses nito ang galit.

Bigla kong inamoy ang sarili ko pero wala naman akong maamoy na mabaho. Gago toh ah.

"Anong mabaho? Baka hininga mo lang na aamoy mo."

Napanganga ito sa nasabi ko 'ngunggong' "Wow ako pa ang mabaho hininga sa 'tin? Eh totoo naman ang baho mo amoy isda ka alam mo ba'yon."

Don ko lang napansin nayung tinutukoy nya pala ay ang regla ko, bigla akong nahiya naalala korin na puno na ang suot kong napkin. Tinignan ko ang loob ng kumot na nakapatong sa katawan ko.

Mas lalo akong nahiya dahil may tagos ako, puti pa naman ang bed sheet nya. Nakakahiya.

"May a-ano ka?" Nahihiya kong tanong, di ko maituloy dahil nahihiya ako Shit. Bakit ngayon pa?

"Anong ano?" takang tanong nya.

"Yung pangharang ng dugo," namumula na ang muka ko sa sinasabi ko.
"Huh?" Takang takang tanong nya 'medyo slow sya ay hindi lang medyo, slow talaga' psh.

I'M NOT A PSYCHO Where stories live. Discover now