CHAPTER 8

8 2 0
                                    

ARZIE'S POV.

Madaling araw na ng magising ako katabi si vefin.

Dalawa nalang kaming nandito dahil umalis na yung tatlo dahil naitago na nila kami.

Alam ko na sa oras nato pinapahanap na kami ni mommy, alam kong hindi sya titigil hanggat hindi n'ya magawa ang gusto n'ya.

Tumayo ako at kinumutan ng maayos ang katawan ni vefin. Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya dali dali akong pumunta sa cr.

Mga ilang sigundo pakong nag tagal sa cr ng makarinig ako ng kaluskos sa pinto ng cr.

Ang aga naman magising ni vefin

"Sandali lang," sigaw ko upang malaman n'ya na nasa loob ako ng cr.

Hindi parin tumigil ang kaluskos kaya binilisan ko'na ang pag gamit ng banyo.

Bubuksan ko'na sana ang pinto ng may nakita akong dugo na dumadaloy sa bandang ibaba ng pinto ng banyo.

"V-vefin?" mautal utal kong tawag sa pangalan ni vefin dahil natatakot nako, hindi ko alam kung bubuksan koba ang pinto.

Nagbilang ako ng hanggang tatlo at dahan dahang binuksan ang pinto upang sumilip.

Nanghina agad ang tuhod ko ng makakita ako ng nagkalat na dugo sa sahig pati na ng mga nakakapandiri at nakakakilabot na laman.

Hindi ko mawari kung anong laman ito.

Tuluyan ko nang binuksan ang pinto ng cr at agad hinanap ng mata ko si vefin.

Tinahak ko ang daan kung saan hindi ko kayang daanan.

Nakakakilabot

Dahan dahan ang bawat hakbang ko upang hindi ko maapakan ang mga lamang loob na nakikita ko.

Halos maluha nako dahil hindi kopa makita si vefin.

Ilang sigundo pa nang paghahanap kay Vefin ay sa wakas nakita ko narin ang bulto ni vefin.

Nagtaka ako kung bakit nakatayo sya sa gitna ng poso sa may hardin.

"Vefin?" tawag ko sa ngalan n'ya ngunit hindi sya lumingon.

Dahan dahan akong naglakad upang makita ang ginagawa n'ya ngunit nanghina lang ako sa nakita ko.

Puro dugo ang harapan ng kanyang damit na puti at dumadaloy ito pababa sa lupa.

Hindi ko alam kung bakit nakatingala ito sa kalangitan.

Hindi kopa tuluyang nakikita ang muka n'ya dahil nakaharang ang mahaba nitong buhok sa kanyang muka.

Nakakailang hakbang palang ako ng bigla s'yang tumingin sa kinaroroonan ko.

Hindi ko alam kung bakit ko nilabanan ang titig n'ya sa akin, nakakakilabot.

Ngayon lang ako nakatanggap ng ganyang klase ng titig, madilim at mukang kahit anong oras ay kaya akong lamunin nito.

Ilang minuto na kaming nakatayo habang nilalabanan ang mata ng isat isa.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa mga oras na ito.

Gusto ko nang bumigay ngunit bakit ayaw pa ng mata ko.

Pakiramdam ko, kapag inalis ko ang tingin ko sa mata n'ya ay mamamatay ako.

Hindi kona mawari ang itsura n'ya, natatakot nako dahil hindi ako sigurado sa iniisip ni vefin ngayon.

Nawala ako sa wisyo ng bigla s'yang tumingin sa likuran ko, hindi ko alam kung bakit ako lumingon para tignan.

Nabulantang ako ng makita ko ang nakasabit na patay na aso at nakalabas ang mga lamang loob nito.

I'M NOT A PSYCHO Where stories live. Discover now