CHAPTER 4

8 3 0
                                        

"Vefin sunduin mo naman ako sa airport please?" Pangungulit ni Arzie sa akin habang nasa telepono.

Hindi ko alam bat ko kinaibigan tong isang to' eh parang ginagamit lang ako ng gumag.

"Anong kapalit?" walang gana kong tugon.

"Lilibre kita ng maraming pagkain," maligaya nyang tugon na kala mo bata kung mang alok.

"Kaya ko bumili ng sarili kong pagkain," pambabara ko.

"Libre kita ng lalake, yeheyy papayag nayan," parang walang utak kung mang alok to si Arzie.

"Hindi ko kailangan ng tite,"

"Halah wait vefin dapat na record ko yung sinabi mo, ano ulit yon? Hindi mo kailangan ng tite?halah," parang tanga amputa hindi alam kung nang aasar o nang iinsulto kung mag salita

"Umayos ka Arzie hindi ako nakikipag biruan, mag hintay ka jan susunduin na kita tanga ka pa naman," ganti ko sa pang aasar n'ya at saka ko pinatay ang tawag bago pa s'ya dumada.

• • • •

Habang nag lalakad ako ay nakasukbit sa isa kong balikat si Arzie at sa kabilang balikat ay dala dala ko ang bag n'ya. 'prinsesang walang kaharian.'

"Vefin, two months pa lang tayong hindi nagkita, sobrang na miss kita, " pambobola n'ya na may kasamang pag papacute "sus pacute pa puta," wala kaming ginawa kundi mag asaran ng mag asaran na akala mo wala ng bukas.

Habang naglalakad kami hindi namin namalayan na may makakasalubong kami kaya buntikan nakong matumba buti nalang nabalanse ko agad ang paa ko at hindi ako tuluyang bumagsak.

"I'm sorr-" nahinto ito sa pagsasalita ng mag tama ang aming mga mata. Naka kunot ang nuo kong tumitig sa kanya habang inaalalayan ako ni Arzie.

"vefin ayos kalang?" Tanong sa akin ni Arzie bago n'ya ibaling ang attention n'ya sa lalaki.

"omg? Zer-" hindi na na tapos ang sa sabihin ni Arzie ng hawakan ko sya sa kamay at kaladkarin pa layo sa lalaking yon.

Ng makalayo kami ay inalok ko agad si Arzie na umuwi na. Hindi na umangal si Arzie dahil gabi na pero bago kami umuwi kumain muna kami ng hapunan para deretso pahinga na kami sa bahay.

Naka ilang minuto kami sa byahe ng tuluyan kaming makauwi sa bahay nakatulog naman agad si Arzie dahil siguro napagod sa byahe kumuha ako ng kumot at kinumutan s'ya habang kinukumutan ko s'ya napansin ko na napaka inosente pala talaga ng itsura nito nung una ko s'yang nakilala buntikan ko na s'yang mapatay sa sobrang kulit n'ya pero mabuti nalang at nakapag pigil ako bata pa naman ako non kaya wala pakong lakas ng loob pumatay.

Highschool kami nung una ko syang nakilala, elementary kasi ako ng mamatay ang alaga kong pusa alam kong hindi lang namatay ang alaga ko kaya inalam ko kung sino ang pumatay at pinatay ko rin yung pumatay sa alaga kong pusa.

Ng malaman ng magulang ko na nakapatay ako at ayaw nila akong makulong kaya lumayo kami sa lugar na yon at nag tago dahil din sa ginawa kong yon nagbago ang turing sakin ng mga magulang ko.

Highschool nakilala ko si Arzie don din n'ya ako unang nakitang makapatay umiyak ito dahil sa takot hindi ko sya pinakealaman dahil wala naman s'yang atraso sakin pwera nalang kung isusumbong n'ya na nakapatay ako baka mapatay ko rin talaga s'ya.

Pero nagulat ako ng yakapin n'ya ako kahit may dugo dugo pa ang damit ko at mas lalo kong ikinagulat ang sinabi n'ya "vefin bat mo ginawa y-yon? Hindi m-moba alam na p-pwede kang makulong dahil jan? Hindi a-ako papayag na m-mawalan ng k-kaibigan," at don ay mas lalo s'yang humagulgol ng humagulgol nabitawan ko narin ang hawak kong palakol dahil sa sinabi ni Arzie.

I'M NOT A PSYCHO Where stories live. Discover now