Nagising ako sa isang lumang kwarto na kung saan ay may isang pinto na 'di kalayuan sa hinihigaan 'ko tumayo ako para tignan kung ano ang tunog na naririnig 'ko sa loob ng kwarto.
Hindi pa ako masyadong nakakalapit sa pinto ng may narinig akong ungol na parang umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman, tuluyan na'kong nakalapit sa labas ng pinto kaya dahan dahan kong inikot ang doorknob para mabuksan 'ko at makita ang nasa loob ng nakakakilabot na silid.
Nang mabuksan 'ko ito ng tuluyan ay agad na bumungad sa akin ang babaeng nakaupo sa gitna ng higaan at nakaharang ang mahahaba n'yang buhok sa kaniyang mukha habang ang dalawa n'yang palad ay nakalapat sa magkabilang tenga.
Tila ba nababaliw na ito dahil sa ginagawa n'ya.
Hindi 'ko mawari kung ano ang nangyayare sa kanya, hindi ko rin naaning ang muka n'ya dahil pasuray suray syang nakaupo sa higaan.
Nagulat ako ng bigla itong tumingin sa gawi ko at tumingin ng deretso sa mata 'ko. Hindi 'rin naman ako nagpatalo at tinitigan 'ko 'rin s'ya sa mata ngunit mga ilang saglit ay hindi nakalaban ang mga mata 'ko ng unti unti siyang gumagapang pababa sa sahig na parang walang buto kung gumalaw.
Patuloy parin ito sa pag gapang ng bigla itong tumayo ng tuwid. Nakaramdam ako ng kilabot dahil sa ginagawa nya.
Nag tagal ito ng ilang minuto habang nakatayo ngunit bumagsak itong muli, doon ay naisipan 'ko nang tumakbo kaya dali dali akong tumakbo papaalis sa silid.
Dama ko na habang natakbo ako ay nakasunod ito.
Halos isang oras na 'rin akong nag tatatakbo sa mala palasyong parang haunted house na 'to hindi 'ko na masyadong nararamdaman yung babae kaya tumigil muna akong tumakbo dahil 'di ko'rin alam kung saan ang lagusan paalis dito.
Mabilis 'kong hinahabol ang hininga 'ko para makaraos sa pagod na nadarama. Hindi 'ko namalayan na may nakapatong na palang kamay sa balikat 'ko, sinubukan kong lingunin ngunit may bilang bumulong sa akin na hindi ko alam kung saan nanggaling
'kailangan mong mabuhay mulerza'
Nagising ako mula sa bangungot na iyon ngunit hindi kopa muna iminumulat ang mga mata ko.
Bumilang ako ng hanggang tatlo bago ko imulat ang mata ko ngunit ng pag mulat ko ng mata ay may naramdaman ako sa palad 'ko hindi 'ko mawari kung ano ang na sa kamay 'ko dahil walang sindi ang ilaw sa loob ng kwarto 'ko.
Tumayo ako at pinaandar ang ilaw malapit sa tapat ng pintuan, may kaunting kirot sa ulo 'ko ng bumangon ako galing sa higaan.
Nang mapaandar 'ko ang ilaw napansin 'ko na may dugo ang sahig napansin ko rin na may dugo sa palad ko.
Sinundan 'ko kung san papunta ang dugo sa sahig hanggang sa marating 'ko ang cr malapit sa kwarto 'ko.
Di ako nagdalawang isip na silipin 'yon kaya kitang kita 'ko ang isang pugot na ulo na nakapatong sa bowl.
'tangjena naman ohh sa bowl pa talaga na ilagay muka bang tae yan para ilagay sa bowl putcha'
Hinawakan ko ito sa may buhok at doon ko ito binuhat. Biglang nakunot ang nuo ko ng makitang may mga nakalaylay pa sa leeg nito.
'hirap nangang mag linis ganto pa sasapitin ko.'
Tinitigan ko ito ng saglit ng mapansin 'ko na parang pamilyar sa'kin ang earrings sa ilong n'ya.
Pinagmasdan 'ko ng maayos kaya naalala ko bigla si Eloisa ang kaibigan 'kong may itinatagong galit sa'kin ayaw niyang may bida sa aming mag totropa kundi s'ya lang 'tsk immature' ginagawa n'ya lahat makuha lang attention ng ibang tao kaya kung ano ang sikat ginagawa n'ya kahit hindi bagay sa kanya.
Sakto nagugutom ako ngayon at hindi 'ko naman kilala o natatandaan na may naglagay ng ulo dito buti nalang ulo lang para hindi ako mahirapang itapon o kainin.
Hating gabi palang pero gutom na agad ako.
Napangisi ako ng ipatong 'ko ang ulo ni Eloisa sa lamesa sakto naiwan ko ang itak sa lamesa kanina nung matapos kong itakin ang mga karneng nabili ko kaya hindi nako nahirapan pang pumunta sa kusina.
Isang taga, bulwak ang utak "fresh pa,"napahalakhak nalang ako dahil 'di na'ko mahihirapang bumili ulit ng karne na idadagdag 'ko sa mga natirang karne sa refrigerator.
Hindi na'ko nagpagod at sinunggaban 'ko agad ang durog durog na utak ni Eloisa, hindi ko'na ito iniluto dahil fresh pa naman halatang kakatanggal lang ng ulo n'ya sa katawan n'ya.
Sayang hindi 'ko nakita kung pa'no pinatay si Eloisa.
Habang sarap na sarap ako sa pagnguya sa utak ni Eloisa ng may biglang kumalabog sa pintuan 'ko 'istorbo' tumayo ako at nilapitan ang pinto ng unit 'ko nawala ang inis 'ko ng masilip ko si allin ang number one supportive ni Eloisa in short boyfriend n'ya.
'Ang cringe'
Nang buksan 'ko ang pinto agad kong napansin na nagulat ito dahil siguro sa mga bakas ng dugo sa labi ko pero binago n'ya 'rin agad ang expression ng muka n'ya ng mag eye to eye contact ang mga mata namin.
"Alam moba kung nasan si Eloisa?" nanginginig ang bosses nito.
Ang high naman nito siguro akala n'ya pinatay 'ko si Eloisa, tinikman 'ko lang naman.
"Nasa loob," walang emotion 'kong Sabi. dahil sa sinabi 'ko dali dali s'yang pumasok sa condo 'ko kala mo sa kaniyang condo.
"Wala s'ya dito ang tanging nakita 'ko lang ay yung nakakadiring nakapatong sa lamesa mo, sabihin mo ikaw ba ang pumatay kay Eloisa?! S'ya ba yang nasa lamesa mo?!" Galit at pasigaw na niyang sabi.
"Hinay hinay sasagutin ko lahat yan," nagawa kopang mag biro kahit galit na si Allin pake 'ko ba.
Tumalikod ako at naglakad papalapit sa madilim na sulok napangisi nalang ako dahil mukang sasabog ba si allin sa galit "Saan ka pupunta?" Tanong n'ya ng may halong pagtataka pero hindi 'ko 'yon pinansin at deretso lang ako sa paglakad hanggang sa na sa tapat na'ko ng sulok sakto bigla 'ring namatay ang ilaw sa loob ng condo 'ko, napahalakhak ako dahil sa sobrang tuwa nakikisama talaga ang panahon sa'kin.
"Mulerza magpakita ka!" Halo halong emotion ang na sa boses n'ya takot, galit, puot, at kaba.
"Allin Allin Allin hanggang ngayon clown ka pa'rin talaga wala kang pinagbago matatakutin ka pa'rin naalala 'ko pa yung panahong sa'kin ka pa ulol," humalakhak ako ng humalakhak "ang sabi mo hindi mo 'ko iiwan pero ngayon bakit may iba kanang hinahatid sundo kanang iba? 'Di naba ako maganda sa paningin mo?" Mas lalong lumakas ang halakhak ko dahil sa itsura ni allin.
"Mamatay tao ka mulerza kaya bat hindi kita ipagpapalit?! Pinatay mo ang magulang mo at lagi mong sinasabi sa sarili mo na nasa ibang bansa at nag tatrabaho lang dahil hindi ka naniniwala na ikaw ang pumatay sa magulang mo, nilalason mo ang utak mo mamatay tao ka tanggapin mo-" agad na nahinton sa pagsasalita si allin ng mag sisisigaw ako.
Sa bawat salitang nabibigkas ni allin ay nag dodoble ang sakit ng ulo ko, hindi 'ko na mapigilan ang sarili' ko na mag wala at mag sisisigaw.
Sa mga oras na 'to agad kong kinapa ang palakol na itinatago ko sa bawat sulok ng silid ko para sa oras na kailanganin ko ito ay agad kong makukuha tulad nalang ng oras nato.
Hindi na ako nag sayang pa ng oras, dala dala ang palakol at nagtatatakbo papunta sa kinatatayuan ni allin at agad na itinarak sa tagiliran ng ulo n'ya ang palakol. Hindi na naka iwas si allin sa bilis ng ginawa ko.
"Masyado kang madaldal."

YOU ARE READING
I'M NOT A PSYCHO
Mystère / ThrillerHey guys, yeah this is my second acc cuz I forgot the password of my frst, so I decided to build a new acc to continue my story. I hope you'll understand. "I'm the kind of friend who will help you hide a dead body. But if you betray me, just remem...