Mga ilang sigundo ang nakalipas ng mapansin ko'na may nakasabit sa dingdong na susi kaya agad ko iyong sinunggaban at pumunta sa kinahihigaan ni vefin "Sana ito iyon.." mariin kong tinitigan si vefin bago ko sinusian ang posas.
Bumagsak ang balikat ko ng hindi bumukas ang posas ngunit hindi parin ako tumigil at ipinag patuloy ko nalang muli ang paghahanap.
Narinig ko ang pagbuntong hininga si zerpens at hinawakan akong muli kamay, hahablutin ko sana ngunit may bigla s'yang isiniksik sa palad ko.
"Gamitin mo, mukang kailangan mo." malamig naman nitong sabi.
Mag sasalita na sana ako kaso bigla nyang binitawan ang kamay ko at malalaki ang hakbang nyang tinungo ang pinto at saka lumabas ng silid.
Hindi ko nalang ulit s'ya pinansin bagkus ay mas pinag tuunan ko ng pansin ang susi. May kaba sa dibdib ko habang sinusubukan ang susi na ibinigay ni zerpens.
Agad na lumitaw ang ngiti sa labi ko ng tuluyan nang mabuksan ang posas.
"Itatakas kita." Disidido ako na itakas si vefin. Nag hanap ako ng wheelchair at dahan dahang inalalayan si vefin upang maisakay sa wheelchair.
Mga ilang sigundo bago nakaupo sa wheelchair si vefin.
"Kaya moba?" Tanong ko kay vefin habang nakahawak ako sa likod ng wheelchair.
"Yeah." walang pag aalinlangan nitong tugon.
Mabilis ang pag tahak namin sa pinto ng silid at agad na lumabas.
Natanga ako ng pag labas namin ng silid ay may mga lalaking hindi kalayuan sa amin na tinatahak ang kinaroroonan namin "shit takbo malala to, kumapit ka Vefin,"
Mabilis kong tinutulak ang wheelchair na sinasakyan ni vefin papunta sa kabilang daan.
Takbo lingon ang ginagawa ko halos hinihingal na ako pero hindi ko magawang mag pahinga.
Habang mabilis kong tinutulak ang wheelchair ay nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pinto ng exit at iniluwa non si zerpens. Agad ako nitong tinulungan na ipasok si vefin sa exit.
Buti nalang nag kasya...
Hindi kaya ng wheelchair na dumaan sa hagdan kaya kinarga nalang ni zerpens si vefin at mabilis na tinahak ang hagdan. Hinarang ko muna ang wheelchair sa pinto ng exit bago ako sumunod kila zerpens.
Mas bumilis ang pag takbo namin dahil bumukas na ang pinto ng exit na dinaanan namin.
Nang makalabas kami sa hagdanan ng exit ay agad naming tinungo ang likod ng hospital dahil nandoon daw nag nag aantay sina vent at zcypen upang tulungan kami.
Ako na ang nag kusang bumukas ng pinto para kay zerpens upang makadaan s'ya kasama si vefin.
Bakas sa muka nito ang pagod ngunit patuloy parin sa pag bubuhat kay vefin.
Totoo nga ang sinabi ni zerpens nandoon ang pinsan ko pati na si zcypen. Nang makalapit kami sa kanila ay agad nilang tinulungan si zerpens na ipasok sa sasakyan si vefin.
Ng maipasok nila si vefin ay saktong bumukas rin ang pinto na dinaanan namin ni zerpens at iniluwa non ang mga guard at mga tauhan ni mommy. Nag madali kaming sumakay at mabilis na pinaharurot ni zcypen ang sasakyan. May mga putok ng bala kaming narinig na tumama sa sasakyan buti nalang at hindi sa gulong tumama.
"Arzie ano nanaman tong pinasok mo!" Madiin ngunit hindi pasigaw na sabi ni vent.
"Vent wag ngayon please lang kung may balak kang sungitan ako pwede mamaya na?!" Madiin at matigas kong bulyaw kay vent.

YOU ARE READING
I'M NOT A PSYCHO
Mysterie / ThrillerHey guys, yeah this is my second acc cuz I forgot the password of my frst, so I decided to build a new acc to continue my story. I hope you'll understand. "I'm the kind of friend who will help you hide a dead body. But if you betray me, just remem...