CHAPTER 5

11 3 0
                                    

ARZIE'S POV.

"Mom can you take a rest for a minute?" Tanong ko sa aking ina upang makapag pahinga na ito dahil bakas na sa mata nito ang pagod.

"I'm okay sweetie, mas kailangan mo ng pahinga at saka kailangan kitang bantayan upang hindi na umaligid sayo si vefin." seryoso at mahinahon nitong tugon sa akin kaya mas lalo akong nadisapoint parang hindi ata ako makakatakas kay mommy.

"Mom hindi naman po si vefin yung may kasala-" hindi kona maituloy ang sasabihin ko dahil agad na hinarang ni mommy kung ano ang gusto kong sabihin.

"Sweetie ayaw kong makipag talo ngayon dahil pagod ako. Bumalik kana sa kwarto mo." Malamig nitong tugon sa akin kaya bagsak balikat akong bumalik sa kwarto ko dahil wala rin naman akong magagawa. alam kong hindi rin ako papakingan ni mommy.

'hindi ko manlang nakamusta o nakita si vefin kung ayos lang ba ito'

Napabuntong hininga ako bago tuluyang humiga sa kama. Pinilit kong matulog kahit saglit kaso hindi nakikisama ang aking diwa.

Gustong gusto ng katawan ko na puntahan si vefin at kamustahin s'ya 'kasalanan koto kung bakit napahamak si vefin' sinabunutan ko ang aking buhok dahil gulong gulo na ang utak ko hindi kona alam ang gagawin ko, gusto ko lang naman kamustahin si vefin dahil nag aalala ako bawal bayon?

"Asan naba yung phone ko?" Tanong ko na akala mo ay may kausap ako.

Agad akong napabalikwas ng tayo at agad na lumabas upang itanong kay mommy kung nasan ang phone ko.

Inilibot ko ang aking paningin sa kusina ngunit hindi ko nakita si mommy sa kaya agad ko s'yang pinuntahan sa kanyang silid. Ng makarating ako sa harap ng silid ni mommy ay agad kong pinihit ang pinto at tuluyan ng makapasok.

Agad na bumakas sa aking muka ang lungkot dahil sa itsura ng aking ina. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nyang gawin ang lahat ng to. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na hindi kasalanan ni vefin ang nangyare kaso ayaw n'ya saking makinig. Tsk.

Mahimbing itong natutulog sa malaking sofa ng kanyang silid 'di daw kailangan ng pahinga.' Alam kong pagod ang aking ina kaya hindi kona ito ginising pa at ako na ang nag kusang tignan kung nasa kwarto ng aking ina ang hinahanap kong cellphone.

Dahan dahan ako kung kumilos upang hindi maabala ang tulog ni mommy. Naka ilang minuto rin ako sa pag hahanap ngunit hindi ko makita ang aking cellphone. Napaisip ako kaya kinumutan ko nalang ang tulog kong ina at saka umalis sa kanyang silid ng walang imik.

Napabuntong hininga ako ng tuluyan ko nang maisara ang pinto ng silid ni mommy. 'i have a plan'

°°°

"Manang please kahit ngayon lang ohh.... Please please please..." Mahinahon akong nagsusumamo kay manang ang yaya ko simula bata palang ako kaya s'ya ang naisipan kong lapitan upang tulungan ako. Kanina napag isip isip ko na habang tulog ang aking ina ay Ito na ang pag kakataon upang makatakas at magagawa ko lang ang pag takas sa paraan ni manang.

"Ayy ako namam ang papagalitan pag nalaman ng mommy mo na ibinigay ko sa iyo ang susi ng main door" malungkot nitong turan sa akin pero hindi parin ako susuko. Kailangan kong makuha yon.

"Manang saglit lang naman po ako at saka hindi kopo kayo ipapahamak... Please manang" kinulit ko ito ng kinulit hagat sa pumayag Ito sa gusto ko ngunit ang bilin n'ya sa akin ay bilisan kolang daw baka kasi mahuli kami.

May kaba at saya sa aking dibdib ng makasakay ako sa sasakyan ni zerpens ang kaibigan ng pinsan ko. Tumawag ako kanina kay vent ang pinsan ko humingi ako ng tulong sa kanya ngutin sinungitan muna ako nito saka n'ya ako tinulungan. Masungit talaga Ito dahil lumaki Ito sa tita ko na lagi s'yang pinagbibigyan. Ibinibigay lahat ng kailangan dahil nag itinuturing na s'yang anak ng tita ko.

Sa katunayan lumaki ito sa ibang bansa dahil ayaw n'ya daw sa pilipinas dahil hindi daw maayos ang climate dito at lagi daw syang nilalandi ng malalanding babae pati naring ang mga chismis naiinis s'ya. Ngayon lang ulit s'ya umuwi dito para daw mag bakasyon dahil dito parin naman daw ang country n'ya.

"You look nervous. Something bothering you? Zie," pag patay ni zerpens sa katahimikan. Sigh.

"Pakibilisan nalang ang pagmamaneho please." Hindi ko na sinagot pa ang tanong nito dahil wala rin namang saysay kung malalaman nito ang dahilan.
Naka ilang minuto lang ang byahe bago nakarating sa hospital kung saan nan'don si vefin. Malalaki ang hakbang kong tinungo ang mga nurse at tinanong kung nasaan ang silid ni vefin. Maraming nag alinlangang sabihin sa akin kung saan ang silid ni vefin pero nasabi rin nila di kalaunan. Umakyat ako sa pangalawang palapag ng hospital dahil nan'don daw ang silid ni vefin.

'just wait vefin...'

Ng matanaw ko ang silid ni vefin ay may mga natanaw rin akong dalawang lalaking nag babantay. Galing ata to kay mommy.

Ng tatangkain ko sanang hawakan ang doornob ng pinto ay agad akong hinarang ng dalawang lalaki. "Ma'am ipinagbabawal po ni-" agad kong sinampal ang lalaking humawak sa aking braso kaya napatigil ito sa pag sasalita.

"How dare you to touch me! You don't know me so you better to shut the fck up or else I'll kick you out to this damn hospital!" Bulyaw ko rito na may kasamang panduduro ng kanyang muka.

Tinangka ko ulit na hawakan ang pinto pero pinigilan ako ulit ng mga Ito. "Sir were just visiting her friend." Malamig na tugon ni zerpens. Sinundan pala ako nito.

"Sabi ni madam bawal ang bisita," tugon ng isang lalaki kay zerpens."

"Okay sabi mo eh." Akala ko ay susuko na si zerpens dahil bigla itong natahimik ng ilang sigundo ngunit nagulat ako ng may itinarak na panturok si zerpens sa isang lalaki kaya bigla itong bumagsak.

Dahil sa kaba na nararamdaman ko bigla kong nai angat ang isa kong paa at dumeretso ito sa gitnaan ng lalaki at nag dahilan ito ng pamimilipit nya ng sakit.

Hinayaan ko nalang si zerpens sa dalawang lalaki at agad kong tinahak ang pinto at mabilis na binuksan iyon. Walang pag aalinlangan kong inilibot ang paningin ko sa silid at hinanap ng mata ko si vefin.

Malalaking hakbang kong tinahak ang higaan at doon ay nakita ko si vefin na naka posas ang kamay sa may gilid ng higaan nito at halata sa paa nito na hindi maayos ang lagay n'ya.

Ganito na kaya talaga ang lagay n'ya simula ng ma hospital s'ya?

Narinig kong sumara ang pinto ngunit di ko binalingan ng atensyon iyon. Nalilito ako kung ano bang dapat kong gawin. Naawa ako kay vefin gusto ko s'yang tanggalan ng posas gusto ko s'yang itakas kaso sa lagay nyang ito alam kong hindi pa n'ya kayang gumalaw.

Bigla akong nabuhayan ng loob ng makita kong unti unting iminumulat ni vefin ang kanyang mga mata.

"Vefin nandito na ako ayos na ang lahat wag kang mag alala ililigtas kita sa kamay ni mommy," hinaplos ko ang pisngi n'ya at may ngiti sa mga labi ko s'yang tinitigan. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko na babagsak na.

"Arzie anong nangyayare?" Tanong sa akin ni vefin na parang walang alam sa mga nangyayare. Napangiwi ako sa tanong n'ya hindi ko alam kung bakit ganon s'ya mag tanong.

"Wala kang maalala?" Tanong ko dito pabalik ngutin tango lang ang naisagot n'ya.

anong nangyare?alam ko ang paa n'ya lang ang naapektuhan bakit pati ang memoriya n'ya?

"Arzie tulungan mo ako ..." Nag susumamo ang mga mata ni vefin habang humihingi ng tulong sa akin.

"Oo tutulungan kita ngunit hindi sa ngayon dahil hindi mo'pa lubusang kaya.." mahirap man ang tumangi ngunit minsan lang manghingi ng tulong si vefin kaya hindi ko sya matangihan ang kaso baka sa pag tulong kong Ito sa kanya ay mas lalo s'yang mapahamak.

"Please.." dugtong ni vefin sa pag susumamo n'ya kaya hindi ko na natangihan ay dali dali akong kumilos para mangalkal sa pwedeng pag taguan ng susi.

"Seryoso kaba sa gagawin mo?" Malamig na tanong sa akin ni zerpens habang hawak ang isa kong kamay.

Hinablot ko ang kamay ko at matalim itong tinitigan "kung di' ka naman tutulong mas mabuting manahimik ka nalang."

I'M NOT A PSYCHO Where stories live. Discover now