Chapter 11

240 14 0
                                    

Nagsilabasan na ang estudyante sa classroom ng marinig ang tunog ng bell na hudyat na tapos na ang klase. Naiwan akong mag-isa sa loob ng room. Magrereview ako ngayon. Malapit na kasi ang exam at itong mga huling mga araw ay hindi ako makapagreview dahil sa training namin ni Papa Bert. Binigyan ako ni Papa ng day off sa training para raw makapagfocus ako sa pag-aaral.


Maya-maya pa ay dumating na ang janitor na babae upang linisin ang room. Inayos lang nito ang mga bangkuan at nagwalis ng kaunti at lumabas na rin.


Ako? Heto at naiwan pa din sa loob ng classroom at konteng oras na lang din ay mababaliw na ko kakareview ng Mathematics.


I really hate this subject. Sino ba naming hindi? Sino ba kasi ang nakaisip pa ng mga gantong formula and solution e. And kung nadiscover man bakit kailangan pang ituro to sa High School ganung hindi naman to magagamit sa pang-araw-araw. Maiintindihan ko pa kung addition, subtraction, multiplication and division ang ituro dahil kailangan naman talaga to sa buhay. Pero itong exponential form, square root at ang hindi matapos tapos na paghahanap sa value ng X.


"Kyahhhhh!!!!!"


"Andyan na ang prince charming ko!"


"Ang pogi talga nya"


sigawan ng mga estudyante sa labas ng classroom.


Peste naman o! Yung hindi ka na nga makapagconcentrate sa pagrereview, tapos makakarinig ka pa ng tilian ng mga malalanding estudyante sa tapat ng pinagrereviewhan mo!


Bukas pa ang bintana ng room namin kaya naman rinig na rinig ko ang malakas nilang sigawan. Pero kadalasan kapag naglinis na ang janitor ay sinasara na nya ito ngunit dahil nga siguro nakita nyang meron pang estudyante sa loob ay iniwan na lang nya itong nakabukas.


Napatingin ako sa labas at nakita ko roon ang nagkukumpulang mga estudyante at ang pagdaan ng estudyanteng lalaking dahilan ng tilian nila. Madali mo lang naman malalaman kung paparating na ang lalaking ito. Simple. Katulad ngayon, parang wang wang ang bibig ng mga babaeng kinikilig ang tumbong sa pagdaan nitong lalaking to. Minsan pa nga meron pang bitbit na placard ang fans ng lalaking yun na ang madalas na nakasulat ay "I love you", "Please marry me" at kung ano-anong kalokohan pa.



Haayyy. Napailing na lang ako. Nagpatuloy ako sa ginagawa.


Salamat naman at maya-maya ay nawala na ang tilian ng mga estudyante. Kasabay nun ay napagpasyahan ko na lang na isara ang pinto at ang mga bintana ng classroom para mas makapag concentrate ako sa ginagawa ko.


Ilang minute lang ang lumipas ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Hindi ako pwedeng magkamali, may pumasok sa loob ng classroom. Kinabahan ako bigla at naging alisto.


Isa ito sa mga itinuro sakin ni Papa Bert. Marami ang gustong magtangka sa buhay ko kayat habilin nya sakin na lagging maging handa at wag basta basta magtitiwala dahil hindi ko pa kilala ang gusting manakit sakin. Kaya't hindi ako maaring maging pabaya.


Tumingin ako sa pintuan at nakita doon ang lalaking pumasok sa classroom. Nakasilip ito sa bintana.

The Mateless WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon