I WRITE THIS CHAPTER IN FIRST POV. COMMENT LANG PO KUNG ANONG POV ANG MAS MAGANDA. FIRST STORY KO PO TO AND I REALLY WANT TO HEAR YOUR OPINION TO IMPROVE MY WRITINGS.
************************************************************************************************************
"Masakit ang batong iyon ahh." sabay sapo sa sentido kung saan dumapo ang batong ipinukpok sa kanya ng taong lobo.
"pero last mo na yon" hinawakan nito ang baba ng taong lobo at iginiya papakanan. Inilabas ulit nito ang mahahabang pangil nya. Akmang susunggaban na nito ang taong lobo nang...
"Wag!!!" sigaw ni Shean. Napalingon ang tatlong bampira sa kinaroroonan ni Shean. Nanlisik ang mga mata ng tatlong bampira. Animo'y nakakita ng napakasarap na pagkain.
Shean's POV
Ooppsss.
-Great Shean. Now, what?
"Another meal" sabi ng payat na bampira.
"Pag sinuswerte ka nga naman. Hindi natin alam na kanina meron pa lang nagtatagong pagkain sa damuhan" sabi ng babaeng bampira.
"Sa inyo na itong taong lobo. Akin yang magandang babae na yan" sabay ibinaba ng maskuladong bampira ang taong lobo. Bumagsak ang kaawa awang katawan ng taong lobo sa damuhan. Hindi ko alam kung buhay pa ito o hindi na.
"Hindi naman pwede yan, brad. Hating kapatid dapat tayo" sagot ng bampirang payat. Mas gusto ng mga bampira ang dugo ng tao kesa sa taong lobo. Para sa kanila ay mas malasa ang dugo ng tao. And of course, akala nila ay ordinaryong tao ako.
Nilapitan ako ng maskuladong bampira. Hindi katulad ng bampirang napanood ko sa movies na gwapo at maappeal, ang bampirang ito ay pangit. Malalaki ang mga mata nito at maraming butas butas sa mukha. He's most likely a goon sa mga movies. Idinampi nito ang likod ng palad nya sa mukha ko, mula sa gilid ng kilay pababa sa pisngi. Nangilabot ang buong katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang magaspang nyang kamay sa balat ko. Tinabig ko ang kamay ng maskuladong bampira. Hindi ko matiim na ang mamatay taong katulad nya ay hinahawakan ang balat ko.
"Don't touch me" sigaw ko sa maskuladong bampira.
"Matapang ka a. Tignan natin yang tapang mo. Sayang. Ang ganda mo pa naman. Panigurado ay marami ka pa sanang mapapaiyak na lalaki. Pero yan ay kung makakaligtas ka pa samin. ha! hahaha." sabay hinawakan nya ako sa ng mahigpit sa baba atsaka inilabas ang mahahaba at matutulis nyang pangil. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Pinihit ng bampira ang ulo ko. At dahan-dahang inilapit ang mukha nya sa leeg ko. Kitang-kita ko ang bawat detalye ng muka nya. Mas pangit pala at nakakatakot ito sa malapitan, idagdag mo pa ang mahahaba at matatalim nitong pangil. Naramdaman ko ang pagtulo ng likido sa balikat ko.
Yuck. Yuck. Yuck. Shit his saliva is on my shoulder.
Pakiramdam ko ay isang asido yon na tinutunaw ang balat ko. Nakakadiri talaga. Nakakatawa lang dahil sa sitwasyon ko na to ay mas inuna ko pang isipin ang kaartehan ko. At doon ko nga naisip na malapit na kong kunin. Once na maikagat nya sakin ang nakakadiring mga pangil na yon at masipsip ang lahat ng dugo ko. Katapusan ko na yon
Pinikit ko ang mga mata ko. Hinihiling na dugtungan pa ng Dyos ang buhay ko.
Lord God, sana'y buhayin nyo pa po ako. Pero kung ito na talaga ang katapusan ko. Humihingi ako ng tawad sa la-
[BLAG!!!]
Umikot ako sa ere at bumagsak ang katawan ko sa damuhang sahig ng gubat. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Pagtingin ko sa maskuladong bampira ay gumugulong ito sa damuhan habang yakap ang isang lalaki.
BINABASA MO ANG
The Mateless Wolf
Lupi mannariOrdinaryong buhay. Yan ang pangarap ni Shean. But she's no ordinary. Hindi karaniwan ang kanyang lakas, ang kanyang bilis, ang linaw ng kanyang mata, ang talas ng kanyang pang- amoy at pandama. At may isang nilalang na naninirahan sa kanyang pagkata...