Chapter 2

427 22 1
                                        

Itinupi ni Shean ang basang sulat. Hindi nya namalayan na kanina pa tumutulo ang mga mumunting luhang namuo sa kanyang mata. Napahagulgol si Shean nang mahagip ng kanyang mata ang isang larawang nakapatong sa lamesita.

Mahigit isang bwan na ang lumipas mula nang mamatay ang mommy at daddy ni Shean. Kahit papano ay nabalik na ang gana nya kumain ngunit walang gabi na hindi sya umiiyak. Mahigit isang linggo na din syang nasa poder ni Tito Bert. Araw-araw ay kailangan nyang tumakbo palibot sa paanan ng bundok ng mahigit dalawang oras at sa hapon naman ay tinuturuan sya ng Tito Bert nya ng iba't ibang paraan sa pakikipaglaban.

Tinignan nya ang relo na suot nya.

Alas otso y  medya pa lang ng umaga. May mahigit dalawang oras pa ko para magpahinga. Siguradong mapapagod na naman ako sa ensayo namin ni Tito Bert mamaya.

Malapit sa kalikasan si Shean kaya naman hindi naging mahirap para sa kanya ang mag-adjust sa bago nyang paligid. Sa katunayan nga ay mas gusto nya ang bagong mundo na kanyang gingalawan. Sariwang hangin, tahimik at walang istorbo. Tanging ang huni ng mga ibon at kuliglig lang ng iba't ibang insekto ang ingay na maari nyang marinig. Kung buhay pa din ang mga itinuring nyang magulang malamang ay niyaya nya din ang mga ito na dito na lang manirahan at iwan na ang buhay nila sa syudad. Malayo din na may maligaw na ibang tao sa lugar na ito. Nasa gitna ng kagubatan ang bahay ni Tito Bert at aabutin ng tatlo hanggang apat oras ang byahe bago marating ang kabihasnan. Karamihan sa mga taong lobo ay ganito ang pinipiling lugar na matitirahan. Upang malaya silang makapagshift at malayang makatakbo ang mga lobo nila sa kakahuyan na hindi nadidiskubre ng mga tao. Ngunit meron syang problema, sa susunod na buwan ay pasukan na. Kailangan nyang gumising ng alas tres ng umaga upang hindi mahuli sa school. Kung kaya na sana nyang magshift ay hindi na nya magiging problema ang layo ng school. Napansin kasi nya na kapag may inaasikaso si Tito Bert sa bayan ay tatlong oras lang itong nawawala sa bahay. At sa kasamaang palad ay hindi pa sya pwedeng magshift. Sabi kasi ni Tito Bert ang unang palit anyo ng isang taong lobo ay nangyayari pagsapit ng ika labing anim na kaarawan nito. Kakalabing limang taong gulang pa lang nya nung nakaraang tatlong buwan. Kaya naman ang ibig sabihin nito ay halos buong school year syang kailangan gumising ng alas tres ng madaling araw.

Dinampot ni Shean ang kanyang backpack at nagsimulang maglakad patungo sa kanyang paboritong tambayan. Narating nya ang isang puno na napapaligiran ng iba't ibang uri ng bulaklak. Sa di kalayuan naman ay matatagpuan ang isang batis. Inilabas nya ang kanyang libro mula sa loob ng kanyang backpack at saka isinabit iyon sa tangkay ng puno. Umupo sya sa damuhan at isinandal ang likod sa katawan ng punong iyon. Ibinuklat nya ang libro sa pahina kung saan may bookmark. Lubos na gumagaan ang pakiramdam ni Shean tuwing binabasa nya ang paborito nyang libro at nakikinig sa huni ng ibon at lagaslas ng tubig. Nasa kalagitnaan ng kanyang pagbabasa si Shean nang may pumukaw sa kanyang atensyon. Nakalanghap sya ng iba't ibang uri  ng aroma at nakarinig ng mga kaluskos sa di kalayuan. Mga kaluskos na alam nyang hindi hayop ang may gawa.

Napasinghap sya.

-That scent.

Nanlaki ang mga mata ni Shean.

-Is it... Is it possible to have other werewolf hanging around?;

-Of course it is. Duh??? What do you think, ikaw lang at si Tito Bert ang werewolf dito sa Pilipinas? Dito sa Mundo?

-Edi okay. Edi ibang werewolf na yun. Pero that creature is not alone. I can smell another scent aside from that scent..

-Tama ka Shean. That creature is not alone. And I can smell danger in the air. I can smell the scent of those nasty VAMPIRES.

The Mateless WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon