Nagring ang phone ni Papa bert bago pa man kami nakarating sa Registrar office. Sinagot yun ni Papa Bert.
"Sorry Shean but I have to go. Emergency" sabi sakin ni Papa Bert pagkapindot ng end button sa phone nya.
"Okay po Papa Bert. Mag-ingat po kayo"
"Sige, iha. Pasensya ka na ha. Gusto talaga kita samahan ngayon. Bueno, mag-ingat ka ha!" hinalikan ako ni Papa Bert sa pisngi atsaka umalis. Dumiretso naman ako sa Registrar Office. Kinuha ko ang class sched ko.
Tumingin ako sa suot kong relo. Regalo sa akin yon nina Mommy Garet noong nakaraang birthday ko. Alas syete pa lang. Maaga pa. Alas syete y medya pa ang simula ng klase ko. Pero mas maganda ng maaga ako. Pangit malate sa unang araw ng school.
May nakita akong isang estudyanteng babaeng naglalakad. She's a wolf. Pero mukha naman syang mabait hindi katulad ng mga nakatambay sa park kanina. Nakasuot sya ng salamin na kasing kapal ata ng pader habang ang bangs nya naman ay halos takpan na ang buong mukha nya. Nilapitan ko sya.
"Ahh miss, alam mo ba kung saan yung room ng III-Japan?" tanong ko sa kanya.
Tumango sya sakin. "Doon din ang punta ko. Kung gusto mo, sumabay ka na sakin" sabay ngiti nya sakin. Doon ko nalaman na nakabrace pala ang mga ngipin nya.
Mukhang syang typical na nerd but I bet she's beautiful kapag naayusan.
Ngumiti din ako sa kanya. "Sige! Ako nga pala si Shean. And you are...?" inilahad ko ang palad ko sa kanya.
"I'm Colleen" pakilala nya sa akin at nagshake hands kami.
Magkasama at masaya naming inakyat ang second floor. Nasa taas lang pala ng Registrar Office ang III-Japan. Panay kwentuhan lang namin habang inaakyat ang hagdan. Masarap kausap si Colleen kaya naman nag-enjoy akong kausap sya. Nalaman kong fourteen years old pa lang si Colleen. Maaga syang nag-aral kaya naman sa edad na fourteen years old ay fourth year high school na sya.
Natigil ang tawanan namin ni Colleen nang may humarang sa dinadaanan namin. Sabay kaming napatingin ni Colleen sa babae. Nakapameywang pa ito at sya...
...yung babaeng nakapink na lace kanina.
"Look friends oh! The half bloods are together!" sabi ng babaeng nakalace ng pink. She's talking with the two girls beside her. Yun din yung mga babaeng kasama nya kanina sa park.
Half bloods? Ibig sabihin...
Napalingon ako kay Colleen. Nakita kong nakayuko lang sya.
"I think, friend, you mean the 'LOSERS' are together!" sabi ng isang babaeng hanggang balikat lang ang buhok. Nagquotation gesture pa yung babae sa salitang losers. Nilapitan nya si Colleen. She cup Colleen's chin and lift it up.
"Ang pangit mo talaga!" hinigpitan nya pa ang pagkakahawak sa baba ni Colleen. "How dare you to say that you and Tristan are mates! In you're dream, nerdy bastard! Kami ni Tristan ang nababagay sa isa't isa! At hindi ikaw!!!" pagkatapos ay sinampal nya si Colleen. Bumagsak si Colleen sa sahig. I'm shock. I never expected na ganto kabrutal tong mga babaeng to. Hindi agad ako nakagalaw or nakapagreact sa ginawa nung babae. Lumapit ulit ang babae kay Colleen and forward her left foot right in front of Colleen.
"Kiss my foot!" sabi ng babae. Umupo ng maayos si Colleen. Hinawakan nya ng dalawang kamay ang paa ng babae at unti-unting nilapit ang mukha nya dito para halikan. Nakita ko ang mga patak ng luha ni Colleen sa sahig. Well, siguro kahit ako ang tratuhin ng ganyan ay iiyak din ako.
Sinipa ko ang paa ng babaeng sumampal kay Colleen. "Tumayo ka nga dyan!" I lift Colleen up and drag her. Nabunggo ko pa ang babaeng sumampal kay Colleen at yung babaeng nakapink lace sa balikat as we passed their group. Or should I say binunggo ko talaga. Wala akong pake kahit magalit pa sila sa ginawa ko at bullyhin din nila ako. I don't care. Hindi tama ang ginawa nila kay Colleen.
"Saan ang CR dito?" tanong ko sa kanya.
"Sa dulo" maikling sagot ni Colleen. Basag ang boses ni Colleen. Ilang hakbang pa ay natanaw ko na ang sign ng lady's comfort room. Lumiko ako at pumasok sa CR kasama si Colleen. Thank God dahil walang ibang tao sa CR. Nilock ko ang pinto.
"What was that?!" sabi ko sa kanya.
"Anong i-i--ibig mong sabihin?"
"Bakit mo hahalikan ang sapatos ng bruhang yon?! Bakit hinahayaan mong ganun-ganunin ka nila?! Lagi ba nilang ginagawa yun sayo??"
"Yup. Since day one. Akala mo ba gusto ko yung ginagawa nila sakin?? Of course not! Pero wala akong magawa! Ano ba ang laban ko sa kanila?? I am just a half blood with no pack"
"So what?? Kaya ka nila kinakaya-kaya dahil yon ang pinapakita mo sa kanila! I am a half blood too. And I don't also have that god damn pack! I don't even smell like wolves do. But, you know what, I won't let them do those things they did to you to me!" sabi ko sa kanya.
I know may impact sa kanya ang mga sinabi ko. I can see it. Medyo nakakaguilty nga lang dahil sinabi kong half blood ako kahit hindi naman yon totoo. I put my hands in both of her shoulder.
"Come with me after school. Papa is teaching me on how to fight. Sa tingin ko naman ay hindi naman masama kung dalawa tayong tuturuan ni Papa" sabi ko sa kanya. Gusto kong tulungan si Colleen. Ayokong mabully pa sya ulit. She's too kind and generous para gawin ang mga yon sa kanya.
"Talaga?"
"Yep. But in one condition"
"Ano naman yun?" sumisibing sabi ni Colleen. Nakakatuwa syang tignan. Mukha syang batang napagalitan ng magulang. But I'm pretty sure that this young lady in front of me will grow into a very fine and beautiful woman someday.
"Kung titigil ka ng umiyak dyan at ipropromise mo sakin na hindi ka na magpapaapi sa mga bruhang yun" Colleen's face lightened. At niyakap nya ako ng mahigpit.
"Promise!"
Niyakap ko din si Colleen pabalik. "Okay. But hindi pa mamaya. Magpapaalam muna ako kay Papa". Matagal ko ng gustong magkaron ng nakababatang kapatid and because of Colleen I feel that I have found one.
BINABASA MO ANG
The Mateless Wolf
WerewolfOrdinaryong buhay. Yan ang pangarap ni Shean. But she's no ordinary. Hindi karaniwan ang kanyang lakas, ang kanyang bilis, ang linaw ng kanyang mata, ang talas ng kanyang pang- amoy at pandama. At may isang nilalang na naninirahan sa kanyang pagkata...