Tapos na ko magreview. Salamat sa mokong na yun. Insert sarcasm here.
Hayyy. Bakit kasi wala si Colleen ngayon e. Sana mas mabilis akong natapos sa pagrereview. Bakit ngayon pa kasi nagbakasyon ang pamilya ni Colleen e. Huhu!
Tumingin ako sa relo na suot ko. Mag-aalas syete na pala and as usual madilim na ang kapaligiran. Anong oras na kaya ako makakauwi nito? Dalawang oras pa ang byahe mula sa school pauwi. Dinukot ko ang cellphone ko na nasa shoulder bag ko.
Tinext ko si Papa Bert. Magpapasundo ako. Sinabi ko na dun nya ako sunduin sa coffee shop sa tapat ng mall na hindi naman kalayuan sa school. Medyo nagugutom na kasi ako e. No mali pala. Gutom na talaga ako. Naglalakad na ko ng biglang umihip ang hangin. Nakahalo sa hangin ang hindi pamilyar na amoy. Amoy na alam kong hindi gawa ng lobo or bampira at sigurado din akong hindi tao dahil wala namang amoy ang mga ordinaryong tao. Nagtayuan ang mga balahibo ko. Nakaramdam ako bigla ng kaba at takot. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na nasa panganib ang buhay ko at hanggang ngayon ay hindi ko kilala kung sino.
Nasisiguro kong sinusundan ako ng taong may dala ng amoy na yun. Naririnig ko din kasi ang mga yabag nya saking likuran. Hindi ko lang magawang lingunin sya dahil ayaw kong maghinala lalo sya sakin.
Paliko na ko ng biglang may humablot sa akin. Bigla akong kinabahan. Hindi pa din nawawala ang amoy na kanina pa nagpapakaba sakin. Mabuti na nga lang at sigurado akong hindi sa humablot sakin nanggagaling yung amoy na yun. Wala kasing amoy yung humablot sakin kaya naman sigurado akong tao lang ang humila sakin. Nandidito ako ngayon sa isang masikip at madilim na eskinita habang takip takip ng estranghero ang bibig ko.
Naghihintay akong sabihin nya saking 'holdap to, wag mong subukang sumigaw kundi papatayin kita'. Ngunit hindi yun ang sinabi nya.
"Shhh. Wag kang maingay" bulong sakin nung lalaki. Malambing ang pagkakasabi nya bagamat nandun pa din ang manliness nya.
Nasa panganib ka na nga lahat lahat yan pa din ang inuuna mo? Bakit hindi mo muna kaya unahin alamin sino yang humablot sayo? Sabi ni Rica sakin. Ang pakielamerang lobo.
O sya sya. Wag mo na lang akong sermunan. Sabi ko pabalik sa kanya.
Lumingon ako para tignan kung sino ang humila sakin ditto sa makipot at madilim na lugar na to pero bago nko pa naman magawa yun ay ipinilig nya ako papunta sa mas madilim na bahagi ng eskinita. Hindi na ko pumalag pa dahil mas lalong lumakas ang amoy na yun palantandaan na malapit lang ang lalaking may dala-dala ng amoy na yun.
Maya-maya ay nawala na din ang amoy na yun at nakahinga ako ng maluwag. Ibig kasing sabihin nun ay wala na yung taong sumusunod sakin.
"Marami nga po palang sala---" sabi ko pagharap ko sa lalaking sumagip sakin. Ngunit laking gulat ko ng pagharap ko ay kilala ko pala sya.

BINABASA MO ANG
The Mateless Wolf
LobisomemOrdinaryong buhay. Yan ang pangarap ni Shean. But she's no ordinary. Hindi karaniwan ang kanyang lakas, ang kanyang bilis, ang linaw ng kanyang mata, ang talas ng kanyang pang- amoy at pandama. At may isang nilalang na naninirahan sa kanyang pagkata...