-What?! VAMPIRE???
-No Shean. It's Vampires. There are 3 of them. Sa tingin ko ay pinagtutulungan nila ang kauri natin! I think we should follow the scent and help that werewolf.
-F*ck Rica, no way! Are you kidding? Pano kung mapaano tayo don? I don't wanna die. Yet. I think we should go home and tell Tito Bert what just we have smell. And let him handle the situation.
-Look Shean. Gano kalayo ang bahay ni Tito Bert dito? Sa tingin mo ilang oras bago ka makarating don? Baka pagdating ni Tito Bert ay patay na iyong taong lobo na yon. Pano kung may pagkakataon pala tayong tumulong pero hindi natin ginawa? Pano kung may tao palang pwedeng magligtas sa mga magulang mo pero hindi nila ginawa? Ano ang mararamdaman mo?
Parang binuhusan ng yelo si Shean sa mga sinabing yun ni Rica.
-Ok fine. We will go there. Pero pano natin sya matutulungan? Hindi pa ako ganun kalakas. I haven't been able to shift yet..
-Bahala na Shean. We have to go there now.
Tumakbo ng mabilis si Shean. Nakarating sya sa tapat ng isang puno ng kaymito. Sapat lang ang layo ng kinaroroonan ng punong iyon upang marinig at makita ng kanyang matatalas na mata at tenga ang mga kaganapan sa mga nilalang na pumukaw ng atensyon nya kanina. Dali daling inakyat nya ang puno. Humanap si Shean ng magandang pwesto at ikinumportable ang sarili nya.
-Magmanman muna tayo bago gumawa ng anumang hakbang. Siguro naman ay hindi nila malalaman na andito tayo. Shocks! What if they detect our scent here?
-We don't have scent, right? Kaya nga napagkamalan tayo ni Tito Bert na ordinaryong tao nung una natin syang nakilala diba? So, don't you worry girl."
*FLASHBACK in Shean's POV*
*dingdong*
Lumapit ako sa gate at binuksan iyon. Isang lalaki ang tumambad sa akin. Bagamat makisig at may itsura ang ginoo ay mahahalata ang iilang wrinkles sa noo at sa gilid ng mga mata nito.
"Sino po sila?" tanong ko sa lalaking nakatayo sa labas ng gate.
"Ako nga pala si Bert. Bert Reyes. Maari ko bang makausap ang anak nina Mr. at Mrs. Mendoza?"
Oo nga pala. Sya siguro yung tinutukoy ni Dad sa sulat.
"Ako po ang anak nina Mommy Garet at Daddy Benji."
Bakas ang pagtataka sa mukha nito.
"Sorry, iha. Hindi ko alam na nagkaanak pa pala sina Garet at Benji. Wala silang nabanggit sa akin. I am referring dun sa ampon nila. Yung anak ni Victor. Victor Reyes"
Ako naman ang nagtaka ngayon.
"Hindi na po nagkaanak sina Mommy Garet at Daddy Benji. Ako po yung nag-iisang ampon nila."
Lalong nagtaka ang kausap ko.
"Look, iha. Hindi naman ata tama na biruin mo ng ganyan ang nakakatanda sayo. My time is precious. So, please. Pakitawag na lang ang anak nina Benji."
"Look din po Sir. My time is also precious. At wala po akong oras makipagbiruan sa inyo. Hindi ko po alam kung bakit ayaw nyong maniwala na ako nga ang anak ni Victor na inampon nina Daddy Benji. Pero kung ayaw nyo po maniwala ay wala na akong magagawa don."
Shocks. Ano bang meron sa taong to? Bakit ba ayaw nyang maniwala na ako yung taong hinahanap nya.
Nanlaki ang mata ko sa narealize ko.
BINABASA MO ANG
The Mateless Wolf
WerwolfOrdinaryong buhay. Yan ang pangarap ni Shean. But she's no ordinary. Hindi karaniwan ang kanyang lakas, ang kanyang bilis, ang linaw ng kanyang mata, ang talas ng kanyang pang- amoy at pandama. At may isang nilalang na naninirahan sa kanyang pagkata...