Chapter 6

357 15 1
                                    

Sorry po sa late upload ng Chap 6. FYI lang po, yung mga words/paragraphs/phrases na naka'italic' at walang - sa unahan ay mga thoughts ni Shean for herself. Meaning sa sarili nya lang po yun sinasabi. While yung mga naka'italic and bold po na may (-) yun yung mga words/paragraphs/phrases na sinasabi ni Rica to Shean. And yung mga  words/paragraphs/phrases na naka'italic na merong (-) sa unahan, yun po yung mga sinasabi ni Shean kay Rica. Sana hindi po kayo naguluhan. Happy reading guys. :)

************************************************************************************************************

"Ako na po, Tito." I stand up to open the door. Dalawang lalaking nasa edad fortys ang bumungad sakin.

They're both wolves of the same pack.

"Ano pong kailangan nyo?"

"Ako nga pala si Jason at ito naman si Rowel. Mga kaibigan kami ni Robert. Andyan ba sya?" pakilala ng lalaki.

He must be the Alpha. And the other one must be the Beta.

"Tito Bert, may-"

"Oo, narinig ko. Sige, iha. Papasukin mo sila" sabi ni Tito Bert.

Niluwangan ko ang siwang ng pinto.

"Pasok po kayo" sinamahan ko sila hanggang sa sala. Umupo si Jason sa single couch sa kanan ni Tito Bert habang si Rowel naman sa kaliwa. Pumunta ako sa kusina para maghanda ng meryenda ng mga bisita.

"Pare, gusto ko sanang magpasalamat sa pagtatanggol mo sa anak kong si Christof. Kung hindi dahil sayo, siguro ay napatay na ng mga bampira ang anak ko" sabi nung Rowel.

-Ang tinutukoy siguro ng lalaking yun ay yung taong lobo kanina sa gubat.

-Siguro nga Rica

So, Christof. Christof pala ang pangalan ng taong lobo na iyon.

"Wala yun pare. Siguro ay kahit ako o sinumang kauri natin ang makita nyong nangangailangan ng tulong ay ganun din naman ang gagawin nyo" sabi ni Tito Bert.

"Kahit na. Salamat pa din pare. Nga pala, sinu iyong dalagang nagbukas ng pinto? Ngayon lang namin sya nakita" tanong nung Rowel. Kumukuha ako ng biskwit sa kabinet at inilagay iyon sa tray katabi ng mga baso at pitsel na tinimplahan ko ng orange juice.

"Ahhh. That's Shean. Anak ko sya" narinig kong sabi ni Tito Bert. Hindi naman kalayuan ang kusina kaya naman rinig na rinig ko ang mag pinag-uusapan nila.

A... Anak?? Ano ba tong pinagsasabi ni Tito Bert?? Bakit nya ako ipinakilalang anak nya??

"Pero bakit hindi ko masense ang pagiging taong lobo nya?" kunot noong tanong nung Jason.

"Ahhh... ano kasi...." napakamot sa ulo si Tito Bert halatang hindi nya alam ang isasagot nya.

The Mateless WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon