Chapter 9

359 18 2
                                    

[Krrriiiinggg]

Yun na ang tunog na kanina ko pa hinihintay. Ibig sabihin kasi nun ay uwian na. Kanina pa ko bored na bored dito sa school. Kanina ko pa gusto umuwi. Wala kaming ibang ginawa kundi magpakilala sa isa't-isa mula sa unang subject hanggang sa huli. Maliban kay Colleen ay wala na din akong naging kaibigan. Napansin ko na walang gustong lumapit sa amin ni Colleen, ang iba pa nga ay lumalayo tuwing nilalapitan ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero wala na kong pake. Kung ayaw nila sa akin, ayaw ko na din sa kanila! Oo, gustong magkaron ng circle of friends sa school na to pero anong magagawa ko kung sila mismo ang lumalayo sa akin? Wala naman akong nakakahawang sakit para layuan nila.

Pag-uwe ko ng bahay ay naabutan ko si Papa Bert sa sala na nanunuod ng TV. Nagmano ako sa kanya at tinabihan ko sya sa couch. Sinaluhan ko sya sa panunuod ng TV.

"Hmmmmm. Anong kailangan mo Shean" sabi nya habang ang kanyang atensyon ay nasa TV pa din.

"Ahhh. Papa, bakit hindi po kayo sumali sa Pack nina Tito Jason? Ayaw po ba nila o ayaw nyo po?" panimula ko. Well, nagtataka din naman kasi ako kung bakit sa tinagal tagal ni Papa Bert dito sa lugar na to, e mas gusto nyang mag-isa dito sa kagubatan kesa sumama sa pack nila Tito Jason.

"Ayaw nila at ayaw ko. Lalo na ngayon."

Huh? Bakit naman ayaw isali nila Tito Jason si Papa sa pack nila? Kung tutuusin malaking tulong si Papa Bert sa kanila kung sakali dahil sobrang lakas ni Papa Bert. Mas maproprotektahan ang pack nila Tito Jason kung sasali si Papa sa pack nila. Hindi kaya may alitan sila?

"Bakit naman po Papa? Hindi nyo po ba namimiss na maging member ng isang pack?"

"Syempre namimiss ko, iha. But my loyalty will stay forever with my pack before. Your dad's pack, I mean. For me, that is the best pack ever. And Jason will not allow me in his pack, I am a great threat for him"

"Bakit naman po? Hindi ko maintindihan Papa"

"You know, iha. To be the Alpha of the pack you must be the strongest and bravest. That's why I will be a threat to Jason. I can get his position anytime I want. My strenght is far from his"

Hmmmmm. Medyo mahangin din pala tong si Papa Bert e.

"Weh??" tanong ko sa tonong yung-totoo-Papa?

"Haha. Hindi naman sa pagmamayabang, iha, pero totoo yon. Our pack used to be the strongest pack ever. Each members' strenght and skill is comparable to an Alpha. Naiimagine mo ba kung gaano kalakas ang pack namin ng Daddy mo noon? I am the Beta's son that time. That's why I am much stronger than Alpha Jason. And kung ngayon pa ako sasali, mas lalo nila akong hindi tatanggapin kasi ang alam nila ay may anak akong halfblooded. They have already kicked out one of their member dahil isang mortal ang mate nito at nagkaanak sya dito. And he is their former Beta. Kung yung dating Beta nga nila nagawa nilang itakwil dahil may anak na halfblooded, ako pa kaya??"

That's brutal. Dahil lang ang mate ng former Beta nila ay isang tao ay itinakwil na nila to?! Kawawa naman yung former Beta nila. Wait. Could it be...

...Colleen's dad?

"Papa, what does mate means? Parang soul mate? Ganun ba yun?"

I remember the girl who slaps Colleen this morning, saying something about Tristan as Colleen's mate. Tinaasan ako ng kilay ni Papa.

"No Papa! Of course not! I'm just curious" sabi ko kay Papa. I know that Papa is thinking that I have found my mate.

"Yes, iha. Parang ganun nga 'yon. Each and every wolf has their own mate. And once na nakita mo na ang mate mo. Hindi mo na sya papakawalan. You'll do everything you could just to protect your mate. But in some instances, merong mga pagkakataon na nirereject ng isang partner ang mate nila. Lalo na kapag hindi tanggap ng isa ang isa. Hindi ko alam kung paano nila nagawa yon. Ako, hinding hindi ko kayang ireject ang mate ko" bakas ang kalungkutan sa mukha ni Papa.

"Papa, where is she? Your mate, I mean?"

"She's gone Shean. Isa sya sa mga namatay nung sumugod yung Council sa pack house"

"Ohhh... I'm sorry Papa"

"That's okay, iha. Matagal naman ng panahon yon. There are ways to know who's your mate. Pag tungtong ng sixteen ng isang werewolf, sa unang shifting, he/she will see his/her mate in her/his mind. Kung patay na ang mate ng isang wolf bago pa ang unang shifting, what they will see is how their mate died. Kadalasan, mas maagang nalalaman ng mga babaeng werewolf kung sino ang mate nila. When a girl werewolf reach fourteen and look directly in the eyes of her mate, she will feel the spark and goosebumps. And that very moment, she already knew that that guy is her mate"

Ganun pala yun. I also remember the girl insisting that Tristan is also her mate.

"Is it possible to have two mates?"

"No. The moon goddess sets only one pair of werewolf. A man wolf and a lady wolf"

Hmmmm. E bakit sinasabi nung babaeng yun na mate nya din yung Tristan? Feeler naman pala yung bruhang yon e.

"Teka Shean. You have shifted already, right? Do you see him in your mind?"

Binalikan ko yung time na nagshift ako. Wala. Wala naman akong nakitang kakaiba nung nagshift ako. Umiling ako.

"Baka naman pagsapit ng sixteen birthday mo, doon mo makita ang mate mo, iha" sabi ni Papa.

"Ahhh, Papa. Ang totoo po Papa, may dalawa akong gustong hilingin sa inyo. Gusto ko po sanang isama nyo yung classmate ko sa fighting lesson natin after class. Naaawa po kasi ako sa kanya dahil madalas syang mabully sa school because she's halfblooded"

"Hindi naman siguro masama kung tuturuan ko din sya. But make sure that she'll behave. At yung pangalawa?"

"Gusto ko po sanang bumuo ng sarili kong pack. Actually, gusto ko sanang iregain ang dating pack ni Daddy Victor but I think I will just brought us danger. Kaya naisip ko ay bubuo na lang ako ng sarili kong pack. And besides, I wanna know how it feels to be in a pack"

I know Papa didn't expect me to decide such as this but I am really determined to form a pack. Ang totoo, nainspire ako sa sinabi ni Colleen kanina sa CR. I want her to feel how to be in a pack. Kung walang pack na tatanggap samin, edi kami na lang ang bubuo ng sarili naming pack. Isa pa andito naman si Papa Bert. He will be our guide.

"Are you sure with that Shean?"

"Yes Papa. I am very much sure" sabi ko. Saglit na nag-isip si Papa.

"Mukhang hindi ko na ata mababago pa ang desisyon mo, iha. So, sige. We will form our new pack. And beside I think you are very much capable to handle one. We will do the ritual three weeks from now. It is the best to have the ritual when it is full moon"

The Mateless WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon