Azhea Mikaela Mercado's pov
"Hoy ! Ikaw ! Sumakay ka dito ,Sabay ka sakin " sabi ni Azhea , nakita nya kasi yung crush nya naglalakad , ehh nakasakay sya tricycle....
"Ha?? Ako ?? " sabi ni boy , nagtataka sya ehh hindi naman niya kilala yung tumatawag sakanya...
"Oo! Ikaw nga " sabi ni Azhea, para naman tong sira siya lang namn yung tao dito sa kalye tapos tatanungin AKO ?? baliw...
"Uhhhmmmm" sabi ni boy, nagtataka siya...
"Bumababa sa tricycle si Azhea tapos lumapit siya dun sa boy at binatukan niya "
"Aray! " sabi ni boy, sino ba ito di ko naman toh kilala ... tapos kung makapangbatok kala mo close kami...
"Hoy ! Ikaw yung tinatawag ko ! Pinasasakay kita ! Di ba parehas naman tayo ng school " sabi ni Azhea , para naman tong ewan ehh...
"Di nagsasalita si Boy , binatukan uli ni Azhea "
"Di ka talaga mag sasalita ! Ako nga pala si Azhea Mikaela Mercado ... " sabi ni Azhea ... ang weird naman nito !
"Ah Eh Ako nga pala si Zylex Dein Reyes " sabi ni Zylex
"Paano kung sinabi ko sayong may gusto ako sayo , ang tipong gusto ko sa lalaki yung katulad mo hahaha" sabi ni Azhea , hindi siya nahihiyang sabihin kay Zylex na crush niya si Zylex..
"Haaa?? " sabi ni Zylex , ha ang weird namn nitong babaeng tohn !
" Ang gusto ko lang naman magkaroon ng mga limang anak gusto ko magkaroon tayo ng sarili nating bahay .... hahaha pero pagkatapos natin ng pag aaral gusto ko tayo yung magkakatuluyan " sabi ni Azhea ... hindi talaga siya nahihiyang sabihin yun
"Ang weird mo ?! " sabi ni Zylex ... kumamot sa ulo...
"Luh ! Makisakay ka na lang ! " Tara sa tambayan ko ! " sabi ni Azhea
" Pumunta sila sa laging pinupuntahan ni Azhea , Dun palaging natambay si Azhea sa may puno"
"Alam mo dito ako palaging natambay pagkatapos ng klaae dati mag isa lang ako pumupunta dito pero ngayon may kasama na ako at ikaw yun ! :) " sabi ni Azhea ...
"Si Azhea yung tipo ng babaeng hindi nahihiyang sabihin sa crush niya na crush niya to. " Pati ibang klaseng tao rin yan si Azhea siya yung unang mamansin sa crush niya " Ang ASTIG di ba ?? Hahaha "
"And then after so many many months " Naging mag best friend silang dalawa "
" Dude! Tara sa tambayan natin " sabi ni Azhea
"Tara ! " sabi ni Zylex
"Nasa tambayan na sila "
"Dude! Alam may gusto na rin ako sayo " sabi ni Zylex
"Dude !! Hahaha matagal ko ng alam yun diba sabi ko naman sayo tayo yung magkakatuluyan balang araw hahaha :) " sabk ni Azhea , sabay batok kay Zylex...
"Dude ! Alam mo hindi pa kita napapakilala kina Mommy at Daddy ! Sa tinagal tagal nating mag best friend hindi pa talaga kita napapakilala sa Mommy at Daddy ko , Tara sa bahay" sabi ni Zylex...
"Luh nakakahiya naman " sabi ni Azhea...
"Wag ka ng mahiya ! , tara na sa bahay ! sabi ni Zylex sabay higit kay Azhea ...
"Nasa bahay na sila nina Zylex."
"Dad! Mom! " tinatawag ni Zylex yung parents niya
"Zylex bakit?? Ohh Zylex sino yang kasama mong girl" tanong ng Mommy ni Zylex
"Ah Mommy si Azhea po best friend ko " sabi ni Zylex
"Hello po Ma'am " sagot ni Azhea
"Azhea dont call me Ma'am call me Tita Arlene " sabi ng Mommh ni Zylex
" Ahh okay po Tita Arlene " sagot ni Azhea
"Hmm Zylex ... baka naman hindi na yan best friend haha ang ganda naman masyado ng Best friend mo " pabirong sinabi ng Mommy ni Zylex
"Mommy ! Wag nga po kayong ganyan best friend ko lang po yan " sabi ni Zylex...
"Ah Tita promise mag best friend lang po talaga kami " sumabat si Azhea ..
"Mommy si Daddy nasan ?? " tanong ni Zylex
"Nasa office pa ehh .." sagot ng Mommy ni Zylex ...
"Azhea dito ka na kumain ng dinner " sabi ng Mommy ni Zylex
"Ah sige po Tita " sabi ni Azhea
"After the Dinner "
"Mommy ihahatid ko lang po si Azhea sa bahay nila " sabi ni Zylex..
"Sige anak ! Ingat kayo ." Sabi ng Mommy ni Zylex...
"Sa bahay nila Azhea "
"Dude ! Thank you ha! " sabi mo Azhea
"No problem Dude !" sabi ni Zylex
"Thank you ulit Dude Bye ... Ingat " sabi ni Azhea .
"And then after a month , ang dami ng mga kalokohan ang pinag gagawa nila , nagcucutting classes na sila "
"Dude ! Tama na tong ginagawa natin mapapagalitan na tayo ng mga parents natin !.. " sabi ni Zylex
"Dude ! Hindi yan , mageenjoy lang tayo.. " sabi ni Azhea
"ZYLEX !" sigaw at galit na tinawag si Zylex ng Daddy niya !
Lumapit si Zylex sa Daddy nya ...
" Ikaw bata ka pinapapasok ka namin sa school para may matutunan at hindi para maglakwatsya at gumala , at sino naman yang kasama mong babae !?? " galit na galit na pinagsasabihan si Zylex ng Daddy niya ...
"Dad ! Tama na ! Best friend ko po yun " sabi ni Zylex
"Hoy ! Ikaw ! Di ba best friend ka ng anak ko ??? Kababae mong tao sumasama ka sa kalokohan ng anak ko imbis na maging good influence ka sa anak ko ! " galit na galit nasinabi ng Daddy no Zylex..
"Sir ! Hindi po ako teacher ng anak niyo para ipaliwanag sa kanya ang mga dapat niyang gawin wala naman po akong sinabi sa anak niyo na sumama siya sakin ! At hindi po ako BAD INFLUENCE sa anak niyo ! " galit na pasagot na sinabi ni Azhea ...
"Aba! Sumasagot ka pang bata ka ! " galit na sinabi ng Daddy ni Zylex ...
"Dad ! Tama na " sabi ni Zylex
( Hinila ni Zylex si Azhea at umalis na lang silang dalawa )
*Pumunta sila sa tambayan nila *"Azhea ! Dude ! Sorry nga pala sa mga pinagsasabi ng Daddy ko " sabi ni Zylex..
"Ehh siraulo pala yang tatay mo ehhh sumbatan ba naman ako sino ba siya " galit na sumagot si Azhea
" Sorry na nga ehh !" Sabi ni Zylex..
" Oo na ! Mabuti na lang best friend kita kung hindi uupakan ko na yung tatay mo ehh " pabiromg sinabi ni Azhea
"Dude chill lang hahaha " sabi ni Zylex ..