Chapter 1

2.7K 67 21
                                    

(The whole chapter will be narrated in third person's point of view but the next chapter will be Ashleigh's POV and so on.)

Chapter 1: Surprise




"Mommy! Mommy! Niaaway ako ni Coler!" umiiyak na sumbong ng batang si Ashleigh sa kaniyang ina.

Si Coler ay dose anyos na samantalang si Ashleigh ay limang taong gulang pa lamang. Nasa garden lamang ang panganay ni Samantha at nagbabasa ng libro nang gambalain ito ni Ashleigh.

"Hm? Nako, hindi pwedeng mag-away kayo kasi soon, magiging mag-asawa na kayo!" paalala ni Ashley, as if na naiintindihan na ito ng kaniyang anak?

Binuhat ni Ashley si Ashleigh papunta kay Coler na mukhang bad mood na.

"Coler, nak.. ikaw naman muna ang magbantay kay Ashleigh, marami pa kasi kaming gagawin ng Mommy mo e.." sambit ni Ashley at ibinaba ang anak niya sa tabi ni Coler.

"May mga Yaya naman diyan, Tita.. sa kanila na lang po."

"Eh may ginagawa rin sila, sige na.. ikaw na muna ang bahala sa baby girl ko ah? Ikaw naman, huwag kang magpapasaway kay Coler!" paalala niya sa kaniyang anak at hinalikan muna ang matabang pisngi nito bago umalis.

Sila na lang ang natira doon at wala ni isang nagsasalita. Nakaungkot lang si Ashleigh doon at pinagmamasdan ang lalaking nasa tabi niya, patuloy pa rin ito sa pagbabasa.

"Coler.. play tayo," yaya ni Ashleigh kay Coler at hinihila nito ang dulo ng T-Shirt niya. Nilingon ito ni Coler, ngumiti bigla ang batang babae dahilan para makita niya ang ngipin nitong bungi.

"No, go play with Allison." Ibinalik nitong muli ang atensyon sa kaniyang libro.

Si Allison ang pangalawang anak ni Dale at Samantha, kasing edad lang ni Ashleigh. Kahit bata pa ay mahilig na ito sa pang-kolorete ng mukha. Lagi pa nitong pinapakialaman ang make-up kit ng kaniyang Mommy.

"No! Ayaw, she'll put that red thing to my lips again!" Tinutukoy nito ang lipstick.

Si Ashleigh ang laging pinagtitripan ni Allison, minimake-upan niya ito lagi na kunware ay isa siyang make up artist at customer niya si Ashleigh. Umaayaw lagi si Ashleigh dahil nagmumukha lang siyang mangkukulam tuwing inaayusan siya nito ngunit wala naman siyang magawa, tinatakot siya nito na magkakaroon siya ng bad dreams kapag hindi siya pumayag na make-upan siya nito.

"Then play with Berry."

Si Berry naman ang bunsong anak nina Dale at Samantha. Ito naman ang pinakamakulit sa tatlong magkakapatid. Isang araw nga ay nadatnan ito ni Samantha sa kwarto na sinisira ang lahat ng mga diaper niya, pati mga wipes ay hindi niya pinatawad. Kaya 'yon, lagi itong may dalawang bantay.

"No, she's makulit! I want you, Coler! Play na tayo," pangungulit nito at ngumuso pa para magpacute.

Napapikit nang mariin si Coler, kailan ba siya hindi mahahighblood sa batang ito? Ngunit may magagawa pa ba siya? Hindi rin siya titigilan nito kapag hindi siya nasunod.

"Fine. Ano bang laro?" pagsuko ni Coler dahilan para magtitili si Ashleigh sa tuwa.

"I want that bahay-bahayan, you're the Daddy and I'm the Mommy!" masayang sambit ni Ashleigh dahilan para mapanganga si Coler.

"What? No."

"Why? It's easy! We'll just do what Mommy and Daddy do!" dagdag pa nito at saka nag-isip. "Hmm, ano nga nigagawa nina Mommy? Ah! I heard Daddy said to Mommy that they'll make a baby so I will have a playmate! Let's make a baby too!" tuwang tuwa pa nitong sabi na nakapagpalaki ng mata ni Coler.

Arranged Marriage ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon