Chapter 3

1.4K 56 4
                                    

Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang pagtama ng init sa mukha ko. Pagkabukas ng mga mata ko ay dumirekta agad iyon sa labas ng bintana. Tanghali na pero wala akong balak na bumangon. Masarap ang higa ko ngayon. Gusto ko pang matulog.

Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata at matutulog na sanang muli nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo. Naamoy ko ang sabon na panlalaki.

"Wake up, you should go home." Boses iyon ng lalaking pinakamamahal ko. Napangiti na lang ako habang nakapikit pa rin. "Ashleigh." Hindi parin ako kumibo. Ayoko pang umuwi, susulitin ko muna ang oras na 'to.

Niyakap ko pa ang unan na nasa tabi ko at inamoy iyon. Amoy Coler, ang bango!

I heard him sighing. "You really are a brat." Alam ko naman na alam niyang gising na ako.

Hindi ko parin iyon pinakinggan at dinama ang pagkakayakap sa unan niya. Naiimagine ko na siya ang kayakap ko ngayon. Tapos yakap niya ako. Muli na naman akong napangiti sa isipin na iyon.

Nasa kalagitnaan ako ng kalandian ko nang marinig kong magring ang phone niya. Binuksan ko ang isang mata ko at tumingin sa gawi niya. My eyes widened, he was topless! Gosh, kakatapos niya lang maligo at nagpupunas siya ng buhok. Good thing nakatalikod siya sa akin kaso hindi ko makita ang mga pandesal niya!

"What?" sagot niya sa tawag. Ang sungit talaga nito. Hindi man lang nag-hello. "Hm, yeah.. I'm on my way." Binaba na niya ang tawag.

Muntik na akong matawa. Anong on my way e hindi ka pa nga nakakapagbihis! Hindi lang pala 'to masungit, sinungaling din! Pero ganon din naman ako, kapag may gimik kaming magbabarkada at maliligo palang ako, sinasabi kong on the way na ako. Bagay talaga kami.

"You're awake. Will you please get up and leave?" aniya nang mahuli akong dilat na dilat. Pipikit na sana ako upang magpanggap na tulog ulit kaso nakita ko ang kanina ko pang inaasam-asam. Nakaharap siya sa akin at kitang-kita ko ang yummy niyang pandesal!

Ano kayang pakiramdam na hinahawakan 'yon? Ano kayang pakiramdam na sinusundot-sundot 'yon? Matigas kaya? 'Yung pandesal niya..

"Are you raping me on your mind?" Kunot na kunot na ang noo niya ngayon. Paano ba naman e titig na titig ako sa tinapay niya. Kulang nalang talaga e kape!

Ngumiti ako. "I feel so comfortable here, can I  sleep here again later?" Nagpacute pa ako sa harap niya. Alam kong hindi niya matitiis ang cuteness ko. Walang nakakatiis sa akin.

"No."

Maliban sa kaniya.

Pababa na ako ng hagdan habang siya ay nasa likod ko nang makita kami ni Tita Sam.

"Leigh?" Tinignan niya naman si Coler at nanlaki ang mata. "Coler, oh my gosh! Hubby! Come here!" Tita Sam was panicking. Anong nangyayare? Tinignan ko si Coler pero wala rin siyang clue kung anong nangyayare sa mama niya.

"What is it?" Dumating si Tito Dale at natigilan nung makita kami. "Shit, Coler! What have you done?!"

"P-po? Ano pongnangyare?" nagtataka kong tanong.

"What do you mean, Dad?" tanong naman ni Coler, nagtataka na rin talaga sa mga magulang niya.

"She's so young.. w-why, baby?" ani Tita Sam habang paiyak na.

Doon na nagsink in sa utak ko kung anong iniisip nila.

"N-no, Tita! Hindi po--

"Son, let's talk." Nauna na sa terrace si Tito Dale, si Coler naman ay sumunod agad.

"Tita, hindi po kasi talaga--"

"Shhh, naiintindihan ko na mahal na mahal mo ang baby Coler ko, Leigh, pero.. parang sobrang aga naman yata, right?"

Arranged Marriage ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon