Chapter 2

1.7K 66 9
                                    

(A/N: Sorry po sa sobrang bagal na update! Sisikapin ko na mapabilis ang pag-update ko. Maraming maraming salamat sa mga patuloy na naghihintay! ❤️)




Ashleigh 's POV


Napunta lahat ng dugo ko sa mukha at nag-init ang ulo ko nang makita ang senaryong nadatnan ko. Coler and Reinalie, his secretary was kissing!

Itinikom ko ang aking kamao at sumugod sa dalawa. "Mga walang hiya kayo! Talagang gagawin niyo pang motel 'to!" sigaw ko dahilan para mapalingon sila sa akin. Parehong nanlaki ang mata nilang dalawa.

"M-Ma'am.." natatakot na wika ng malanding sekretarya habang nakatingin sa akin na papalapit.

"Malandi!" sigaw ko at sinampal siya. Alam ng lahat dito na mahal ko ang boss nila at lahat ng aagaw ng pag-aari ko ay mananagot!

Si Coler naman ay naupo lang sa upuan niya na parang walang pake. Hinarap kong muli ang babaeng umahas sa mahal ko na ngayon ay umiiyak na sa takot.

"S-sorry, ma'am.. h-hindi na po mauu--"

"Talagang hindi na 'yon mauulit!" nanggagalaiti kong sigaw at tumingin kay Coler. "I want you to fire her! Now!"

Tumingin lang siya sa akin. "Why? Sino ka para sundin ko? Sino ka para utusan ako?" aniya na nakapagpatigil sa akin. Nang tignan ko ang kaniyang sekretarya ay hindi na ito umiiyak, bagkus ay nakangisi na ito.

Mas nanggalaiti ako sa galit. "Pero nilalandi ka niya! Palayasin mo siya dito! Ngayon na!"

Umiling lang siya. "Ikaw ang umalis. Leave my office now, Ashleigh." Parang dinurog ang puso ko sa sinabi niya. Ako ang paaalisin niya dito sa opisina?!

Sinamaan ko nang tingin Reinalie. "We're not done yet," banta ko at saka padabog na umalis doon. Naiirita ako! Naiinis ako! Manhid ba si Coler para hindi niya mapansin na nagseselos ako?! Damn him! Palibhasa ay alam niyang mahal ko siya!

Sa sama ng loob ay hindi ako umuwi sa bahay, dumiretso ako sa bar na laging pinagtatambayan ko.

Nakakainis. Bakit ba laging ganoon sa akin si Coler? Wala na yatang oras o araw na mabait siya sa akin.

Sa gabing iyon ay nagpakalunod ako sa alak dahil alam ko na kinabukasan, kailangan ko muling magtiis.

At ganoon nga ang nangyare, parang wala lang. Pumunta akong muli sa office ni Coler, gusto ko pa rin makasiguro, kung ayaw niyang tanggalin ang sekretarya niya then babantayan ko na lang siya.

Ngunit kumunot ang noo ko nang madatnan ko siya sa office niya at may kasamang isang babaeng medyo may edad na. Sino naman ito?

"Just call me, Mr. Smith if you need anything," ani ng babae at saka umalis, nagbow pa ito sa akin bago siya umalis.

"Sino iyon?" tanong ko at naupo sa sofa doon. "At nasaan ang malandi mong sekretarya?"

"That's my new secretary," prente niyang sabi na ikinaayos ng upo ko.

"Then nasan na 'yung malandi mong secretary?"

"Will you just leave my office? Nakaka-istorbo ka, marami akong dapat gawin." Hindi ko siya pinakinggan at lumapit sa kaniya.

"Nasan na siya?"

"I fired her," he said that made me smile. Akala ko ay patatagalin niya pa ang ahas na iyon dito eh.

"That's good." Naupo ako sa upuan na nasa harap niya, nakangisi pa habang siya naman ay seryoso lang na nakatingin din sa 'kin.

"Tss, leave my office, now. I'm warning you, Ashleigh."

Arranged Marriage ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon