"Bakit mukhang malungkot ka diyan?" tanong sa akin ni Cassie nang makapasok ako sa classroom. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi. Iniisip ko 'yung sinabi ni Coler. I know, sinabi kong hinding-hindi ko susukuan si Coler pero hindi ko rin naman alam kung hanggang saan ang kaya ko. Paano kung mapagod ako?
"Wala, napuyat lang ako," sabi ko at pinatong ang ulo sa armchair ko. Ayaw kong sabihin sa kanila 'yung mga sinasabi sa akin ni Coler na hindi maganda, alam kong alam nila na hindi talaga ako gusto ni Coler pero ayaw kong mag-alala sila sa 'kin. Noong nakita kasi nila ako na umiiyak dahil sa mga pinagsasabi ni Coler, halos sugurin na nila si Coler sa bahay nila, galit na galit sila noon sa kaniya at ayaw kong mangyare ulit 'yon dahil sa katigasan ng ulo ko. Baka kasi pati sina kuya Asher e magalit, close na close pa naman sila.
"Weh? Ano nga?" pangungulit pa ni Allison. Isa pa 'to e, hindi talaga 'to titigil hangga't hindi mo sinasabi 'yung totoo. Sarap kuritin sa singit.
"Ewan ko sa inyo." Ipinikit ko na lang ang mata ko para hindi na nila ako istorbohin. At ibinigay naman nila sa akin ang nais kong katahimikan.
Nang dumating na ang teacher namin ay agad kaming nag-ayos ng sarili at nakinig na sa discussion.
Buong klase ay wala talaga ako sa mood pero pinilit kong huwag masyadong ipahalata dahil baka mag-alala lalo itong apat, OA pa naman 'tong mga 'to.
"Sige una na ako, marami pa kaming aasikasuhin sa bahay e," paalam ko sa kanila habang sinusukbit ang bag ko sa kaliwang balikat ko.
"Anong aasikasuhin mo? 'Yung kasal niyo ni Kuya Coler?" ani Shancee kaya't nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman 'yon? Kahapon pa lang iyon pinag-uusapan ah! Nakarating na agad ang balita sa kanila?
"Saan mo nalaman 'yon?" nakakunot noong tanong ko at lumipat ang tingin ko sa katabi niya na nagkakamot ng ulo.
"Nasabi ko, hehe.." wika ni Allison at nagpeace sign pa. Wala naman akong balak na itago iyon sa kanila, nagulat lang ako na alam agad nila.
"Oh, sige na.. need ko na talagang umuwi e. Bye!" Nauna na akong umalis sa kanila at pagkauwi sa bahay ay nadatnan ko si Mommy na may dinudutdot sa iPad niya.
"Hi, My.." lumapit ako sa kaniya upang humalik sa pisngi niya. "Busy?'
"Nandiyan ka na pala. Hindi naman, nagtitingin kasi ako ng mga gown dito." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Gown?!" gulat kong bulalas. Siya naman ay nakangiti lang at ipinakita sa akin ang iPad niya kung saan nakapaskil ang sandamakmak na mga wedding gown.
"These are from my designer friend, pumili ka na riyan ng gusto mo." Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa tuwa o magtatatalon. Talaga kasing tuloy ang kasalan! Pilian na ng gown, e!
"Thank you, My! You're the best talaga!" Hinagkan ko siya at tumingin na sa mga gown doon. Ang kaso ay lahat yata rito magaganda, hindi ako makapili.
Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang pictures ng mga gown, agad kong sinend iyon kay Coler.
To: Future hubby <3
I can't choose, lahat magaganda. Ikaw na lang ang pumili para sakin 😁😁
Naghintay pa ako ng ilang minuto ngunit wala man lang siyang reply. Baka busy?
To: Future hubby <3
Busy ka ba? Reply ka kapag free ka na. Luv u!
Wala talaga siyang reply. Baka busy nga kaya umakyat na ako sa taas ng kwarto ko para magbihis, I just wore a sando and white cotton shorts. Pagkatapos doon ay bumaba na rin ako agad.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage ✓
Teen FictionIt was all because of Samantha and her friend. She want her son to have the same faith as her. So she arranged a marriage for her son. Will their faith be the same? Will Coler accept it? Will he also love his fiancé just like how his Dad loved his...