"Ah basta, gusto ko na sa huli, ang magiging anak ko at anak mo ang magkakatuluyan," sambit ni Samantha sa kaniyang kaibigan.
"Ako rin! So, planuhin na natin ang lahat. Mula pagkabata hanggang sa paglaki ng mga anak natin ay sila dapat ang magkasama," usal naman ng kaniyang kaibigan.
"Irecord natin 'to dali! Para maipakita natin sa mga anak natin na may kasunduan talaga tayo!" suggest ni Samantha at agad namang sumang-ayon ang kaniyang kaibigan.
Inayos nila ang camera at nang magsimula itong magrecord ay tumapat sila dito.
"Ngayong araw, itinatakda namin na ang magiging anak namin ay ang magiging mag-asawa kapag sila ay nasa tamang edad na. Ang sino man sa dalawa na hindi sumang-ayon ay hindi namin mamanahan, ni-isang kusing ay hindi makatatanggap."
Sa sinabing 'yon ay nagkapirmahan ang dalawa.
"Mom! What's this? Ipapakasal ninyo ako sa babaeng 'yan? No the hell way!"
Rinig na rinig sa buong kabahayan ang boses ng panganay na anak ni Samantha, si Coler. Nagwawala ito dahil hindi nito matanggap na siya ay ipapakasal sa babaeng kinaiinisan niya mula pa noong bata siya. Hindi niya ito kasundo dahil sa pagkamakulit non.
"But, iho, you need to! May pirmahan na kami ng Tita mo kaya wala na 'tong atrasan. Gusto mo bang mawalan ng mana?"
"Aish, Mom naman. Sa dinama rami ng babae sa mundo, bakit siya pa? Alam niyo naman na hindi ko 'yon kasundo diba?"
"Pwes, kasunduin mo siya! May oras pa naman anak, napakarami pang oras para magkaunawaan kayong dalawa ng anak ng Tita Ashley mo."
Oo, ang anak ni Ashley ang ipapakasal kay Coler.
"Mom, look, I am 25 and Ashleigh is just 18, she's too young for me!"
"But she's on her legal age too! At saka, pitong taon lang naman ang agwat niyo ah? Anak naman, sumunod ka na lang kay Mommy, okay? Siguradong ito rin ang gusto ng Lola mo.."
Napapikit ng mariin si Coler at napahilot sa sintido. He's now working sa kumpanya ng mga magulang niya at maikakasal siya sa babaeng nag-aaral pa lang.
Hindi niya talaga gusto 'yon pero may magagawa pa ba siya? Kilala niya ang kaniyang ina, hindi siya nito titigilan.
"Fine, fine. Pero ikakasal lang kami kapag may trabaho na rin siya."
Napangiti doon si Samantha, as if naman na mananalo si Coler sa kaniya. "Oo naman! Kaya simula ngayon, ihahatid sundo mo na siya sa school! No buts!"
Hindi na talaga siya nakaangal.
Dahil may magagawa pa ba siya?
Alam niyang gusto lang mangyare ng Mom niya ang nangyare sa kanila ng Dad niya.
Was that even possible? Kung sa kanila ng Mom at Dad niya ay oo, pero sa kanila ni Ashleigh?
'I don't think so.'
(Note: Mas mabuti kung ang babasahin ninyo muna ay ang Book 1 upang hindi kayo malito sa mga ibang tauhan dito sa Book 2 at para malaman niyo kung ano 'yung mga nasimulan na. And if nalilito kayo, Ashley pronounces as Ash-li and Ashleigh is Ash-ley)
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage ✓
Novela JuvenilIt was all because of Samantha and her friend. She want her son to have the same faith as her. So she arranged a marriage for her son. Will their faith be the same? Will Coler accept it? Will he also love his fiancé just like how his Dad loved his...