Chapter 11

565 25 1
                                    

(Start na po dito ang revelations. Hindi ko na patatagalin pa, gusto ko na matapos 'to e para makapagfocus na ako sa Professor Series)

Third Peron's POV

The word happiness will not be enough to describe the bizarre feeling of the groom just by looking at the red carpet that will be passed over by his stunning wife. He can't longer wait to see her. The girl who she hate, the girl who made him crazy.

But just like a normal scenario in an ordinary love story, there will be a conflict.

"Kabado bente," Asher bump Coler teasingly while they wait for the grand entrance of the bride.

The groom just 'tsked' at him, secretly wiping his sweat. Sino ang hindi kakabahan? Limang minuto mula ngayon nagsimula ang kasal ngunit hindi pa rin bumubukas ang bulwagan na papasukan ng bride.

"What if she backed out? What if she changed her mind suddenly and ran away?" bulong ni Coler sa sarili at nilalaro ang mga daliri na ikinatawa ng katabi nito na best man sa kasal niya.

"Siraulo, mahal na mahal ka kaya ng kapatid ko," pagkasabi'y siniko siya nito. "Ayan na pala oh."

Lahat ng tao sa simbahan ay napalingon sa bulwagan ng simbahan. At nandoon, naroon si Ashleigh na nakasuot ng puting-puti na gown.

She look perfect.

Ang kaninang pinipigilan na luha ni Coler ay isa-isa nang nagbagsakan ngayon. He can't take it. Ngayon niya narealize na ikakasal na talaga siya sa babaeng mahal na mahal niya.

As the wedding song played, kasabay nito ang pagsimula ng paglakad ni Ashleigh sa pulang carpet patungo sa harap ng altar.

Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang ay may napansin nang kakaiba si Coler. Ganoon din ang karamihan.

Ashleigh was crying behind the veil. It's not a tears of joy. It's as if she's scared.

"Ashleigh.." bulalas ni Coler at lalapitan na sana ang babaeng pakakasalan niya nang tumigil bigla ang musika, at pagsalita ng kung sino sa mikropono.

"Celebration to the newly wed!" sigaw ng pamilyar na babae.

Pagkatapos nito ay ang pagsulpot ng nagsalita sa bulwagan. Si Ayesha. Ang Isa sa matalik na kaibigan ni Samantha at Ashley.

"Y-Yesh?" hindi makapaniwalang usal ni Ashley at nakatingin sa babaeng lubos niyang pinagkatiwalaan.

"Ako nga!" Ngumisi ito. "Matagal kong kinimkim ang sama ng loob sa inyo! Lagi na lang kayo ang nabibigyan ng atensyon.. Samantha, Ashley, Samantha, Ashley. Tangna paulit-ulit na lang!" Halata sa mga mata nito ang gigil, sakit, inggit at galit.

"Ngayon gusto kong ako naman! Ako naman ang pagtuunan niyo ng pansin!" dagdag nito at nilabas sa kaniyang sling bag ang isang baril.

"M-Mommy.." umiiyak sa gilid ang anak nitong si Yelly. "Please, stop it Mommy ko.. uwi na tayo."

"No!" sigaw nito sa anak niya. "Ikaw dapat ang pakasalan ni Coler e! Ikaw dapat! Anak ko ang dapat na pakasalan ni Coler at anak ko dapat ang magmana ng lahat ng ari-arian ng mga Smith! Kami dapat! Lagi na lang kayong mga De Salve!" Namumula na ang mata nito habang umiiyak at gigil ang hawak sa baril. Itinututok niya ito sa lahat.

"Yesha! Mapag-uusapan naman natin 'to. Kumalma ka muna!" pakiusap sa kaniya ng luhaan na rin na si Ashley.

"Hindi! Hindi ito madadala sa usapan lang!" Bigla itong ngumisi. "Alam niyo bang.. ako ang nagpapatay sa mag-asawang Smith?"

Napakuyom ang palad ni Coler sa sinabi ng kaniyang tinuring na Tita. "What did you just say?" Mababakas ang galit sa mata ni Coler ngunit nagpipigil lamang.

Tumawa si Ayesha. Nakabibinging tawa na animo'y nanggaling sa isang demonyo. "Ako! Ako ang nagplano ng lahat! Ako ang kumalaban sa The Cards at Xcience! Planado ko na ang lahat!"

Napaluhod na lamang si Ashley. "B-Bakit, Yesh? W-We used to be friends. Best friends!" inalala nito ang masasayang araw nila ba magkakasama.

"Kayo 'yon! Kahit kailan hindi ko kayo itinuring na kaibigan. Lalo na 'yang tangnang Samantha na 'yan! Mabuti nga at napatay ko na e!"

"Inggit ka.. naiinggit ka sa 'min.." wika ni Ashley.

"Mabuti naman at nakuha mo na! Oo, naiinggit ako sa inyo kasi lagi na lang kayo! Bakit hindi pwedeng ako naman?"

Sinamaan siya ng tingin ni Ashley at tumayo. "Nagkandaletse-letse ang buhay namin dahil lang sa kainggitan mong shuta ka?! Inggitera ka pala! Lintek ka, namatay yung kaibigan ko dahil sa kabaliwan mong hayop ka! Sana ikaw na lang ang namatay! Mamatay ka na bwisit ka!" gigil na saad nito at akmang susugurin na nang pigilan ito ng asawa niya.

Ngumisi lang si Ayesha. "Sorry not sorry, kayo ang mamamatay." Binalingan nito ng tingin si Ashleigh na nakatayo pa rin sa gitna at tahimik na umiiyak. "Nakikita niyo ba 'yan?" Tinuro nito ang nasa likod ni Ashleigh. May kung anong bagay na nakakabit sa likod ng gown nito na nagmimistulang timer. "Tatlong minuto na lang. Sasabog tayong lahat dito."

Ang lahat ay biglang nagkagulo sa simbahan. Lumapit ang mga ito sa pintuan na pwedeng labasan ngunit lahat ay nakalock. Plano. Wala silang kawala.

"Ayesha! Stop this bullshit!" desperadang sigaw ni Ashley at humahagulgol na. Ngunit tawa lang ang isinagot sa kaniya ng dating kaibigan.

Si Coler naman ay agad na tumakbo palapit kay Ashleigh. "Shit! Are you alright?" tanong agad nito at tinignan ang kabuuan.

Yumakap lamang sa kaniya si Ashleigh. "M-may bomba sa gown ko.." garalgal ang boses na sumbong nito.

Kinapa ni Coler ang belt na nakakabit sa bewang niya. Sinubukan niyang alisin ito ngunit hindi matanggal. Matibay ang pagkakalock dito.

"Shh, gagawa ako ng paraan. We're not going to die, alright? Calm down." Pinakalma niya muna ang mapapangasawa at saka naghanap ng bagay na pwedeng gamitin upang maalis ang nakakabit na bomba sa kaniya.

But a minute hasn't passed, sumabog bigla ang pintuan dahilan para mabaklas ito at makapagbigay daan. Ngunit ang nakakagulat ay ang nasa likod non. Naroon nakatayo ang ilang pamilyar na tayo.

Si Samantha, Dale, mga miyembro ng Xcience at miyembro ng The Cards.

"Sam!" hiyaw ni Ashley at napahagulgol.

"M-Mom! Dad!" tawag ni Coler sa kanila nang makita ang mga magulang. His eyes watered as he finally realized that they are alive.

"Kliff, you know what to do," mando ni Samantha at tumango agad ang lalaki. Lumapit ito kay Ashleigh upang idefuse ang bomba.

"What the hell?! B-buhay kayo?!" nanlalaki ang mata na saad ni Ayesha. Hindi makapaniwala sa nasaksihan at para bang nakakita ng multo.

"Oo, buhay kami," ngisi sa kaniya ni Samantha. Sinenyasan nito ang ilang mga kasama na agad pinalibutan si Ayesha at pinosasan.

"Damn it! Just kill me, you bitch!" hiyaw ng babae at pumasag.

"No, dapat mong pagbayaran ang mga kasalanan mo sa kulungan," ani Dale habang nakaakbay sa asawa.

"Done." Napalingon sila kay Klifford na naialis na ang bomba sa baywang ni Ashleigh at nadefuse na rin.

"Ituloy na ba natin ang kasalan?" untag ni Samantha at tumawa.

"Mommy.. Daddy," parang bata na kumalas si Coler sa pagkakayakap kay Ashleigh at lumapit sa kaniyang ama at ina. Pareho niya itong niyakap nang mahigpit.

"Aww, namiss kami ng baby namin," nakangiting sambit ni Samantha habang hinahagod ang likod ng panganay.

"I-I thought.."

"Ipapaliwanag namin."

Nagpunas ito ng luha. "You guys are alive, what about--"

"I'm here!" Napalingon sila sa nagsalita.

It was Savi. He's also alive!

Arranged Marriage ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon