Nagstay lang muna ako roon sa bahay nina Tita Sam dahil sinabi niyang huwag muna akong umuwi, gusto ko rin na hintayin si Coler na bumalik. Pareho kami ni Tita Sam na nag-aalala sa kanila. Sana lang ay kahit ganoon ang nangyari, maayos pa rin si Tito Savi. Ipinagdarasal ko na makasurvive siya sa pagsabog na iyon.
"Hello? Yes, nandito sa bahay si Ashleigh, pumunta ka na lang dito sa bahay at ikukwento ko sa 'yo ang nangyari." Ibinaba na ni Tita Sam ang tawag at tumingin sa akin. "Your mom is coming."
Tumango ako at nanatiling nakaupo sa sofa habang nakatingin sa phone ko. Kanina ko pa kasing tinetext si Coler ngunit kahit isa ay walang reply. Ano na kayang nangyari?
"Sam! What happened?!" Napalingon kami sa kakapasok lang na si Mommy, kasama niya si Daddy.
"S-si Savi, sumabog raw ang kotse niya habang pauwi siya."
"What?! Oh god, bakit nangyari 'yon? Shit! This isn't good, siguradong simula pa lang ito!" Mababakas ang sobrang pag-aalala ni Mommy sa kaniyang mukha. Simula pa lang?
"Nasaan si Dale?" tanong ni Daddy.
"Pumunta na siya doon, sumama rin si Coler."
"Pupunta rin ako." Nagmamadaling umalis na si Daddy.
"Dad!" aawatin ko pa sana siya kaso pinigilan ako ni Mommy.
"Hayaan mo na. Walang mangyayari sa Daddy mo, masamang damo yon."
***
After an hour of waiting, tumawag si Tito Dale kay Tita Sam, pinapapunta na kami sa hospital. Wala siyang sinabi kung anong lagay ni Tito Savi.
Hindi na kami nagsayang ng oras at pumunta na kami sa hospital na sinabi ni Tito Dale. Nakita namin sila sa labas ng isang room, hindi namin makita ang reaksyon nila dahil pareho silang nakayuko.
"Dad, what happened to Tito Savi?" tanong ko kay Daddy nang makalapit kami sa kanila. Sina Tita Sam ay tinanong din si Tito Dale.
Tinignan ako ni Daddy at mababakas ang lungkot sa mga mata niya.
Wait. No.
"Dad?"
Napatingin na ako kay Tita Sam na umiiyak na ngayon. Napatakip na lang ako ng bibig at namuo na rin ang luha sa mga mata ko.
"Wala na si Savi, sa lakas ng pagsabog ng kotse niya, hindi siya makakasurvive."
Napuno ng hagulgol ang pasilyo. Wala na talaga siya. Mabuti siyang tao kahit na may pagkaloko-loko, talagang nakakalungkot na wala na siya.
"They will pay for this."
Napalingon kami kay Tito Dale na ngayon ay mababakasan mo ng galit at sakit sa mata. Kapatid niya ang nawala e, alam ko ang nararamdaman ni Tito Dale, sigurado akong hindi siya titigil hangga't hindi magbayad ang gumawa nito sa kapatid niya.
Days passed by, hindi pa rin kami makamove on sa nangyari kay Tito Savi, lalo na ang pamilya ni Tito Dale, it will be really really hard for them to accept but I hope, wala nang kasunod 'to, tama na 'yon.
"Are you okay? Come on, Coler, hindi alak ang sagot riyan." Kinuha ko ang baso niya na may laman pang alak.
"Will you just please leave me alone?" iritable niyang sabi at hinablot mula sa akin ang baso niya at nilagok ang laman non.
"No, hangga't hindi mo inaayos ang sarili mo hindi ako aalis." Kinuha ko na ang bote ng alak niya at tinago sa likuran ko.
"Give it back," aniya sa seryosong tono at papalapit sa akin.
Napapaatras ako ngunit pinanatili ko ang matapang na awra sa mukha ko. "No, you're drunk and you should stop drinking! Magagalit sa 'yo si Tita Sam!"
"Who cares? I'm a grown up man and I can handle my self." Papalapit pa rin siya habang ako e papalayo. Hindi naman ako natatakot e, ewan ko rin kung ano 'tong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage ✓
Teen FictionIt was all because of Samantha and her friend. She want her son to have the same faith as her. So she arranged a marriage for her son. Will their faith be the same? Will Coler accept it? Will he also love his fiancé just like how his Dad loved his...