Ashley's POV (Mama ni Ashleigh 'to, wag kayong malito)
"Bilisan mo naman, Blake! Nasa emergency room ngayon ang anak natin!" naiiyak kong sabi sa asawa ko na ngayon ay mabilis na pinapatakbo ang kotse papunta sa hospital na pinagdalhan sa anak namin.
"Ito na nga, Love oh! Kumalma ka muna okay? Magiging maayos din siya!" Alam kong pimapalakas niya lang ang loob ko kahit na alam ko na siya e lubos din ang pag-aalala sa anak namin.
I swear, hindi ko mapapapatawad ang gumawa nito sa anak ko kapag may nangyare sa kaniya. Hinding hindi ako papayag!
Hindi rin nagtagal at nakarating na kami sa hospital. Bumaba agad ako sa kotse at pumasok sa loob. Nadatnan ko si Coler sa labas ng emergency room at mukhang kanina pa siya nandon. Gulo-gulo pa ang buhok nito.
"Coler.. si Leigh?" tanong ko agad at pinunasan ang luha na umagos mula sa mata ko.
Napatayo ang binata nang makita ako. "Nasa loob pa po siya, Tita.. hintayin na lang daw po natin ang doctor," matamlay niyang sagot.
Napaupo na lang ako sa upuan doon. "A-ano bang nangyare? Sino 'yung bumunggo sa anak ko?"
Hindi nakaligtas sa mata ko ang pag-igting ng panga niya at ang pagkuyom ng palad nila. "We're still tracing him, Tita at ipinapangako kong hindi na siya makakapagtago pa." He really look mad. I wonder why. I knew Coler for being cold to my daughter, it's alright for me though. Kilala ko talaga siya bilang walang pake kay Ashleigh pero sa nakikita ko ngayon? Parang ibang-iba siya.
Napadasal na lang ako. Anak, gumaling ka agad, mukhang may chance ka pa.
Dumating na rin si Blake na nagpark lang ng kotse, nag-usap pa silang dalawa ni Coler habang ako ay taimtim pa rin na nagdarasal sa magiging kalagayan ng anak ko.
Hindi rin nagtagal ay dumating na rin sina Sam at Dale.
"Oh my gosh, what happened to Ashleigh?! Naglilinis ako ng bagay nung tawagan ako ni Coler about sa situation ngayon ni Leigh!" dumiretso sa akin si Sam at niyakap ako. "She'll be okay, malakas at matapang si Ashleigh, malalagpasan niya 'to lalo na kung mananalig tayo."
Dumating na rin si Cassandra kasama ang kaniyang asawa at anak, nandito na rin sina Yesha at iba pang mga bagets.
"N-nag-uusap lang kami kanina dahil late na siya sa meeting place namin.. kung alam ko lang na mangyayare 'to hindi ko na sana siya sinungitan.." humahagulgol na wika ni Shancee na agad yumakap sa 'kin. "I'm sorry po, Tita.. kung sana ay sinundo na lang namin si Leigh hindi sana 'to mangyayare.."
Tipid ko lang siyang nginitian. "Wala kayong kasalanan, huwag kang mag-alala, hindi ko naman kayo sinisisi at alam kong hindi niyo rin ginusto ang nangyare."
Ilang oras pa ang hinintay namin bago lumabas ang doctor. Lahat kami ay napatayo.
"Nasaan ang magulang ng pasyente?" tanong ng Doctor kaya agad kaming lumapit ni Blake.
"Kami po.."
"Sumunod ho kayo sa akin sa office dahil marami po akong ipapaliwanag tungkol sa kalagayan ng anak niyo ngayon." Nauna na ito sa office niya, sumunod kami ni Blake. Sa una pa lang e kinabahan na ako dahil mukhang malala ang kalagayan ngayon ni Ashleigh.
"Anong sabi ng Doctor?" iyan ang tanong nila nang makapasok kami sa private room ni Leigh, nilipat na kasi ito ng kuwarto.
Malungkot ko silang tinignan at dumiretso sa anak ko na ngayon ay wala pang malay. Hinawakan ko ang kamay niya. "Napuruhan ang mata ni Leigh ng bubog na mula sa kotse.. kailangan daw makahanap ng eye donor para makakita ulit siya.." habang sinasabi iyon ay hindi ko mapigilang maiyak. Awang-awa ako sa anak ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage ✓
Teen FictionIt was all because of Samantha and her friend. She want her son to have the same faith as her. So she arranged a marriage for her son. Will their faith be the same? Will Coler accept it? Will he also love his fiancé just like how his Dad loved his...