PROLOGUE

147 2 2
                                    

sabi nila may ibat iba tayong kagandahan,katangian,talento at kung ano ano pa.pwede kang matawag na 'unique' kasi kakaiba ka.natutuwa ako kasi madaming confident na tao ngayon lalo na sa babae.

pero paano naman ako?hanggang dito nalang ba talaga ako?maganda naman ako ah.may talent din ako.pero hindi ako sexy.

sabi ng iba masama daw mag body shame kasi nakaka baba ng confident sa ibang tao,pero bakit kapag sa akin sinasabi,ang laging dinadahilan,joke lang yun or kaya pinapalakas lang namin yung loob mo para ganahan ka mag diet.

naiintindihan ko naman na gusto lang nila akong pumayat pero hindi ba nila ako matanggap sa kung ano ako ngayon?

mahirap maging ganito kasi kahit minsan na may mga bagay kang gustong subukan,madaming humahanga at nabibighani sa mukha mo pero kapag tumingin sila sa katawan ko alam mo nang hindi kana nila gusto.

kasi mas maganda tignan para sakanila ang mapayat,kapag mas mapayat ka mas madami kang pwedeng masuot na damit.

mas ikaw yung angat kasi kapag sinabing sexy,inaalagan mo sarili mo,pero kapag mataba ka,sasabihin wala kang paki sa katawan mo.

kung wala akong paki sa katawan ko,edi sana ay nangangayayat na ako.

kahit ayoko mang maapektuhan sa sinasabi ng iba,hindi ko maiwasan lalo na sa mismong pamilya ko pa nanggagaling yun.

___________________✧____________________

10/09/21

PURSUING OUR DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon