04

24 1 1
                                    

"nakita mo na ba?nandun na yung result sa mga nakapasa for music club"i heard one of my classmate said to his friend.mukhang nakasabit na nga.

kinakabahan ako.paano kapag hindi ako nakapasok?

kailangan ko nang pumunta doon.gusto ko din makita.

nandito kasi ako ngayon sa classroom namin dahil may free time naman.mukhang may klase pa si Kyle kaya wala naman akong kasama kapag lumabas ako.

ang mga kaibigan ko naman ay umalis at nakalimutan daw nilang sabihin na may gala sila dahil hindi naman ako kasali sa group chat nila.

pero okay lang yun.baka nakalimutan naman nila talaga.magpapalipas nalang ako ng oras dito sa loob ng classrom.

mainit din kasi sa labas.mabubully nanaman ako kapag ako ang naging sentro ng atensiyon.

pagkatapos ng ilang minuto na naghintay ako sa loob ay nag ring na din ang bell,hudyat na tapos na ang klase.

last subject na kasi namin ito.kanina pa nag lunchbreak so ang last bell ay para sa uwian nalang.

kinuha ko ang bag ko at dumiretso papunta sa hallway kung saan nandoon ang classrom ni Kyle.

madaming tao ang lumalabas sa bawat kwarto at mas dumadagdag ang mga nakatambay sa gilid dahil may upuan dito.nahihirapan na naman akong maglakas dahil masikip.

"pag alam na kasing mataba,wag nang makisingit."parinig ng isa sa mga estudyante sa akin.hindi ko naman kasi alam na ganito kadami ang magiging tao ngayon.

alam kong para sa akin yun dahil ako lang naman ang mataba sa buong hallway.hindi ko naman ginusto ito.

napayuko nalang ako habang naglalakad dahil nahihiya ako.yung iba ay pinagtatawanan pa ako at ang iba ay nagbubulungan pa.

pero parang iba ang tingin nila sa akin ngayon,parang gulat na gulat sila na ako to ganon.

hinayaan ko nalang ang mga taong nakatinigin sa akin at nakita ko na din si Kyle na lumabas na ng classrom niya.

"ready kana ba?"nakangiting tanong sa akin.hindi ko alam ang sagot dahil kinakabahan ako.

"hindi ko alam.tignan nalang natin."sagot ko sa kaniya.hindi nadin ako makangiti dahil nga pinangungunahan ako ng kaba.

paakyat na kami sa second floor kung saan nandoon ang billboard.doon nilalagay ang mga posters ng upcoming events and schedule ng bawat section pero mostly mga schedule tuwing may exam.

ang daming tao na nakatingin.mukhang madami ang gustong makakita.

nakisingit na din si Kyle pero ako ay hindi.hindi naman ako mag kakasya kaaya naghintay nalang ako sa dulo.

lumipas ang ilang minuto ay lumapit sa akin siKyle na gulat na gulat.

"bakit?nakapasa ba tayo?"kinakabahang tanong ko.

hindi siya nagsasalita.nakatulala lang bigla sa hangin at bigla naman akong niyakap ng mahigpat.

"ano ba!hindi ako makahinga!"pilit kong inaalis ang kamay niya na nakapalibot sa akin.

"top 1 ka."bigla niyang sinabi.ano?hindi ko maintindihan.

"nakapasa ka ba?"iniba ko ang topic dahil gusto kong malaman kung nakapasok siya.

"oo.top 1!"gulat na gulat na sabi nito.

mabuti nalang at nakapasa siya!masaya ako para sa kaniya.

PURSUING OUR DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon