08

23 1 0
                                    

"Enjoy your day!"muling pagbati sa akin ng mga katrabaho ko at ni Ma'am Sam.

today is my birthday.i'm officialy 15.masaya.sobra.

pagkagising ko kaninang umaga,hindi na ako nag expect na may babati sa akin dahil sanay na ako.

pero ngayon ay nagulat talaga ako.sobrang masaya ako kasi may naka alala ng birthday ko.

binati din ako kanina ni Shawn at ginawan pa ako ng album kung saan nandoon ang mga pictures na kinolekta niya.

sobrang saya ko nung natanggap yun.dati kasi ay walang nag reregalo sa akin.

hindi din naman cinecelebrate ni mama yung birthday ko at sinabing gastos lang daw.

kahapon nung umuwi sila ni Hannah galing Manila ay tinanong ko kung pwede akong mag celebrate kasi first time ko to.

kaya ko naman gastusan yun dahil pwede akong kumuha sa ipon ko pero gusto ko kasama sila Mama.

pero mukhang ako lang ulit ang mag cecelebrate mag isa dahil hindi ako pinayagan ni mama.

binigyan niya lang ako ng 500 para maghanda daw ako mag isa.hindi ko naman makasama si Shawn dahil may event sila sa school at required na pumunta.

kaya eto ako ngayon pauwi na sa bahay.tapos naman na ang trabaho ko at wala naman kaming pasok dahil week end.

binati din ako ni Kc pero wala siya ngayon dahil nga weekend,doon siya nag stay sa grandparents niya.

masaya padin naman ako dahil niregaluhan niya ako ng mga damit.kahit walang regalo ay okay lang basta maalala lang nila na birthday ko ngayon.

at kanina ko pa hinihintay ang pagbati sa akin ng pinaka hinihintay ko.

hindi nga ako natulog hanggang twelve ng madaling araw para lang batiin ko ang sarili ko kahit tulog na ang mga tao sa bahay.

wala din naman bumati sakin sa social media kaya sarili ko nalang ang nag bati sakin.

pero okay lang yon.thankful akong nag birthday ako kahit walang handa.

kaya pauwi na ako sa bahay at maliligo ako.naisip kong lumabas ng bahay at pumunta ng mall para mag gala.

nung una akong nag celebrate ng birthday ay nakakalungkot pero ngayon ay nasasanay na ako.

hindi naman na ako nag eexpect dahil sinasanay ko nalang yung sarili ko.

walang tao sa bahay.ang alam ko kasi ay umalis sila Mama dahil malapit na ang birthday ni Hannah.

kailangan daw bongga dahil ipopost niya sa social media.kapag artista ay hindi pwedeng pangit ang mga pinopost mo dahil nakakasira sa career mo.

kaya kahit hindi pa naman talaga nakakapasok sa pag aartista si Hannah ay todo push na si mama na maging maayos ang mga picture niya.

pagpasok sa kwarto ay hinanda ko na ang susuotin ko.

kinuha ko ang binigay sa akin na longsleeve croptop na puff ang sleeves.bigay to sa akin ni Kc kahapon.

maganda ang design at color black ito.pinatungan ko nalang ng Baggy Jeans.

i grab my White sandals and put it on the bed.para makita ko kung bagay sa lahat.

pagkatapos ayusin ay naligo na ako.malapit na din kasing mag hapon pero hindi pa naman madilim.

PURSUING OUR DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon