"thank you guys sa lahat ng hardwork niyo."the manager spoke.
we are closing the shop after a long day.nakakapagod pero masaya.
i've been working in here for a lot of months.madami dami nadin akong naipon.
masaya ako sobra.kahit minsan naiisip kong sumuko sa mga bagay,iniisip ko nalang na problema lang ito at malalampasan ko din.
kasi wala naman bago kung mag sstay lang ito dito.kung hindi natin bibigyan ng solusyon.
maging masaya tayo at isipin na malalagpasan natin ito dahil pagsubok lang.
pagkatapos isara at maglinis sa buong shop.nag bihis na ako.
"nakakatuwa ka sapphire.grabe ang ipinayat mo.parang dati lang ay mataba ka pa."natutuwang sabi sa akin ng kasamahan kong babae.
nandito kasi kami sa locker room para makapag palit na ako ng t-shirt.
totoo ang sinabi niya.parang dati lang ay ang taba ko sobra.nasa 35 ang waistline ko.
pero ngayon ay nasa 26 nalang.masaya ako sobra.iniiwasan ko din kumain ng matatamis at mga fatty foods.
kasi gusto ko na maging healthy.dati ay kung saan lang ako nag ccrave ay doon ang gusto ko.hindi ko iniisip kung anong mangyayari sa katawan ko.
may cheat day naman ako every sunday so okay lang na kumain ako ng mga sweets.
kahit mahilig ako sa fried food ay pinipigilan ko ang sarili ko.
ginagawa ko to para sa sarili ko at hindi para sa iba.kasi kahit asarin nila akong mataba ay wala na sa akin.
pagkatapos mag bihis ay umalis na ako.pauwi na sa bahay.
matagal nang natapos ang school year ko bilang grade 8 at mag ggrade 9 na ako sa pasukan.
tatlong buwan na ang bakasyon at ang bakasyon ko ay mas inalay ko sa pagtarabaho.
ang sabi din sa akin ni Mama ay hindi na niya ako kayang pag aralin sa private school kaya nag transfer nalang ako sa public.
walang problema sa akin yun dahil nga mas okay pa.makakapag simula pa ako ng bagong buhay.
madaming memory sa dati kong school pero nangingibabaw padin ang mga masasakit na araw doon.
mabuti nalang at nung naging member kami ni Kyle sa Music Club ay naging masaya ako kahit konti.
kasi walang nambubully sa akin nun.lahat ay mabait.
at lalo na ang Gig at mga events na nag perform kami.sobrang saya.
pero mas mabuti nalang din na makalimutan ko ang mga ala alang iyon dahil kung mag sstay yun sa akin ay hindi ako makakamove on sa nakaraan.
nandoon lang ako.nalulungkot at paulit ulit na iniisip kung bakit nangyari sa akin yun.
kaya nung naisip kong wala akong mapapala kung ayun lang ang gagawin ko ay mas inisip ko ang sarili ko.
kinalimutan ko na lahat ng malulungkot na pangyayari.
kaya hindi nadin ako umangal nung sinabi ni Mama na ako nalang ang ipapublic school.
mas inuna daw kasi si Hannah at Shawn kesa sa akin at okay lang yon.
nakauwi na ako ng bahay at walang tao.mukhang umalis si Mama at Hannah dahil ang balita ko ay sinasamahan ni Mama si Hannah na mag audition.
BINABASA MO ANG
PURSUING OUR DREAMS
RomanceSapphire wants to become a kpop idol but because of her insecurities,a lot of people are bodyshaming her. but she has a bestfriend who named Kyle who supports her since day one.